03 CHAPTER

84 13 1
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas simula nang mag exam kaming tatlo sa iisang Unibersidad at ito na ang araw na pinakahihintay namin, andito kami ngayon sa kwarto ko habang hinihintay yung resulta ng entrance exam.

"Ano ba Irish, huminahon ka nga jan." Puna ni Nissah kay Irish na kanina pa refresh nang refresh sa website ng school.

"Oo nga naman Irish, bakit hindi ka muna humiga dito sa kama." Pag-anyaya ko sa kaniya, kasi naman kanina pa siya naka tutok sa monitor baka masira mata niya mahirap na.

"Bakit naman kasi ang tagal!" nababagot na sabi niya.

"Matuto din kasing maghintay." Natatawang sambit ni Nissah na ngayon ay nanonood ng K-drama sa cellphone niya. Patuloy lang sila sa pag-aasaran habang ako naman ay abalang tinitignan yung apartment na pag mamay-ari ni Mama, medyo maliit lang siya nabili kasi ito ni Mama dati noong nagkaroon siya ng medical mission malapit doon sa university kung saan kami mag-aaral.

"Sophia ano yan?" Lumapit si Irish sa akin at tumabi sa kama, siguro napagod na siya kakahintay ng result sa internet.

"Wala, tinitignan ko lang itong Apartment na pag mamay-ari ni Mama, balak ko sana na dito tumira habang nag-aaral." Sagot ko sa tanong niya.

"Pumayag ba mga magulang mo?" tanong nito.

"Kakausapin ko pa si Mama pero si Papa hindi ko alam kasi hindi parin niya ako kinikibuan hanggang ngayon." Medyo nakakalungkot lang isipin na hanggang ngayon hindi parin kami maayos ni Papa.

"Bakit hindi ka humingi ng taw---" Hindi natapos ni Irish yung sasabihin niya nang biglang tumunog ang monitor. Kumaripas kami ng takbo para tignan kung para saan yung notification na natanggap namin at sobrang gulat namin dahil nakatanggap kami ng mensahe galing sa website ng school. Agad naman naming tinignan ang mga listahan ng mga estudyanteng nakapasa sa entrance exam, una naming nakita ang pangalang 'Andres, Irish Naomi C. - Bs Accountancy' halos mamatay na siya kakalundag sa kwarto ko, sunod naman naming nakita ang pangalang 'Reyes, Nissah O. - BA fashion design and Marketing' napasigaw naman sa saya si Nissah habang nagyayakapan sila sa likuran ko, napalunok ako ng dalawang beses habang tinitignan ng seryoso ang mga pangalan nagsisimula sa letrang T, unti-unti kung binababa hanggang nakita ko ang pangalang 'Torres, Sophia Lyne L. - BS Accountancy' tumalon na rin ako sa saya hindi ko akalaing ganito ang mararamdaman ko hindi ko tuloy mapigilang maluha dahil sa saya. Ito na ata ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko, ang makapasa at maipagpatuloy ang kursong gusto ko.

*

After 3 weeks

Unang araw para sa unang semester ng taon. Napabangon ako ng maaga at nagsimulang mag-ayos, nakatira ako ngayon ng pansamantala sa apartment ni Mama, pumayag naman siya kasi malaking tulong din ito para hindi na ako mahirapang bumyahe ng mahabang oras.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway habang hinahanap yung information office para kuhanin yung schedule ko for this semester. Sa ilang minutong paglalakad nahanap ko rin at agad-agad pumila.

"Ms. Sophia, ito na yung listahan ng schedule mo, kung sakaling may conflict sa schedule mo pwede mo kaming tawagan anytime." tugon ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Maraming salamat po." tugon ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kabilang building. Nalaman ko rin na magkaklase kami ni Irish at ayun tuwang tuwa ang bruha.

"Finally we're here."

"Ay palaka! Ano ba Irish nang gugulat ka naman." Sabay hawak ko sa puso ko. Bigla bigla naman kasing susulpot sa harapan ko parang kabote.

"Sorry naman." Sagot niya. Nakatayo kaming dalawa sa harapan ng pintuan at nagtititingan pa kami kung sino ang magbubukas, nakakahiya naman kasi.

"Ikaw na." Sambit ko kay Irish.

"Anong ako? Ikaw na." Pabulong na sabi niya sa akin.

"Nako naman, sige na nga lang." Hahawakan ko na sana yung doorknob ng biglang may iba na humawak dito.

"Tatayo nalang ba kayo diyan?pumasok na kayo." Nagulat kami bigla ng pumasok yung professor ata namin, hindi ko pa kasi alam kung siya nga ba talaga yung professor namin.

"Sorry Sir." Magalang na sambit ko sa kanya.

"It's okay, umupo na kayo." Napalingon ako bigla sa mga upuan, like what I expect halos lahat occupied na except sa may likuran na katabi ng naka glasses na babae.

"Sige na Sophia, sayo nalang yung upuan." Napalingon ako kay Irish, mukhang nakita niya rin na iisang upuan nalang yung bakante.

"No, Ikaw na umupo tsaka feeling ko hindi ka okay kaya ikaw na talaga yung umupo." Medyo nalito siya sa sinabi ko pero na catch up niya naman.

"Sigurado ka?" Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya, tsaka okay lang naman kung tumayo ako sa gilid unless kung may taong may pusong mamon na mag o-offer ng upuan, pero as usual wala.

Nakatayo lang ako sa gilid habang nakikinig sa professor namin, nag di-discuss lang siya kung ano yung mga subjects at requirements namin for this semester. Medyo nananakit na rin yung paa ko kakatayo, tsaka nangangawit na yung balikat ko sa sobrang bigat ng bag ko ngunit wala pa ring nag o-offer ng upuan jusko.

Mga ilang oras rin akong nakatayo sa gilid nang mapansin ng professor namin na nahihirapan na ako sa sitwasyon na kinaharap ko.

"Miss, what's your name?" Sabay tingin niya sa akin.

"Sophia Lyne Torres po." Sagot ko sa tanong niya.

"If you can't take to stand anymore, pwede kang kumuha ng upuan doon sa kabilang building may vacant room doon na may maraming upuan malapit lang sa laboratory." Biglang nag blangko yung ekspresyon ko, bakit ako yung kukuha? tsaka malay ko ba kung saan yang laboratory na yan.

"Sa anong floor po ba Sir?" Hindi ko alam pero biglang nasabi ko yun, siguro pagod na talaga ako,pagod na pagod na akong tumayo.

"Sa last floor Miss Sophia, if you need help you can ask your classmates." Seryosong sabi niya, jusko paano ako hihingi ng tulong sa kanila e hindi ko pa sila kilala tsaka hindi rin alam ni Irish kung saan yung tinutukoy ng professor namin.

"Okay Sir." Napabuntong hininga nalang ako, as if I have choice. Aalis na sana ako ng mag isa ng biglang may tumayong lalaki.

"You can take my seat." Lumingon kami lahat sa kanya habang pinagmamasdan siya, kinuha niya yung mga gamit niya sa desk at umalis ng walang paalam sa professor.

"Okay class, don't mind him." Sabay senyas niya sa akin na umupo sa likuran, kaya hindi na ako nagdadalawang isip kasi isa lang naman talaga yung isip ko. Umupo na ako agad.

" Okay ,that's all for today, you can take your break." Umalis na agad yung professor sabay sa pag-alisan ng mga kaklase ko sa classroom. Isa lang ang masasabi ko, vacation is over and the pressure starts now.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now