06 CHAPTER

71 10 0
                                    

Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos ang madugong recitation na napagtagumpayan naman ng seksyon namin, pagkatapos naman ng subject na iyon ay pinuntahan ko rin kaagad ang librarian upang humingi ng tawad dahil sa nasira yung pintuan, buti nalang at mabait yung management ng school kaya sila na raw ang bahalang umayos rito.

Kasalukuyang kong tinatapos lahat ng mga gawain ko dito sa bahay. Ang hirap nga pala talaga kapag malayo ka sa mga magulang mo, ikaw magluluto, maglalaba, mamamalantsa at higit sa lahat maglilinis ng bahay. Agad naman akong pumasok sa kwarto at dali-daling nagbihis, plano ko sanang pumunta ng national bookstore para bumili nag mag libro para naman mabawasan yung pagka bored ko dito sa bahay. Pagkatapos kong magbihis ay agad rin akong pumara ng masasakyan at ilang saglit lang ay nakarating na ako sa Mall.

"Miss bili na po kayo, may 10% discount po kaming ino-offer ngayon." Bungad sa akin ng isang sales lady sa national bookstore.

"Saan ba dito yung mga bagong stocks na libro?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Ito po, marami po kaming stocks ngayon na maaari kong irekomenda sa iyo." Sabay turo niya sa mga libro sa giliran ko.

"Maraming salamat." Tumango naman ako sa kanya at agad tinignan ang mga libro.

"Mahilig po ba kayo sa science fiction?" Napatingin naman ako sa kanya at agad tumango, kahit anong genre naman gusto ko.

"Subukan niyo pong basahin itong taste of sky, naging best selling po ito ngayon." Puna niya, siguro mahilig rin ito sa libro.

"Talaga? Sige kukunin ko yan at tsaka ito ring Something Spectacular." Tugon ko sa kanya, agad niya namang kinuha yung sinabi kong libro at ibinigay sa akin. Dinala ko naman agad sa counter upang bayaran ito nang makita ko yung taong nagligtas sa akin, nakalimutan ko rin kasing tanungin kung ano yung pangalan niya kaya hindi ko alam.

"Pst." Pagtawag ko sa kanya ngunit hindi naman siya lumingon kaya napagpasyahan kong puntahan nalang siya.

"Ba't hindi ka lumilingon?" Bigla naman siyang nagulat dahil sa biglaan kong pagsulpot sa harapan niya.

"Ako ba kinakausap mo?" Pagtatakang tanong nito.

"Bakit, may nakikita ka ba na hindi ko nakikita?" Pagbibiro ko sa kanya, bigla naman siyang napakamot sa batok niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

"Ito, bumili ako ng mga libro para hindi naman ako maging bored sa bahay, ikaw?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"May tinitignan lang akong materials para sa project namin." Seryosong sagot niya.

"Ah talaga? bilisan mo dyan, lilibre kita sa labas." Masayang sabi ko, gusto ko rin namang bumawi sa kabutihang ginawa niya sa akin.

"Ikaw manglilibre? Wag na nakakahiya naman, at tsaka voluntary naman yung pagtulong ko sayo." Napatahimik naman ako saglit sa sinabi niya.

"Sige na, kahit ngayon lang. Isipin mo nalang na birthday ko ngayon kaya manglilibre ako." Pagpupumilit ko sa kanya, buti naman at napapayag ko rin siya kaya pagkatapos niyang mamili ng mga materials ay lumabas kaagad kami.

"Teka lang, anong gusto mo?" Pagtatanong ko to break the awkwardness.

"Raspberry milk tea nalang." Tumango naman ako sa sinabi niya at agad kaming tumungo sa starbucks.

"Miss what's your order?" Tanong ng babaeng nasa harapan namin.

"Miss isang Raspberry milk tea at tsaka S'mores Hot chocolate dine-in , pabalot narin ng dalawang Cookies & Cream Frappuccino." Tumango naman siya at binigyan niya kami ng number.

"I dedeliver lang po namin yung order niyo po." Tumango naman ako sa sinabi niya at naghanap na ng mauupuan kasama tong lalaking nagligtas sa akin.

"Oo nga pala, Sophia Lyne Torres from Accounting department, BSA yung course ko, ikaw?" Pagpapakilala ko sa kanya.

"Ezekiel Morgan, Zeke nalang itawag mo sa'kin. Mechanical engineering yung kinuha kong kurso ." tugon nito, hindi ko maipagkakailang gwapo nga siya, matangos ang ilong, singkit ang kanyang mga mata at higit sa lahat ang amo rin ng mukha.

"Varsity player ka ba sa school? kasi noong nakaraang buwan narinig ko kasi yung pinag-usapan niyo ng mga kaibigan mo tungkol doon sa laban niya sa ibang school." Pagtatanong ko, hindi naman sa na cu-curious pero kasi gusto ko lang malaman.

"Oo, D'bachelor pangalan ng grupo namin, medyo matagal na rin naman kaming naglalaro kaya naging hidden weapon kami ng school kapag nagkakaroon ng laban sa ibang manlalaro." Napatango naman ako sa sinabi niya, sakto rin na dumating yung inorder namin kaya inabot ko agad yung credit card ko upang bayaran lahat ng inorder ko.

"Mahirap ba course mo?" Pagtatanong nito habang iniinom yung raspberry milk tea.

"Sobrang hirap, pero kaya naman." Napangiti naman ako sa sinabi ko, wala naman kasing mahirap kapag gusto mo talaga ang isang bagay.

"Miss, hindi po ma recognize ng system namin yung credit card niyo, pwede niyo pong bayaran through cash kung gusto niyo." Napatingin ako babaeng isa sa mga empleyado dito nang may pagtataka.

"May error ba?" Napahawak naman ako sa wallet ko at agad ibinigay yung isa ko pang credit card.

"Maam, sorry pero ayaw po talaga." Napatingin naman ako sa wallet ko, nagbabaka sakaling may naiiwan pa akong pera pero biglang gumuho ang mundo ko ng makakita ako ng 50 pesos sa wallet ko, natatandaan ko pala na ginastos ko yung pera ko sa pagbili ng libro kanina.

"Dito ko nalang babayaran." Inabot naman ni Zeke yung credit card niya and guess what? gumana sa kanya. Ang ibig bang sabihin nito sinara lahat ni Papa yung credit card ko?

"Nakakahiya naman, ako pa yung nagyaya tapos ikaw pa yung nagbayad." Napahawak ako sa mukha ko, sobrang nakakahiya knowing na na temporary closed lahat ng credit cards ko! paano na ako mabubuhay ngayon?

"Okay lang naman, tsaka lalake naman dapat yung gagastos, isipin mo nalang nag da-date tayo." Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka, anong date?

"Biro lang, tara hatid na kita." Napangiti naman siya, ewan ko pero parang may spark na dumadaloy sa katawan ko. Tumayo naman ako agad at sumunod sa kanya dala-dala yung pinabalot kong Cookies & Cream Frappuccino na para kina Nissah at Irish na siya rin yung nagbayad, kulang nalang lamunin ako ng hiya dito sa kinakatayuan ko.

"Okay ka lang ba?" Pagtatanong niya, hindi rin naman kasi ako maka-imik dahil sa nangyari.

"A-ah, maayos naman tsaka credit card lang naman to, hindi naman siguro ako mamatay kapag wala ako nito." Pagsisinungaling ko, hindi naman talaga ako mabubuhay kapag wala akong credit card, paano nalang yung kakainin ko? yung tuition fee at mga miscellaneous fee sa school?

"Ihahatid na ba kita o baka naman gusto mo pang magpa hangin?" Lumapit naman siya ng kaunti sa akin.

"Hindi na siguro, may pupuntahan pa kasi ako, balak kasi naming mag sleep-over ngayon kasi walang pasok kaya doon mo nalang ako ihatid malapit lang rin naman sa apartment na tinutuluyan ko." Maraming mga bagay ang bumabagabag sa aking isipan, kailangan ko ng masasandalan sa panahon ngayon.

"Oh panyo, mukhang lalabas na yang mga luha mo." Napatingin naman agad ako sa kanya at agad tumalikod.

"Hindi ah, napuwing lang yung mga mata ko." Pinunasan ko naman agad yung namumuong luha sa mata ko, mapapahiya na naman ako nito.

"Alam mo kasi, kapag may problema ka okay lang naman kung ilalabas mo kaysa naman itatago mo diba?" Puna nito habang sinasandal niya ang kanyang sarili sa kotse niya.

"Hayaan mo kung meron man ilalabas ko lahat." Napangiti naman siya sa sinabi ko at binuksan na yung pintuan sa front seat ng kotse niya. Hindi ko alam pero parang may something talaga sa lalaking to', everytime na naiipit ako sa isang problema ay nandyan siya parati kagaya na lamang noong na stuck ako sa library, siya yung tumulong sa akin para makalabas ako doon at higit sa lahat kanina, siya yung nagbayad dahil na rin sa wala akong pera. Maybe God has a reason, a reason why I accidentally met this guy.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now