01 CHAPTER

149 16 5
                                    

Pinagmasdan ko ng maigi ang resulta ng extrance exam na naka dikit sa bulletin board. Sobrang dami ng tao ang nasa paligid ko, halos mag tutulakan na sila para makita lang yung resulta sa harapan ng office. May iba na tumatalon sa saya dahil nakapasa sila, may iba naman na nalulungkot dahil hindi man lang nakaabot ang score nila sa passing rate para makapasok sa gusto nilang kurso at ito ako ngayon halos nakatulala lang habang tinitignan yung listahan ng mga nakapasa sa kursong BS Biology, walang emosyon ang namumuo sa aking mukha. Kabilang ako sa mga estudyanteng nakakuha ng pinakamataas na marka, alam kong magiging masaya sila Papa pag nalaman nila ito, pero bakit parang ang empty ng feeling ko ngayon, bakit parang hindi ako masaya?

Pagkagaling ko sa office para kunin ang resultang sealed sa isang envelop umuwi kaagad ako sa bahay. Sinalubong nila akong dalawa sa labas ng bahay. Hindi pa ako nakaimik at inunahan na agad ako ni Papa.

"Give me the result Hija." Napalunok ako sabay lahad ng exam result sa kanya,tinignan niya lamang ito ng seryoso sabay baling ng tingin sa akin.

"Look at that! this is beyond my expectation, you never failed to impress me Sophia, manang-mana ka talaga sa amin ng Mama mo." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at ngumiti ng malawak. Kay ganda sana pakinggan ang mga sinasabi niya sa akin ngayon kung hindi nga lang pilit ang lahat ng ito.

"Hali ka anak, may hinanda kaming surpresa sa iyo, dapat lang na i-celebrate natin ito lalo na't may susunod na sa yapak namin." Ngumiti na lang ako ng pilit kay Mama sabay hawak niya sa kamay ko at hinila papasok ng bahay.

"Alam kong magugustuhan mo lahat ng niluto ng Papa mo, alam mo bang hindi yan pumasok ngayon para lang makita results mo." Masayang sabi niya habang pinagkaka-abalahan ayusin ang mga pagkain sa mesa.

"Hindi niyo naman po kailangang magluto ng maraming pagkain." Sambit ko sa kanila, masarap naman mag luto si Papa pero masyadong madami ito para sa aming tatlo. Ilang saglit lang ay umupo na rin kami sa hapag-kainan at nagsimulang kumain.

"Don't worry anak, dadating yung mga Tito at Tita mo to celebrate with us." Napabitaw ako sa hawak kong kutsura at tinidor dahil sa gulat, unti-unti na rin akong nawawalan ng ganang kumain dahil sa nalaman ko.

"Alam namin na hindi madali ang mag-aral ng Med lalo na't sa ibang bansa ka namin pagpapaaralin pagkatapos ng pre-med mo dito sa Pilipinas, alam kung biglaan pero don't worry sasamahan ka naman ng tita Ellise mo at bibisitahan ka naman namin kapag hindi hectic yung schedule namin sa hospital." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya, hindi ko ini-expect na ipapadala nila ako sa States to study medicine na hindi ko naman gusto. Saglit akong napatahimik habang pinagmamasdan silang dalawa na naka ngiti sa akin.

"Ang ibig niyo bang sabihin kailangan ko pang mag proceed after pre-med to be a doctor? Pa wala naman sa usapan natin 'yan" Pagtatakang tanong ko sa kanila, I agree to take that course para manahimik na sila pero hindi ko akalaing they will ask for more from me. It's too much.

"Bakit may problema ba anak?" Napatigil sila sa pag kain at humarap ng seryoso sa akin. Sa puntong ito, hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko, gusto ko ng sabihin sa kanila kung ano talaga yung gusto kong marating sa buhay.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang humarap sa kanila ng seryoso.

"Pa, this is too much, I can't handle this anymore. You already know that I don't like to be in your field, I want to pursue the degree that I really wanted." Alam kong hindi sila matutuwa dito at handa na akong harapin kung ano man ang kahahantungan nito.

"Nagbibiro ka ba Sophia? Look at the result, you made it. Don't make a fuss!" Ipinakita niya ulit sa akin yung resulta ng exam ko na hawak-hawak niya ngayon, hindi ko mapigilang ma guilty sa kanila pero sa puntong ito, hindi ko na rin kayang isakripisyo ang pangarap ko dahil sa gusto nilang pangarap sa akin.

"Pero iba yung gusto ko, hindi ko passion ang pagiging isang Doktor at alam kong hindi ako mag e-excell katulad niyo." Biglang nawala yung ngiti sa mga labi niya at napalitan ng galit ang emosyon niya.

"I am sorry to disappoint you this time pero hindi ito yung pinangarap ko, pangarap niyo lang to." Hindi ko namalayang may namumuo na palang luha sa aking mga mata at ilang sandali nalang ay babagsak na ito.

"Anak, ano bang pinagsasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Mama sa akin pero hindi ko siya sinagot, alam kong nag aalala na siya sa maaaring gawin ni Papa sa akin.

"Bigyan mo ako ng rason kung bakit ayaw mong mag-aral ng medisina at maging isang doktor!" Alam kong galit na si Papa sa puntong ito pero kailangan kong maging matatag para sabihin kung ano talaga ang gusto ko.

"Pa, alam ko naman na gusto niyo na ako ang papalit sa posisyon niyo pero gusto kong mag-aral ng Accountan---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang may biglang malakas sa sampal ang dumampot sa pisngi ko dahilan ng pagbagsak ng mga luha ko.

"Kian, wag mong saktan ang anak natin." Naiiyak na sabi ni Mama habang pinipigilan niya si Papa.

"Ikaw Sophia, kailan ka pa natutong sumuway sa mga utos ko sayo ha!" Patuloy lang sa pag-agos ng mga luha ko, halos hindi na ako maka-imik at makatingin ng deretso sa mga mata nila.

"Binibigyan mo ako ng kahihiyan alam mo ba yun? Hindi ka ba nahihiya na dadating dito yung mga Tita at Tito mo umaasa na mag didiwang tayo dahil mag-aaral ka ng medisina pero ano to? Ginawa na namin ang lahat para mapabuti ang kinabukasan mo tapos bigla bigla mo nalang sasabihin na ayaw mong maging isang doktor!" Pasigaw na sabi niya sa harapan ko halos pulang pula na ang kanyang mukha dahil sa galit, napapansin ko rin na may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Sophia, hindi ito ang oras para pag-usapan ito, pumasok ka muna sa kwarto mo at mag-uusap tayo mamaya." Mahinahong sabi ni Mama habang pinapakalma si Papa na ngayon ay nakatingin sa akin ng masama, wala na akong magawa kaya dahan-dahan akong tumayo at tumakbo sa kwarto, hindi ko rin mapigilang maluha dahil sa mga nangyari.

Humiga ako sa kama habang sinusubsob ang mukha ko sa unan para pigilan ang pag agos ng aking luha. Ilang oras rin akong nag mukmok sa kwarto at hindi kumain ng tanghalian kahit katok nang katok sa pintuan yung mga kasam-bahay ay hindi ko pa rin binubuksan, wala pa akong mukhang ihaharap kay Papa.

"Sophia anak, mag-usap tayo." Tugon ni Mama na ngayon ay kumakatok sa pintuan. Dahan-dahan naman akong tumayo sa higaan ko at binuksan ang pintuan, agad ko namang niyakap si Mama na nakatayo ngayon sa labas ng kwarto ko. Kahit papaano medyo nababawasan yung bigat na nararamdaman ko ngayon.

"Tahan na anak, pagpasensyahan muna ang iyong ama nabigla lamang siya sa desisyon mo." Inilagay niya ang mga kamay niya sa likuran ko at hinimas-himas ito upang patahanin ako.

"Ma, ni minsan h-hindi ko naman kayo sinuway diba? Kahit n-ngayon lang, pagbigyan niyo naman akong matupad yung pangarap ko." Nanginginig yung boses ko habang sinasabi ang mga salitang iyon, unti-unti na ring naiiyak si Mama dahil sa mga sinasabi ko.

"N-naging mabuti naman akong anak sa inyo, nagsisipag naman akong mag-aral para maging p-proud kayo pero bakit ayaw niyo akong suportahan?" Pinunasan niya ang luhang patuloy na pumapatak sa mga mata niya at huminga ng malalim. Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa kanya sabay ngumiti ng pilit, alam kong na didismaya rin siya dahil sa padalos-dalos na desisyon ko.

"Naalala mo ba anak nang sinabi mo sa akin na gusto mong makatulong sa iba, bakit ayaw mong maging isang doktor para makatulong ka sa mga taong nangangailangan ng galing mo?" Umiling ako sa sinabi niya at pinunasan yung mga luha ko.

"Oo Ma, gusto kong makatulong sa iba, pero hindi sa paraang hahawak ng scalpel at gagamutin ang mga taong may sakit. Gusto kong maging isang accountant Ma, gusto kong tulungan ang ekonomiya at ang mga taong nasa larangan ng negosyo." Hinawakan ni Mama yung kamay ko sabay ayos ng buhok ko na ngayon ay sobrang magulo.

"Ito ba talaga ang gusto mo anak?" Tumango ako ng dahan-dahan bilang pag sang-ayon sa tanong niya.

"Wag kang mag-alala anak susuportahan kita sa gusto mo pero sana wag mong sasayangin ang oportunidad na ito upang patunayan sa amin na tama ang desisyon mo. Hayaan mo muna ang iyong ama ngayon at lalamig din ang ulo niya sayo pagdating ng panahon, ako na ang bahalang kakausap sa mga Tita at Tito mo." Niyakap ko siya ng sobrang higpit at humagulgol ng iyak sa balikat niya, hindi ko mapigilan na makaramdam ng tuwa dahil sa sinabi ni Mama pero hindi ko rin maiwasang maging malungkot dahil sa puntong ito tanging suporta lang ni Mama ang meron ako para matupad ang pangarap ko.

**********
Happy Reading//♡

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now