16 CHAPTER

68 9 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan andito ulit kaming tatlo nina Irish at Nissah sa kwarto ko para tignan ang resulta ng CPA board exam. Parang kailan lang na andito kami dati naghihintay ng resulta ng entrance exam, ang bilis talagang lumipas ng panahon.

"Pasado man tayo o hindi, ang importante sinubukan natin." Kalmadong sabi ni Irish, hindi tulad ng dati na halos mabaliw na siya kakahintay ng resulta ng entrance exam, ang laki talaga ng pinagbago niya.

"Pasado yan, wag kayong mag-isip ng kung ano-ano." Lumapit naman kaming tatlo sa monitor para simulan ng tignan ang resulta kung sino-sino ang mga nakapasa sa CPA Board exam.

"Totoo ba to?" Bigla naman kaming nagulat nang makita namin ang pangalan namin.

"Totoo nga." Halos maubusan na kami ng boses kasisigaw dahil sa sobrang saya. Eto na ata ang binigay na tadhana saamin, ang maging isang CPA.

*

"Magpakabait ka kay Zeke anak." Naiiyak na sabi ni Mama, ngayon kasi yung kasal namin ni Zeke kaya sobrang emosyonal ni Mama, mukhang ayaw niya pa akong makasal.

"Mukha ba akong hindi mabait Ma?" Natawa naman siya sa sinabi ko kaya niyakap ko nalang siya ng sobrang higpit.

"Wag kang mag-alala Ma, magiging mabuti akong asawa at Ina sa mga magiging Anak namin ni Zeke kagaya niyo." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Ilang saglit lang at bumukas na ang pintuan ng simbahan, hinawakan ko naman silang dalawa ni Papa sa magkabilang braso at nagsimulang maglakad papunta sa harapan ng altar.

"Alam mo ba kung bakit Sophia ang pinangalan namin sayo?" Napatingin naman ako kay Papa.

"Dahil paglabas mo palang sa mundong ito, alam na namin ng Mama mo na matalino kang bata, may katangian ka rin ng pagiging isang futuristic kasi ang hilig-hilig mong mag predict ng mga sitwasyon na gusto mong mangyari sa buhay mo." Bigla naman akong napaluha sa sinabi ni Papa. Ngayon ko lang ulit narinig ang mga papuri ni Papa na matagal ko nang gustong marinig sa kanya.

"Sobrang saya ko po na kayo ang naging magulang ko." Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa kinaroroonan ni Zeke.

"Mas maswerte kami dahil naging anak ka namin." Niyakap ko naman silang dalawa bago nila ibinigay ang kamay ko kay Zeke na ngayon ay naiiyak. Syempre napaka swerte niya kasi ang ganda ng mapapangasawa niya.

"Oh, ba't ka umiiyak?" Panunukso ko sa kanya.

"Ang panget mo kasi." Sinapak ko naman siya sa braso, kahit kailan talaga ng lalaking to ang hilig manira ng moment. Ang ganda ko kaya ngayon.

"Ah ganon, sige wag nalang natin ituloy ang kasal."

"Eto naman, kahit kailan talaga hindi mabiro ang ganda mo kaya at tsaka syempre masaya lang ako kaya ako naiiyak."

"Tears of joy?" Bigla naman siyang napatawa sa sinabi ko, naaalala ko tuloy noong pumunta kami dati dito sa simbahan para sabay pumunta sa harapan ng altar upang magdasal, hindi ko akalain na dito rin kami sa mismong altar ikakasal.

"Bumabawi?" Nagsimula na kaming ikasal sa harapan ng Diyos. We both shared our vows at sobrang naiyak ako sa sinabi niya. Although hindi ako naging mabuti sa kanya but he choose to stay with me even at my worst.

"I will now pronounce you husband and wife, you may now kiss the bride." Sabi ng Pareng nagkasal sa amin. Itinaas naman ni Zeke ang belo ko at hinalikan ako sa noo, sa ilong at ang pang huli sa labi. Ilang saglit lang ay inihagis ko na rin ang bulaklak na hawak ko at saktong si Nissah ang nakasalo ng bulaklak. Hinihiling ko na sana'y makatagpo si Nissah ng lalaking nararapat sa kanya.

*

After 3 years

"Gusto ko lang magpasalamat dahil dumalo kayo sa pagbubukas ng bago kong boutique, gusto ko ring magpasalamat kina Sophia at Irish sa walang sawang pagsusuporta sa akin." Masayang sabi ni Nissah.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now