13 CHAPTER

64 9 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang nilagawan ako ni Zeke sa harapan ng napakaraming tao. Kasalukuyan kaming nasa library ngayon para makapag review kami ni Irish para sa darating na exam bukas.

"Ahhhh! gusto ko nang magpahinga."  Ipinatong naman ni Irish yung ulo niya sa mesa. Nakakapagod naman talaga lalo na't loaded kami sa mga subjects ngayon.

"Sacrifice now for a better future ika nga nila."  Sabay pagpatuloy ko sa pagbabasa at pag ta-take note ng mga importanteng impormasyon.

"Oo nga, pero na mi-miss ko na kasi si Nissah."  Malungkot na sabi nito. Ilang araw rin kasi naming hindi nakakasama si Nissah dahil narin sa may training sila para daw ito sa proyekto nila, ang gumawa ng creative gown.

"Ako rin."  Na mi-miss ko rin yung pagkakulit ni Nissah, yung tipong mananapak lang ng walang dahilan.

"What if mamasyal nalang tay----, ay wag nalang pala sige mauuna na ako."  Bigla namang nagtaka yung ekspresyon ko.

"H-ha, teka saan ka pupunta?"  Kinindatan lang ako ng bruha. Ilang saglit lang ay naramdamang kong may tumabing anghel sa akin. si Zeke.

"Kumusta?"  Sabay lapag ng S'mores hot chocolate sa mesa. Kaya naman pala umalis si Irish dahil andito si Zeke.

"Eto, sobrang stress dahil exam na namin bukas."  Tinignan ko naman siya ng maigi. Ang fresh tignan ng lalaking to' yung tipong walang ka stress-stress sa life, hindi tulad ko na mukha ng zombie dahil sa laki ng eyebags ko.

"Anong subject ba yan?"  Bigla niya namang kinuha yung librong hawak ko.

"Teka, wala ka bang pasok? ba't andito ka ha?"

"Wala, tsaka andito ako para makita yung taong mahal ko."  Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nasanay na rin naman ako sa ka cornihan ng lalaking to pero kahit ganon nakakakilig pa rin.

"Psh."  Tanging nasagot ko sa kanya.

"Financial accounting?"  Tumango naman ako.

"Hindi ka ba nagsasawang mag compute ng mga numero?"  Bigla naman akong natawa sa sinabi niya.

"Ba't naman ako magsasawa? kaya ko nga kinuha tong course nato kasi gusto kong mag compute, ikaw nga dyan eh! ang hirap kaya ng math niyo, hindi ka ba nagsasawa sa calculus?"  Pagbabaling ko ng tanong sa kanya.

"Hindi naman ako magsasawa kasi andyan ka naman, kahit mahirap pa yan gagawin ko para sa kinabukasan natin."  Seryosong sabi niya. Jusko! para na akong bulkan na sasabog sa sobrang kilig. Sarap sapakin ng lalaking to.

"Tigil-tigilan mo'ko sa mga banat mong yan."

"Sige na magpatuloy kana sa pag rereview, hindi na ako mang gugulo."  Bigla niya naman pinatong yung ulo niya sa mesa.

"Okay."  Nagpatuloy naman ako sa pagbabasa, kagaya ng sabi niya hindi nga naman siya nang gugulo pero tinititigan niya naman ako.

"Pwede ba, wag mo nga akong titigan."  Tumango naman siya at nagsimulang pumikit.

"Yan, ganyan ka lang ang cute mo tignan kapag nakapikit ka."  Hinawig ko naman yung bangs niya para makita ko yung napaka amo niyang mukha.

"Wag mo nga akong titigan at mag focus ka na dyan sa pag rereview."  Bigla naman akong natawa sa sinabi niya, kahit kailan talaga ayaw magpatalo ng lalaking to. Ilang saglit lang at natapos na rin ako sa pag re-review, inilagay ko na rin sa bag ko yung kwaderno ko at tinignan si Zeke, para siyang anghel na natutulog. Nakatulog kasi siya sa dalawang oras na paghihintay.

"Zeke, gising."  Tinapik ko yung mukha niya para magising.

"Zeke, na lock yung pinto."  Pagbibiro ko. Bigla naman siyang napamulat at dali daling tinignan ang pintuan.

"Biro lang, diba nagising ka."  Natatawang sabi ko, natawa rin naman siya at nagsimula na kaming maglakad papalabas ng library.

"May lakad ka ba ngayon?"  Tanong nito. Huminto na rin naman ako sa pagiging working student kaya wala na akong pupuntahan kapag gabi, ibinalik na rin ni Papa yung credit card ko and at the same time nakakatanggap rin ako ng pera every month dahil sa scholarship na ibinigay ni Sir Axel.

"Wala naman bakit?"  Sagot ko.

"May pupuntahan tayo."  Bigla niya namang hinawakan yung kamay ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Saan?"  Pagtatakang tanong ko.

"Ipapakilala kita."

"Kanino?"  Binuksan niya naman agad yung pintuan sa harap ng kotse niya at pumasok naman ako agad.

"basta."  Ngumiti lang siya at nag simulang mag maneho, hindi kaya ipapakilala niya ako sa mga magulang niya? Napansin ko namang may nakabalot na regalo sa likuran ng sasakyan niya. Para kanino kaya yan?

Nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Zeke habang ako naman ay kinakabahan, saan ba talaga kami pupunta? Ilang saglit lang ay huminto ang sasakyan niya sa harapan ng simbahan.

"Andito na tayo."  Bumaba agad siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Napaka gentleman naman talaga ng lalaking to.

"Anong ginagawa natin dito?"  Hanggang ngayon nagtataka parin ako.

"Ipapakilala kita sa isa sa pinaka importanteng bahagi ng buhay ko."  Bigla naman akong nagtaka sa sinabi niya. Hinawakan niya ulit yung kamay ko at sabay kaming tumungo sa loob ng simbahan, medyo kaunti lang yung tao rito dahil sa gabi na rin at kakatapos lang ng misa.

"Andito tayo para ipakilala kita sa kanya, pinangako ko kasi na kapag makakahanap ako ng taong mamahalin ko ay sa kanya ko unang ipapakilala."  Sabay turo niya kay Jesus.

"Gusto ko na siya ang maging sentro sa pagmamahalan natin, matagal na sana kitang dinala dito kaso ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob at tsaka gusto ko ring magpasalamat sa kanya dahil dumating ka sa buhay ko."  Bigla naman akong napatingin sa kanya. Hindi ko akalaing dito niya ako dadalhin, sobrang napaka simple pero para sa akin eto na ata ang pinaka romantic na nagagawa ng isang lalake sa babae, ang ipakilala kay Jesus, ang nag-iisang Diyos na nagligtas sa ating lahat.

"Ano ba yan, pinapaiyak mo naman ako."  Sabay punas ng luha ko, hindi ko naman kasi mapigilang maluha dahil sa sinabi niya.

"tears of joy?"  Ngumiti siya ng nakakaloka.

"Ewan ko sayo."  Sabay sapak ko sa braso niya.

"tsaka hindi lang naman yan yung dahilan kung bakit tayo andito, gusto ko rin naman kasing mabawasan yung pagiging stress mo sa exam at mag focus muna sa kanya."  Bigla naman akong napangiti sa kanya, maybe God sent this guy for a reason.

"Alam ko naman na marami kang pinag dadaanan ngayon lalong lalo na sa pamilya mo, kaya sabay tayong magdadasal sa kanya."  Inilahad niya naman yung kamay niya sa akin at hinawakan ko ito. Sabay kaming pumunta sa harapan ng altar at nagdasal. Hindi ko man alam kung ano yung mga bagay na pinagdadasal ni Zeke, pero ang tanging pinagdadasal ko lang ay ang maging maayos kami ni Papa at magbunga lahat ng paghihirap ko para lang matupad yung pinapangarap ko. Napakasarap lang sa pakiramdam na dinadala ka ng taong mahal mo sa harapan ng Diyos para sabay magdasal.

"Tapos ka na?"  Tumango naman ako at bumalik na kami sa sasakyan.

"Ano yung pinagdasal mo?"  Bigla naman akong napaharap sa kanya sabany ngumiti ng kaunti.

"Syempre ang matupad ang pangarap ko at magkasundo na sana kami ng Papa ko sobrang na mi-miss ko na kasi siya, mag da-dalawang taon na pero hindi niya parin ako kinakausap."  Malungkot na sabi ko.

"Labas mo lang yan andito lang naman ako para damayan ka."  Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Napaka swerte ko talaga na dumating si Zeke sa buhay ko.

"Ikaw anong pinagdasal mo?"  Bigla naman siyang napabitaw sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako.

"Isa lang naman ang pinagdasal ko, ang matupad ang pinagdasal ng taong mahal ko."  Bigla namang tumulo yung luha ko dahil sa sinabi niya, hindi ko akalain na yun yung tanging pinagdasal niya, ang matupad yung dasal ko. Hindi ko ipinagdasal sa Diyos na bigyan niya ako ng isang nakabuting lalaking mamahalin ako pero binigyan niya parin ako ng napakalaking biyaya dahil ibinigay niya si Zeke sa akin para maging parte ng buhay ko at sobrang nagpapasalamat ako. Zeke is the type of guy that every woman wishes to have.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now