15 CHAPTER

68 8 0
                                    

After 1 year

Eto na ang araw na pinakahihintay naming lahat, ang makuha ang diplomang inaasam ng bawat estudyante bilang kabayaran sa lahat ng pagsasakripisyo at paghihirap na ibinigay namin para mapabuti lang ang aming pag-aaral. Isa-isa naman kaming tinawag sa stage para kuhanin yung diploma at ngayon ay kasama ko si Mama sa pagtanggap ng aking mga medalya.

"Now let us hear a valedictory speech, she's from the accounting department Ms. Sophia Lyne L. Torres, around of applause please." Nagulat naman ako sa sinabi ng host, hindi ko alam na ako pala yung magbibigay ng speech sa harapan nila. Hindi man lang ako na inform. Tumayo na ako agad dahil ayaw ko namang mapahiya, sasabihin ko nalang kung ano man yung lumabas sa bibig ko na galing sa aking puso.

"Hello, Mic test." Pag-uumpisa ko.

"It's my honor to give a speech in front of you all, since hindi ako na inform magtatagalog nalang ako." Tumawa naman silang lahat, this time mas lumakas ang loob ko dahil alam kung andyan si Mama na sumusuporta sa akin at ang mga kaibigan ko.

"Hindi naging madali ang buhay natin bilang isang college students, may mga oras na hindi tayo nakakakain sa tamang oras dahil na rin sa maraming gawain, may mga oras na pumapasok tayong puyat sa school dahil tinatapos yung mga thesis o maging ang proyekto natin. Bilang isang BSA student, sobrang nagagalak ako dahil dito ko naranasan ang sobrang hirap ng mga quizzes, summative, pati na ang mga recitation ngunit dito ko rin natutunan kung paano pahalagahan ang iba't-ibang bagay, naging sandigan ko sila sa lahat ng oras lalo na't noong nabagsak kami sa subject na taxation ngunit hindi ito naging hadlang para hindi kami tumayo sa sarili naming mga paa at bumawi." Bigla akong napahinto ng may nakita akong isang pamilyar na tao na nakasuot ng lab gown. Si Papa. Sinenyasan niya ako na tapusin muna yung speech ko habang pinupunasan yung luha niya.

"Sobrang nagagalak ako sa mga naging professor ko simula noong 1st year lalong-lalo na kay Sir Axel. Siya ang nagturo sa amin kung paano maging matatag at kung paano patunayan yung mga sarili namin na maging karapat-dapat sa larangang ito. Lubos akong nagpapasalamat sa lahat, kina Mama at Papa, sa mga staffs and teachers, kay Zeke, sa mga kaibigan ko at sa mga kapwa estudyante ko. Gusto ko lang sabihin sa inyo na kung hindi man para inyo ang mga bagay na pinaghirapan niyo, may dahilan ang Diyos kung bakit niyo naranasan iyon dahil ito ang magsisilbing gabay patungo sa plano niya para sa inyo. Yun lamang po at maraming salamat." Nagsipalakpakan naman silang lahat, matapos kung magbigay ng speech ay dali-dali akong bumaba at tumakbo papunta kay Papa, lubos akong nagagalak nang makita siya sa napaka importanteng okasyon sa buhay ko.

"P-pa, sobrang namiss kita." Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang umiiyak.

"Na miss rin kita anak, pagpasensyahan mo na si Papa." Hinimas-himas niya naman yung buhok ko para patahanin ako.

"Pasensya na kong masyado akong naging makasarili at hindi ko man lang pinaparinggan yung mga hinaing mo." Patuloy lang siya sa pagsasalita, hindi muna ako umimik, gusto ko yung boses lang niya ang maririnig ko ngayon.

"Wa'g kang mag-alala, may isang tao naman na parati kang kinukwento sa akin at sobrang proud ako sa mga achievements mo lalong-lalo na ngayon at pinahanga mo ako." Hinawakan niya naman yung ulo ko at hinalikan sa noo.

"Mahal na mahal kita anak." Tumango naman ako sa kanya at patuloy na umiyak. Bumitaw muna ako sa pagkakayakap sa kanya at nagpaalam ng pansamantala upang bumalik muna sa upuan at tapusin ang Graduation ceremony. Ilang saglit lang at nasimula na kaming kumanta.

"Memories fade, but they're never lost Colors change with time and change of heart"

Sabay-sabay naming kinanta ang Hold onto the memories ng magkakahawak ang kamay.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now