09 CHAPTER

67 9 0
                                    

"Ilang minuto nalang at matatapos na ang game, kinakabahan ako kung sino ang mananalo."  Kinakabahang sabi ni Irish, hinawakan ko naman yung kamay niya para medyo mawala ito habang tinitignan yung score sa screen.

Accounting Department - 102
Engineering Department- 103

Isang puntos lang ang lamang ng engineering department, kapag na shoot ng department namin sa loob ng tatlong minuto siguradong mananalo kami, pero kapag hindi paniguradong engineering department ang mananalo sa laro.

"May tatlong minuto pa, kaya pa yan."  Nginitian ko naman si Irish, gusto ko lang kasing mawala yung kaba niya.

"Teka, saan pupunta yung leader ng D'bachelor?"  Tanong ni Nissah habang tinuturo ito, bigla naman kaming napatingin sa gilid ng court na kung saan kasalukuyang naglalakad si Zeke sa hindi malamang direksyon. Siguro uuwi na siya.

"Wait, bakit parang papunta siya dito sa department natin?"  Dagdag ni Nissah. Halos lahat ng atensyon nasa kanya na at wala na sa laro, ewan ko pero parang may something na nagsasabi sa akin na papunta siya sa posisyon kung nasaan ako.

"Omg si Ezekiel, anong ginagawa niya dito?"  Rinig kong bulong-bulongan sa likuran kung saan kami naka-upo, tinignan ko si Zeke ng may pagtataka, hindi ko alam pero ngumiti lang siya at biglang tumigil ang oras nang huminto siya sa harapan ako.

"Hala, girlfriend niya ba yan?"  Nagsimula na ang bulong-bulongan, hindi ko rin alam pero pati mga players napatingin ng saglit dito pero pinagpatuloy parin naman nila ang paglalaro.

"Anong ginagawa mo dito?"  Mahinang sabi ko sa kanya.

"Kumakain ka ba ng isda?"  Bigla naman akong nagtaka sa tanong niya.

"Oo naman, bakit?"  Ano bang klaseng tanong yan, oh baka naman nag pi-pick up lines siya?

"Sabay na tayong mag dinner mamaya, susunduin kita pagkatapos ng game."  Bigla naman akong napatingin sa kanya, anong nakain nito?

"Oy Sophia, pakilala mo naman samin."  Sambit ni Irish.

"Siya ba si Zeke?"  Dugtong ni Nissah, bigla namang nanlaki ang singkit kung mata matapos niyang banggitin ang pangalang Zeke, patay tayo nito.

"Hello Ezekiel nga pala, Zeke nalang."  Pagpapakilala niya kina Nissah.

"Nice to finally meet you Zeke."  Masayang sabi ni Irish habang binibigyan ako ng nakakalokang ngiti.

"May lakad ba kayo mamaya?"

"Nako, wala naman Zeke."  Pinanlakihan ko ng mata si Nissah dahil sa naging sagot niya pero kinindatan niya lang ako habang binibigyan ng 'Grab the chance' look.

"Buti naman, pwede niyo bang i- occupy yung vacant na upuan doon?."  Napangiti lang siya. Bigla naman akong umusog para mabigyan siya ng upuan at tumabi sa akin. Seryoso lang siyang nakatingin sa court habang senesenyasan yung mga kasama niya na gawin na yung pinag planuhan nila, may isang minuto nalang rin naman para mahabol ng department namin yung dalawang puntos. Napansin ko naman na parang na didistract yung department namin, panay kasi yung tingin ni Steven sa direksyon namin, hindi ko naman alam kung sino yung tinitignan niya.

30 seconds nalang ang naiiwan, Hawak-hawak ni Steven ang bola habang iniiwas ito sa kabilang panig upang hindi makuha, may 15 seconds nalang siya para ma i shoot ang bola, at nang 10 seconds nalang pumwesto na siya agad sa gitna nang alam niyang wala ng oras pero bago niya inihagis ay tumingin muna siya sa direksyon namin, biglang nag slow-mo ang pag slum-dunk niya sa gitna at saktong pumasok ang bola sa ring.

"Yehey, panalo tayo Sophia."  Masayang sabi ni Irish habang nakikisali sa mga nagtitiliang mga babae.

"Grabe nakaka tense naman ng laban nato, masyado akong kinabahan."  Sambit ni Nissah habang inaawat si Irish na tumatalon ngayon sa harapan.

From Where I Stand[PUBLISHED]On viuen les histories. Descobreix ara