07 CHAPTER

69 9 0
                                    

"How about we play some games?" Tumayo si Nissah sa harapan namin ni Irish, andito kasi kaming tatlo sa bahay ni Nissah para ituloy yung na udlot naming plano na mag sleep-over, buti nalang at hinatid ako ni Zeke kung hindi talaga baka hanggang ngayon naglalakad pa ako sa daan.

"Ano namang laro?" Pagtatakang tanong ni Irish.

"Truth or dare." Ngumiti siya ng malawak habang itinataas sa ere ang boteng hawak niya.

"Call." Pumuwesto na silang dalawa sa sahig, sumunod naman kaagad ako para hindi nila mahalatang may problema ako. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila na temporary closed lahat ng credit card ko.

"Wait, let's change the rules. Walang dare kasi maliit lang naman tong kwarto ko kaya wala masyadong pwedeng gawin para sa dare kaya truth lahat, kung sino man ang matatapatan ng boteng ito ay sasagot sa tanong ng dalawa." Sumang-ayon naman kami agad sa sinabi ni Nissah kaya nagsimula na kaming maglaro. Inikot ni Nissah yung bote at saktong tumapat rin sa kanya diba ansaya?

"Okay, kailan kayo huling nagkausap ni Francis?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"1 year ago, sa birthday party ng kapatid niya and after that wala na, no communication at hindi ko rin naman nasabi yung feelings ko kaya clueless rin siya." Deretsong sagot niya, Francis was her first love since nasa first year high school pa lamang kami and I think gusto rin naman ni Francis si Nissah pero ni isa walang umaamin sa kanilang dalawa.

"Okay ako naman, how about now? may na gugustuhan ka ba sa bago nating school?" Napaisip naman si Nissah sa tanong ni Irish.

"For now I think wala naman, siguro focus muna sa acads." Pagkatapos niyang sumagot ay inikot niya ulit ang bote na napagitnaan naming tatlo. Ilang saglit lang at tumapat ito kay Irish.

"Who's that guy you've been talking about recently before dumating si Sophia dito sa bahay?" Bigla namang namula yung mukha ni Irish.

"Si ano, yung matangkad." Medyo na curious naman ako sa sinabi niya.

"I will asked the same question, medyo na curious rin ako." Tugon ko. This time, ngumiti naman ang loka sa sobrang kilig.

"Si Steven, kaklase namin ni Sophia." Kinikilig na sabi niya, pero wait ano daw, si Steven?

"Sobrang bait niya kasi tapos ang gwapo pa, diba Sophia?" Ibinaling niya yung tingin niya sa akin habang hinihintay yung sagot ko kaya tumango nalang ako bilang pag sang-ayon. Oo mabait naman talaga siya at napaka down to earth na tao. Habang nakatulala ako sa ere na parang nahiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko, hindi ko namalayan na sa akin na pala nakatapat ang bote.

"How about you Sophia, sinong nagugustuhan mo sa campus natin?" Nabigla naman ako sa tanong ni Irish kaya napa-isip agad ako kung sino yung babanggitin ko. Oo may gusto rin ako kay Steven, pero hindi ko naman pwedeng sabihin kasi baka magagalit o magtatampo siya kaya wala na akong choice.

"Si Zeke, iba yung course niya kaya wala sa department natin at tsaka sa department nila Nissah." Medyo natagalan ako sa pagsagot ng tanong ni Irish.

"Zeke? parang hindi mo naman nabanggit sa amin yan, kailan mo pa siya nakilala?" Pagtatakang tanong ni Nissah, syempre kaibigan ko siya kaya alam niya lahat.

"Before ng recitation, na stuck kasi ako sa library nang gabing iyon kaya siya yung tumulong sa akin." Ngumiti naman ako, kunwaring inspired pero hindi ko naman talaga gusto si Zeke, kaibigan ko lang naman siya. Pagkatapos nila akong ilagay sa hot seat at tinadtad ng maraming tanong, nagpahinga na kami dahil na rin sa sobrang pagod.

*

Makalipas ang dalawang araw, dali-dali akong gumising nang mapagtanto kong mahuhuli na ako sa klase. Kahapon kasi sobrang napagod ako sa paghahanap ng part-time job para naman ma sustentuhan ko yung pangagailangan ko. Kahit magsipag pa akong mag-aral hindi pa rin iyon sapat para mabuhay ako, sa mundong to lahat ng bagay napapatakbo ng pera kaya kapag wala kang pera kawawa ka talaga at dahil nga closed lahat ng credit cards ko, kailangan kong masumikap para buhayin yung sarili ko ayaw ko naman istorbohin si Mama kasi nasa France siya ngayon.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now