"Napaka oa mo kasi mamomove lang bukas di naman na cancel yung outing eh. Tsaka para makapag handa na rin tayo ng maayos" sabi ko pero di parin tumitigil toh baklang to kakangawa.

"Tama si Geyle, Sam para makapag bonding narin tayo" sabi ni Kathleen. Nag apir nalang kami pero tong baklang toh ang arte magpunas ng kunwaring luha.

"Okay okay. Sayang lang kasi ang paghahanda ko" sabi nya pero malungkot parin.

"Okay lang yan" nakangiti kong sabi. Biglang lumiwanag ang mukha nya. May balak nanaman tong baklang ito.

"Ehh kung dito nalang kaya kami matulog para di na kami magbyahe papunta dito bukas" sabi ni Sam na nagniningning ang mga mata. Napaisip ako. Great idea nga na makapag sleep over sila dito. Sasagot na sana ako ng magulat ako ng may magsalita sa pinto.

"Silang dalawa pwede. Pero ikaw lalaki bawal" sabi ni Wane. Kanina pa ba sya nakikinig dyan??

"Wane bakit ka nandito?!" Inis kong tanong.

"Kasi wala ako dun" sabi nya. Abat pilosopo sarap sikmurain.

"Hindi pwede yang lalaking yan" cold na sabi ni Wane.

"At bakit?" Mataray kong tanong.

"Geyle dun tayo sa sala mag usap" sabi nya at tumango nalang ako.

"Guys teka lang ahh" sabi ko kela Abi. Tumango nalang sila. Nashock ata o natakot sa itsura ni Wane. Sinundan ko nalang sya.

Medyo nanginginig ako sa galaw ni Wane. Pero dapat galit ako diba hindi takot dahil sa inasta nya?? Ang gulo ko talaga. Nang makapunta kami sa sala ay lumingon sya saakin. Di ko alam pero napalunok nalang ako ng wala sa oras.

"Hindi sya pwede dito matulog Geyle" ulit nyang sabi.

"Bakit naman Wane?" Ulit ko ring tanong.

"Dahil lalaki sya" madilim na sabi nya.

"Bading sya Wane" sabi ko sa kanya.

"Kahit ano pa man sya. Kahit bakla, bi, o transgender lalaki parin sya Geyle!" Inis na sabi nya.

"Ano bang pinupunto mo ha?! Ano ngayon kung lalaki sya?!" Inis kong tanong. Napabuntong hininga nalang sya dahil siguro nakita nyang galit na ako.

"Okay pwede sya dito basta sa guest room sya" sabi nya. Lumiwanag ang mukha ko.

"Yey! Thank you Wane!" Sabi ko at dahil sa sobrang tuwa ay niyakap ko sya. Maya maya may umubo sa likod.

"Ehem! Aalis na kami" sabi ng baklitang Sam. Napamulat ako sa realizad. Umalis ako sa pagkakayakap at lumayo sa kanya para puntahan ang mga kaibigan kong papunta na sa pintuan.

"Teka!! Pumayag na si Wane na dito kayo matutulog basta sa guest room si Sam" nakangiti kong sabi. Nagsihiyawan naman sila.

"Geyle ilagay lang namin tong mga maleta sa kwarto mo ah" sabi ni Abi. At umakyat na sila papuntang kwarto ko

"Hoy babae titignan ko lang yung kwarto ko-- ay wait maghahanap muna ako ng pink na kwarto hihi sige sabihin ko nalang kuna nasaan ako ahh baboosshh" sabi ni Sam at umakyat na agad. Nangangalkal ng pink na kwarto.

Pupunta na sana ako sa kwarto ko nang hawakan ako sa kamay ni Wane. Nagulat ako sa ginawa nya. Muntik pa ako mapatili.

"Ano ba Wane papatayin mo ba ako sa gulat?" Tanong ko.
p
"Hindi. Papatayin kita sa pagmamahal" nakangiti nyang sabi. Napairap nalang ako.

"Mais" sabi ko nalang at napatawa na rin sa kakornihan nya.

"Ano palang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya kasi hawak hawak pa nya yung kamay jko eh.

"Ikaw" simpleng sabi nya pero ang lakas ng tama saakin.

"Ang corny mo talaga" sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Pinayagan kong matulog yang Seb---"

"Sam ang name ny--"

"Whatever his name is. But in one condition" sabi nya.

"Ano??" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"3 months" sabi nya. Kumunot lalo ang noo ko.

"3 months??" Tanong ko.

"Yes Geyle, 3 months. Kalimutan mo lahat ng galit mo sa akin sa loob ng 3 months. Please? Kahit 3 months lang pagkatapos balik na tayo sa pagiging strangers. Ano deal??" sabi nya na ikinabigla ko. Para lang sa overnight nila ganun na ang kapalit?! Ano ba ang dapat kong isagot?? Deal or no deal?? Nyemas mas mahirap pala ito kesa sa nanonood ako sa Wowowin ng pera o kahon eh. Pero parang nalungkot ako sa huling sinabi nya. Aiishhhh ang gulo!

"Ang hirap naman. Grabe kasi yung kundisyon mo eh" yamot kong sabi.

"Ano?? Sa labas ko patutulugin yang bakla mong kaibigan o papayag ka??" Grabe tong lalaking toh. Ang sadista talaga -_-

"Oo na sige na DEAL. Payag nako" inis kong sabi. Nakita ko namang nagliwanag yung mukha nya. Aishhh. Pagkasabi ko nun ay biglang...

--__--

O__O

Wahhh hinalikan nya ako sa pisngi. Gago talaga yun. Pagkahalik saakin sa pisngi tumakbo na paakyat. Di ba sya nababaklaan sa ginagawa nya as in ewww. (〃>_<〃)

Pero tama ba ang desisyon ko?? Na pumayag ako?? Mawawala ba yung galit ko agad?? Kaya ko ba?? Nagising nalang ang diwa ko ng may pumitik sa noo ko.

"Girl mag shoshopping pa tayo! Muntanga ka dyan nakatulala" sabi ni Sam. Napailing nalang ako para mawala yung stress ko. Susunod na sana ako sa tatlo ng magulat ako nang may humawak sa kamay ko. Si manang lin.

"Bakit po manang??" Nagtataka kong sabi.

"Tama yan anak. Tanggalin mo ang galit mo sa puso mo at magiging masaya ka" nakangiting sabi ni manang. Teka?? Nakita nya?!

"Manang---"

"Oo anak nakita ko lahat hihi ang sweet nyong tignan parang kami lang nung asawa ko" napangiwi ako sa sinabi ni manang. Nagpaalam na rin ako sa kanya at lumabas na ng bahay.

"Let's go girlss" masayang sabi ni Kathleen at sumakay na sa kotse.

Let's go sagoo!!

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon