♥Chapter 40♥: Ang katotohanan

Start from the beginning
                                    

"So ganun cinocompare mo na ko dun? Porket mas type mo mga matatangkad."

"Aniyo, inisip ko lang na ang laki na ng pinagbago niyo... samantalang ako." Napatingin ako sa kanya, wag mo ng dagdagan ang mga tanong ko kung kelan nasagot ko na lahat.

"Can you tell me truth already? Alam kong hindi ikaw si Kyungin." Tumingin lang siya sakin ng blanko ang mukha, mukhang expected na niya na mangyayare to.

"Handa ka na ba malaman talaga ang katotohanan?" bigla akong kinilabutan sa sinabi niya pero tumango parin ako.

D.O's POV

Naglilinis ako ng bahay ni Chanyeol dahil nga wala ako magawa, wala akong makausap. To namang si Jongin hindi na nagrereply.

"Nako! Ang haliparot talaga nun!! Pag nakita ko yung bagong sekretarya niya! Makakatikim talaga sakin yun ng sampal!" kinakausap ko sarili ko, eh bakit ba trip kong gawin yun sa kanya.

"May tiwala naman kasi talaga ako sayo... kaso nga lang wala ako diyan sa tabi mo. Kaya para sure." Pagkakuha ko ng cellphone ko sakto namang tumawag siya.

"Hoy-!" aariba na sana ako ng nauna siyang magtanong.

"Naaksidente ka ba dati?" Huh? Pati ba naman to alam niya.

"Oo, bakit?"

"Kailan?"

"Malay ko, dati na yun hindi ko na nga maalala. Pero sa tingin ko 11 years past? Bakit mo ba tinatanong?"

"I-Ikaw-"

Hindi niya natuloy dahil biglang naputol yung linya.

"Panira naman ng moment." naghahanap tuloy ako ng signal wala naman akong masagap.

"Teka... ako lang ba? O parang lumamig ata?" niyakap ko sarili ko.

Anak ng... brown out? Basta basta na lang nawalan ng ilaw. Hindi ata yun nagbayad sa meralco.

Habang naghahanap ako ng flashlight may naramdaman ako na hindi lang ako ang tao sa loob ng bahay na to.

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now