"Narinig kaya ng Ate mo yung pinag-uusapan natin?" dinig kong tanong ni Zecky.

"Sa tingin ko, parang hindi naman," sagot ni Dane.

Katahimikan ang bumalot matapos nun, pero 'di katagalan ay naramdaman kong kumakain na sila. Wala na akong narinig na kahit ano mula sa kanila at eto ako, nag iisip nanaman.

Ano bang pinag uusapan nila ni Dane? Hindi naman siguro ako magkakaganito kung hindi ako damay sa pinag-uusapan nila. Nababagot ako. Ayoko naman magtanong sa kapatid ko dahil usapang lalake yun. Isa pa, mas mabuting sa kanila mismo manggagaling ang lahat.

Pero naguguluhan talaga ako, ano yung tinutukoy na lahat ni Zecky? Tsaka kelan 'to nagsimula? Bakit parang matagal na silang nag-uusap? Higit sa lahat, bakit ako?

Iniuntog ko ang ulo ko sa pinto ng ilang beses, baka sakaling itigil ko na ang pag iisip tungkol sa pinag-usapan nilang dalawa pero nagkamali ako dahil mas lalo lang yun nadagdagan sa ginawa ko.

Pano kung i-shut down ko na? Tutal dun naman lahat nagsimula. Baka yun talaga yung paraan.

Binuksan ko yung laptop ko at nagtungo sa e-mail para i-deactivate yung mga e-mail accounts ko. Bahala na kung papakealaman ni Rio yun. Ito yung iniisip ko kanina na naputol dahil sa pagdating ni Zecky. Bahala na rin kung magtaka si Zecky kung bakit ko 'to ginawa. Sila yung lumapit sa akin at hindi ako, kaya may karapatan akong talikuran sila.

Tsaka tatanggapin ko na lang na hindi ko na talaga makikilala kung sino ang sumulat ng mga e-mails na yun, kung sino talaga si Rio. Tatanggapin ko na Rin na wala na talaga yung journal ko, na hindi na talaga yun babalik sa akin.

Si Zecky? Hindi ko alam, kung ano man ang mangyari, kung ano man yung sasabihin niya, kung aamin man siya sa'kin. Bahala na. Pero kung hindi, tatanggapin ko na lang din. Tatanggapin ko na lang lahat.

Matapos kong mai-deactivate yung mga e-mail accounts ko ay pinatay ko na ang laptop ko, inilagay ko yun sa ibabaw ng study table ko, at agad kong isinalampak ang sarili ko sa kama ko.

Sa paghiga ko ay nakaramdam ako ng bigat at pagod sa katawan at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

———

Kinabukasan ay nagtungo ako sa library dahil masyadong napaagap ang pagpasok ko. Hating gabi na nang magising ako kahapon at nabanggit sa akin ni Dane na niyaya siyang mag-dinner sa labas ni Zecky matapos nitong gawin yung pinapagawa ko, inihatid daw siya ni Zecky dito at dinalhan nila ako ng hapunan kaya hindi na ako nag abala pang magluto nang magising ako kagabi.

Wala akong binanggit kay Dane tungkol sa narinig ko sa kanila, mukha namang wala pa silang plano na sabihin yun sa akin kaya hinayaan ko na lang.

Sa ngayon, wala akong kasama dito sa library at tahimik akong nagbabasa ng ilang libro na makakatulong sa akin sa paggawa ng thesis. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at inagapan ko ang pagpasok kaya naman dito na muna ako nagtungo sa library. Isa pa, magpapaka-busy na lang ako kesa naman mag-isip ako ng mag-isip tungkol sa mga bagay na gumugulo sa akin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang mapansin kong papalapit sa akin si Sir Harvy. Nginitian ko ito nang tumingin ito sa akin at nginitian niya rin ako pabalik.

"What a coincidence," sabi nito sa akin at tumigil sa harap ko. "Dadaan sana ako mamaya sa classroom niyo para ibigay sa'yo 'to." Inabot niya sa akin yung gray na folder na hawak niya. "May nag-iwan nito sa table ko sa publishing room, akala ko para sa'kin kaso nung binuksan ko Dearest D. yung nakalagay with your whole name."

Huminga siya nang malalim bago nagsalita ulit. "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman binasa yung mga sumunod na page nung nabasa ko yung pangalan mo. It seems very private kaya plano ko talagang ibigay sa'yo yan agad."

"Thank you Sir Harvy," sagot ko habang nakatingin sa folder na iniabot niya sa akin.

"Do you expect someone to give that to you? Wala kasing nakalagay kung kanino nanggaling," dagdag pa nito.

"Wala naman po Sir, pero I'll try to figure out kung kanino 'to galing," sabi ko at bahagya kong iniangat yung folder.

"Sige, akala ko may pinagsabihan ka na ikaw si Dearest D. Mabuti na lang sa publishing room yan dinala at sa table ko pa. It's included in our policy. I hope you're not forgetting that," he said with authority. "I'll get going Demi. Daan ka sa publishing room kapag may free time ka to help me with the sketches," paalam nito sa akin, tinanguan ko siya, at nagtungo na siya palabas ng library.

Sinundan ko ng tingin si Sir hanggang sa makalabas siya ng library at nang tuluyan na siyang makalabas ay itinuon ko ang atensyon ko sa folder na ibinigay niya sa akin. Binuklat ko iyon at nakita ko nga ang pangalan ko.

Dearest D.
Demetria Vein Yelich

Pangalan ko nga. Kanino kaya 'to galing?

"Demi, there you are." Agad kong dinaganan ng mga libro yung folder at tumingin sa nasa likod ko.

"Mavy," tawag ko.

"Nandito ka lang pala, nakita ko kasi si Dane sa ground floor. Nabanggit niyang nandito ka raw dahil napaagap ang pasok mo," she paused. "What's that?" tanong niya nang mapansin niya ang mga libro na nasa harap ko.

"Kumukuha lang ako ng ilang information para sa thesis namin," sagot ko sa kanya, naupo siya sa harap ko.

"Have you heard about Zecky?" Ibinaba niya ang bag niya sa bakanteng monoblock sa tabi niya.

"Kahapon ko siya huling nakasama dahil gumawa kami ng thesis. Bakit?" napatingin ako sa libro at kunyari ko itong binasa.

"Did you know that he sent a letter of excuse for a week or two?"

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Where stories live. Discover now