"Wala akong sinabi," aniya at agad na kinuha ang bag niya. "Tara na."

"Yun yung ibig sabihin nung sinabi mo kanina," nakangisi kong sinabi at sumunod sa kanya palabas ng room.

"Ba't parang nasa mood kang makipag-asaran ngayon?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami pababa ng building.

"Inaantok lang ako kanina kaya wala ako sa mood," pagpapalusot ko. "Nakaidlip ako kanina kaya medyo okay na ako," dagdag ko pa.

"A'right," tipid niyang sagot at pumasok na kami sa cafeteria at dumiretso sa linya kung saan kami umo-order.

"So what's your plan?" tanong niya sa akin nang mailapag namin ang pagkain na inorder namin sa isang table.

Hindi kami nahirapan maghanap ng available seats dito sa cafeteria dahil nauna kaming mag-break time sa junior high.

"Saan?" pabalik kong tanong.

"Well obviously, about Rio." She rolled her eyes at nagsimula ng kumain.

"Wala pa." Agad na kumunot ang noo niya nang sabihin ko yun. "...sa ngayon," dagdag ko.

Tumaas ang dalawa niyang kilay kasabay ng paghinga niya ng malalim at tumingin ng diretso sa akin.

"Basta kung ano mang plano mo, nandito lang ako para suportahan ka. Just please don't stress yourself up just because of him," paalala niya. "Isa pa, may rason kung bakit 'yan nangyayari. Lahat naman may rason. Let's just hope na it's for the better," she smiled at muling kumain.

Natapos kaming kumain at wala nanaman akong nasabi. Agad din kaming bumalik sa classroom pagkatapos naming kumain, napansin namin yung printed na sitplan sa may pinto kaya tinignan namin kung saan kami nakaupo.

Pagpasok namin ay nadatnan naming nandun na sa loob yung professor namin sa thesis.

"Good morning Sir. Sorry we're late," paumanhin ni Mavy.

"No it's okay, kadadating ko lang din naman. Nakita niyo na yung sitplan sa labas?" tanong ni Sir na agad din naming tinanguan. "You two may sit down," nakangiting niyang sinabi sa amin.

Naupo na kami ni Mavy sa pwestong nakalaan sa amin at itinuon ang atensyon sa prof namin na sa tingin namin ay pinaplano na ang topic namin para sa thesis.

Lahat ng nasa paligid namin abala sa pakikipag-usap sa partners nila habang kami ni Zecky, katahimikan ang bumabalot sa amin. May parte sa akin na gusto ko siyang kausapin pero may pumipigil sa akin na huwag na lang.

Tanungin ko kaya kung... nevermind. Nasabi naman na sa akin ni Rio na naibalik na n-

"Naibalik ko na kay Rio yung journal," pagpuputol niya sa iniisip ko. Lumingon ako sa kanya at hindi siya sa akin nakatingin.

Alam ko. Gusto kong isagot kaso baka magtanong siya ng magtanong tungkol sa amin ni Rio.

"M-Mabuti naman," mautal-utal kong sinabi, umiwas na ako ng tingin sa kanya at nakinig sa discussion.

Kaso muli nanaman siyang nagsalita.

"Magcu-cut daw yung klase after this subject. Maybe we can work on our thesis project later?" Hindi talaga siya tumitingin sa akin at mukha siyang seryoso.

"Sa apartment na lang namin." Hindi ko alam kung bakit sinabi kong dun kami gagawa ng thesis, pero sa tingin ko tama na rin na dun kami gagawa dahil last time, sa bahay niya kami gumawa.

Para quits.

"Sige," tipid at malamig niyang sagot.

Gusto kong mag-react sa mga actions na ipinapakita niya sa akin pero baka magmukha naman akong sobrang affected kaya binalewala ko na lang iyon.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon