Espesyal na Kabanata - FUTURE

233K 9.8K 8.8K
                                    


Espesyal na Kabanata (FUTURE)

Nakatanaw si Seph sa maaliwalas at panatag na dagat sa kanyang harapan. Nakatingin siya sa mga batang nagtatakbuhan sa dalampasigan, hindi niya maiwasan mapangiti lalo na nang maramdaman na may malaking braso na yumakap sa kanya mula sa likuran.

“It's too cold here. Hindi ka ba nilalamig, mahal?” bulong ni Vius, ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat.

Isinandal niya ang ulo sa balikat ng asawa, naramdaman niyang humagod ang kamay nito sa kanyang beywang saka siya hinalikan sa pisngi.

Noon, pinapangarap niya na sana makapag-asawa siya na katulad ng ama niya pero sinobrahan pa ni Vius ang expectation niyang iyon. Hindi lang basta naging mabuting asawa ang lalaki, mabuti, responsable at mapagmahal.

Siguro noong nagtapon ang Diyos ng swerte, nasa labas siya at nagtatampisaw dahil sa lumipas na panahon ay napatunayan niya iyon.

Kahit pa nga noon nag-coma siya ay hindi humanap ng iba si Vius at hinintay ang paggising niya.

Nang magising siya noon ay nalaman niyang nakulong ang ama ni Vius habang nagtago ang ina nito pero sa huli ay sumuko na rin. Doon nila nalaman na may sakit sa pag-iisip ang ama ni Vius habang sobra naman nagmahal ang ina nito.

Pero hindi na mahalaga iyon ngayon, ang mahalaga ay maayos na sila.

Vweugry is an engineer now, may asawa na ito at dalawang anak. Si Vweuzry ay may asawa na rin at tatlong anak, he is a Doctor while Vweusky is a popular singer, may asawa na rin ito at dalawang anak.

Hindi niya maiwasan mapangiti habang pinanuod ang mga aso na nagtatakbuhan sa buhangin kasama ang mga apo nila.

“Happy 68 birthday, baby,” bulong ni Vius at niyakap siya nang mas mahigpit.

“Baby pa rin kahit gurang na ako?” tanong niya at niyakap din ang asawa habang natatawa.

“You will be my baby, forever Seph,” wika ni Vius at masuyong hinalikan siya sa labi, mariin siyang napapikit.

Parehas nilang pinanood lumubog ang araw habang magkayakap.

"I love you Vweuvius. You're my knight, in my darkest night."

Natatawang pinunasan niya ang luha sa mata ni Vius. Napaka iyakin talaga ng asawa ko oh.

"I love you Seph, I will find you in another life. I will marry you again and again baby."

·𖥸·

MAHIGPIT ang hawak ni Seph sa kamay si Vius habang nakahiga ang lalaki sa kanilang kama, hinalikan niya sa noo saka hinimas ang maputing buhok ng lalaki.

“S-Seph, ikaw ba 'yan?” pinigilan niyang maiyak dahil unti-unti nang lumabo ang mata ng asawa dahil sa katandaan.

Hinalikan niya ang noo nito. “Ako 'to, Vius. Ako ˋto si Seph mo.”

Tumaas ang sulok ng labi ni Vius saka humigpit ang hawak sa kanyang kamay.

“Baby, please tell me that I did a good job. Naging m-mabuting ama at asawa ba ako?” mahinang tanong ni Vius.

Pilit siyang inaaninag.

“Hush, don't overthink okay? You're doing great Vius. You did your best, naging mabuti kang asawa at ama.”

Humigpit ang hawak ni Vius sa kanyang kamay.

“P-Pwede na ba akong magpahinga, S-Seph?”

Naitakip ni Seph ang kanyang kamay sa bibig upang pigilan ang pag-iyak gano'n din ang kanilang mga anak na nasa gilid ng kama ng ama.

“I-Iyon ba gusto mo Vius? Gusto mo na bang m-magpahinga, mahal?”

Dahan-dahan tumango si Vius, pumungay ang mga mata nito. “M-Magiging ayos ka lang ba baby? K-Kung mauuna na ako?”

Ang mahihina niyang hikbi ay gumawa na ng tunog, hinalikan niya  sa labi si Vius bago bulungan.

“Rest now, Vius. Magpahinga ka na, mahal susunod ako. Hintayin mo ako ha? Pangako hindi kita paghihintayin nang matagal.”

Nang humiwalay siya ay dilat ang asawa habang may ngiti sa labi, kinagat niya ang ibabang labi nang mas lumakas ang iyak ng kanyang pamilya dahil nawala na ang kanyang asawa.

Itinaas niya ang kamay at itinakip sa dilat na mata ni Vius at dahan-dahan iyon isinara.

Masaya siya dahil namatay itong payapa, dahan-dahan siyang yumuko upang halikan ito sa noo at mahigpit na niyakap ang walang buhay na katawan ng asawa.

Hanggang sa muli natin pagkikita, Vius. Mahal na mahal kita.

·𖥸·

YEAR 2069
Reincarnation

Tumatakbo ang isang batang babae habang hawak ang kanyang aso sa kalsada nang bigla itong nakawala sa tali.

Mabilis siyang hinabol ang kanyang aso, narinig niyang tinawag siya ng kanyang ina.

“Sef!”

Nanlaki ang mata niya nang makitang may dumampot sa aso niya, kaagad niyang sinugod ang batang lalaki.

“Woy, aso ko 'yan!”

Nagtama ang mata nila ng batang lalaki na may asul na mata, kaagad itong sumimangot.

“Yong aso mo natapon ang kinakain kong ice cream! Aso mo 'to hindi ba? Bayaran mo 'yon!”

Lumubo ang kanyang pisngi sa inis. May kasamang batang lalaki ang may hawak sa aso niya.

“Kuya Van, tara na baka hinahanap na tayo nila Mommy.” Doon niya napansin ang tinuro ng bata na isang pamilya sa malayong bench, mukhang masayang pamilya katulad nila.

Inagaw niya ang aso sa batang lalaki.

“Ikaw may kasalanan! Haharang ka kasi, hindi naman kasalanan ni Jaja, ang laki mo kasi haharang ka.”

Nagsalubong ang kilay ng batang lalaki saka siya pinasadahan ng tingin.

“Victim-blaming.”

 ━━━━━━ ⸙ ━━━━━━ 
E N D

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon