WAKAS

291K 8.5K 4.8K
                                    

WAKAS

Diretsyo ang tingin ko habang nasa loob ng kotse, ilang linggo pa lang simula ng magkasakit si Yurah at lagi lang siyang nasa kwarto niya pero parang wala lang kila Mommy. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kanila na katabi ko sa loob ng kotse, may pinag-uusapan sila tungkol sa paglipat ng bahay.

“Mommy, I think we should take Yurah to hospital.” Hindi ko maiwasan magkomento.

Nakita kong tumalim ang titig ni Daddy sa akin. “We're talking, Vweuvius. Kapag hindi ka kinakausap huwag kang magsasalita, maliwanag?”

“But I'm just worried to—”

“Can you shut up your mouth? Vius?” malumanay ngunit may pagbabantang tanong ni Mommy.

Dahan-dahan akong tumango saka tumingin na lang sa labas ng kotse. Gusto ko lang naman gumaling na si Yurah para makalabas na siya sa kwarto niyanat makapunta na kami kila Rev.

Nang makarating kami sa bahay ay kaagad pumasok sila Mommy, mukhang may inaasikaso sila. Lagi naman silang busy, hindi na nakakapagtaka.

Papasok na rin sana ako sa loob nang may makita akong aso na umiihi sa gate namin, inilibot ko ang tingin sa paligid. Masyado nang madilim, nasaan na kaya ang amo niya?

Dahan-dahan akong lumapit sa tuta, bahagya pa akong napaatras nang lumingon siya pero nakahinga na rin nang maluwag kumawag ang buntot niya at lumapit sa akin.

Natawa ako nang dilaan niya ang aking hita, yumuko ako at hinimas ang kanyang ulo.

“Hi, anong pangalan mo?” tanong ko, tumahol siya.

Napangiti ako't kinarga ang aso, mukhang malinis naman siya at alagang bahay dahil may tag siya sa leeg.

Tiningnan ko iyon. 'Jojo'

“Jojo?” Tumahol siya ulit.

Lumabas ako sa gate, wala naman tao. Ilang minuto pa akong nandoon bago pumasok, baka pagalitan ako. Imbes na sa harapan dumaan ay sa likod ako dumaan dahil siguradong magagalit si Daddy.

Inilapag ko ang aso sa sun lounge malapit sa pool. “Diyan ka muna, Jojo. Titingnan ko lang kung may tao sa kusina,” pagkausap ko sa kanya.

Wala ang mga kasambahay dahil biglang tinanggal ni Mommy kaya alam kong walang tao sa kusina ang kaso ay baka nandoon sila ni Daddy.

Naglakad ako papunta sa kusina namin, bago pa ako tuluyan makapasok ay may narinig ako.

“Jojo? Jo? Nasaan ka na ba? U-Umuwi na tayo.”

Kumunot ang noo ko dahil sa boses ng isang batang babae, hindi si Yurah iyon dahil alam ko ang boses ni Yurah. Tumahol ang aso, nagulat ako nang bumaba siya sa sun lounge, kaagad ko siyang sinundan papunta sa loob ng aming kusina,

Halos matigilan ako nang makita ang isang hindi pamilyar na batang babae.

Dinidilaan ni Jojo ang kanyang paa, nanlaki ang kanyang mata nang magtama ang aming tingin.

Ang cute niya.

Nakasuot siya ng nurse uniform, may maliit pa siyang stethoscope na dala.

“Who are you? Why are you here in our house? Magnanakaw ka no!”

Mas lumaki ang mata niya, tumambok ang kanyang pisngi. “H-Hindi po! Hinahanap ko lang si Jojo, pumasok kasi rito,” paliwanag niya sabay turo sa tuta.

Magsasalita pa sana ako ay narinig ko ang yabag nila Daddy papunta kung nasaan kami, kaagad kong hinawakan sa kamay ang batang babae at si Jojo para magtago dahil siguradong papagalitan kami.

Night With A PsychoWhere stories live. Discover now