Kabanata 10

267K 9K 2.1K
                                    

K A B A N A T A 10
༺❀༻

Malakas na isinara ni Vius ang pinto ng kanyang kotse kaya halos mapaigtad ako, mabilis kaming umalis sa France Cafe. Hindi kaagad ako nakapagsalita sa sobrang gulat.

“V-Vius? Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman nandito ako?” tanong ko at tiningnan siya pero hindi siya nagsalita o tumingin man lang sa akin.

Ramdam ko ang malalim niyang paghinga, humihigpit rin ang paghawak niya sa manibela. Matalim ang tingin niya sa kalsada animong may nagawa ˋyong masama sa kanya.

Mabilis kaming nakarating sa bahay niya. Padabog niyang binuksan ang pintuan niya at malalaking hakbang na pumunta sa gawinko, pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse pero hindi niya ako tinapunan ng tingin.

Tinalikuran niya ako at taas-noo siyang naglakad papasok sa kanyang bahay.

What's wrong with him? Nagseselos siya kay Jake?

“V-Vius?!” Naghuramentado ang kabog ng dibdib ko pagkapasok ng kwarto niya nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama at may hawak na kutsilyo.

Animong sinisipat niya ang talim nito.

Nag-angat siya ng tingin sa akin habang hawak ang maliit na punyal. Napalunok ako dahil doon lalo nang kinagat niya ang ibabang labi.

What's with this man? He's really crazy. Should I need to run away from him, from this house? Kung tumakbo ba ako palayo ay maaabutan niya ako?

Hindi kaagad ako nakapag-isip, ang atensyon ko ay nasa hawak niya.

“Come here Seph,” paos na utos niya at sinenyasan pa akong lumapit sa kanya habang hawak ang kutsilyo.

Nanginginig ang tuhod ko. Should I call his mother? Baka sinusumpong si Vius hindi ko alam ang gagawin ngayon kaharap ko siya. Kailangan kong kumalma para mapakalma siya.

“I said fucking come to me!” Halos napatalon ako nang sumigaw siya.

Uh huh? Ngayon lang ako sinigawan ni Vius kahit gustong-gusto kong tumakbo palabas sa kwarto ay kabaliktaran ang ginawa ng aking paa. Dahan-dahan akong lumapit kay Vius na mataman nakatitig sa akin habang papalapit sa kanya.

Nang makatayo ako sa mismong harapan niya habang nakaupo siya sa kama ay nag-angat siya ng tingin.

Bakit siya may ganiyan?

Nagtama ang mata namin kaya napalunok ako sa pangalawang pagkakataon.

Ang kanang kamay niya ay bahagyang hinimas ang beywang ko.

“You know, I could kill anyone who would threaten to take you away from me,” matalim na usal niya at tumingin sa kutsilyong hawak niya.

“Vius.” Hindi ko alam ang sasabihin ko. Shemay!

"This is my favorite knife baby," aniya at nag-angat ulit ng tingin sa akin.

Maganda ang design ng kutsilyo, parang may nakaukit na salita sa handle nito.

“B-Bakit ka may ganyan?” parang tangang tanong ko.

Night With A PsychoOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz