Kabanata 29

249K 8.4K 3.6K
                                    

Warning: Sexual/Matured Content.

K A B A N A T A 29
༺❀༻

HINDI ko na halos matandaan kung paano natapos ang usapan namin ni Rev. Ang huli kong natatandaan ay iginaya niya ako papunta sa isang kwarto sa kanyang bahay upang makapagpahinga at siguro dahil sa pagod kakaiyak ay kaagad akong dinalaw ng antok, nagising lang ako nang maramdaman gumalaw ang kama.

Gising na ang aking diwa nang may tumabi sa akin, ramdam ko ang dahan-dahan paggapang ng kung sino sa kama.

Hindi man ako dumilat ay alam ko na kaagad kung sino ang nasa kwarto kasama ko at hindi na rin ako nagulat na nandito siya.

Siguro ay tinawagan siya ni Rev, bakit siya nandito? Akala ko ba ay galit siya?

Imbes na dumilat ay nanatili akong nakapikit habang nakahiga at yakap ang isang unan.

Pinigilan kong mapaigtad nang maramdaman ang mainit na palad ni Vius na maingat na dumampi sa aking tiyan.

Para siyang napaso, inalis niya ang kanyang kamay. Akala ko ay hindi na niya ulit ako hahawakan pero naramdaman ko ulit ang kanyang palad, sa pagkakataon ito ay pumirmi na iyon sa isang parte sa aking tiyan at bahagyang humihimas doon. Noong una ay natakot pa ako dahil baka kung anong gawin niya pero nanatiling masuyo ang haplos niya sa aking tiyan.

Gusto kong maiyak nang maramdaman ang mainit na labi ni Vius sa aking balikat habang hinihimas ang aking tiyan. Ramdam ko ang pag-iingat sa kanyang kamay animong takot na masaktan ang bata sa sinapupunan ko kahit wala pa man umbok.

I thought he doesn't like my baby?

Palihim akong napalunok nang maramdaman ko siyang pumantay sa aking tiyan pakiwari ko'y umasta siyang bubulungan ang aking tiyan.

Pinigilan ko ang aking sarili na dumilat upang makita siya, ayokong maging marupok at isa pa ay naaalala ko pa ang mga sinabi niya kanina.

Masuyo niyang hinahalikan ang puson ko sa ibabaw ng aking damit pagkatapos ay maingat na hinahaplos din ito.

Wala pa man umbok iyon, kaya hindi ko alam kung anong hinahanap niya dahil panay ang himas niya roon.

“Baby ko, it's me your Daddy.” Halos kilabutan ako nang marinig ang mahina niyang bulong sa aking tiyan. “Hey baby, don't hurt Mommy there huh? Be a good baby,” malambing na bulong niya saka dinampian ng halik ang tiyan ko.

Maikuyom ko ang aking kamay, gusto kong dumilat at panuorin siya pero gusto ko rin malaman kung ano pang gagawin niya habang akala niyang tulog ako.

“I'm sorry baby for what daddy said a while ago, did I scare you my child? Hindi iyon sinasadya ni Daddy. I'm so scared, I might be a bad father like what Daddy and Mommy said before,” napukaw ang atensyon ko sa sinabi ni Vius. “Natatakot akong masaktan ko kayo, I'm a monster baby. Can you hear me? Daddy is a bad guy, even my parents hate me because I killed my sister huh? How will I be a good father if I'm a bad person? Masama ako, baliw ako, wala akong patutunguhan at pabigat ako,” mahinang sabi niya animong sa sarili niya iyon sinasabi.

Hindi ko mapigilan maiyak, tuluyan tumulo ang luha ko na kaagad tumulo sa unan. Mabuti at bahagyang nakatabing ang braso ko sa aking mata kaya hindi niya iyon makikita.

Saan niya ba nakukuha ang mga bagay na iyan? Sino bang nagsasabi ng mga salitang iyan?

“Natatakot akong hindi ko kayo maprotektahan, baka dumating ang panahon na pati kayo ay masaktan ko, natatakot ako anak, I'm sorry because your D-Daddy is w-weak. I'm weak.” Narinig ko ang pagnginig ng kanyang boses.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon