Kabanata 13

252K 9.3K 1.6K
                                    

Hi, if may makita po kayong wrong spelling or grammar. Comment lang po, para mabilis kong makita, minsan kasi kahit ini-edit ko na may mga lumalagpas pa rin sa sobrang dami ng letters. 😅 Enjoy reading.

**

K A B A N A T A 13
༺❀༻



Nakaluhod ako habang nakatingin kay Vius na ngayon ay nanlalaking mata rin na nakatingin sa akin. Parang hindi rin niya inaasahan ang makita ako, pero mas hindi ko inaasahan ang aking nakita. Kitang-kita ko si Oscar sa sahig na wala ng buhay at dilat ang mata, bahagyang nakabukas pa ang kanyang mga labi habang nakatingin sa aking gawi.

Ibubukas na dapat ni Vius ang kanyang bibig nang makarinig ako ng isang sasakyan papasok sa parking lot. Kahit siya ay hindi makagalaw animong na-blanko na rin siya nang makita ako.

Takot at kaba ang naramdaman ko habang lumalakas ang tunog ng sasakyan animong papalapit na kung nasaan kami.

Mabilis akong tumayo mula sa pag kakaupo ko at mabilis hinakbang ang pagitan namin ni Vius.

“W-We need to get out here!” nanginginig pa ang aking boses nang sabihin ko iyon.

Mabilis kong hinawakan si Vius sa kamay kung nasaan ang kutsilyong pinang-wakas niya sa buhay ni Oscar. Habang hawak ko ang kutsilyo ay hinawakan ko naman ang kanan niyang kamay para umalis na sa lugar na iyon.

Kailangan ko maialis si Vius dito, iyon lang ang naisip ko.

Hihilahin ko na sana siya paalis nang may dalawang van na huminto sa harap namin, tiningnan ko si Vius kalmado lamang siya at sa mga kamay namin na magkasaklob nakatingin.

Nahawa na ng dugo sa kamay niya ang aking kamay.

Nabalik ang atensyon ko sa dalawang itim na van nang magsilabasan doon ang mga lalaki. Hindi ko alam kung makakahinga ako nang maluwag o ano nang mamukhaan ko sila na tauhan ng mag-asawang Falcon.

“Kami na pong bahala rito. Sumakay na kayo sa van.” A man with masculine body said.

Nakatulala pa ako nang hilahin na ako ni Vius papasok sa isang van. Sumulyap pa ako sa ilan tauhan na naiwan. Kinapa niya ang pulso ni Oscar, may sinabi siya sa isang kasama bago nila buhatin ang katawan at isakay sa kabilang van. Mabilis ang naging kilos nila, upang walang maiwan bakas kahit dugo.

Nawala lang ang atensyon ko sa ginagawa nila nang umandar ang sinasakyan namin. Hawak ko pa rin ang kamay ni Vius. Inabutan kami ng maliit na towel at alcohol ng isang lalaki na nakaupo sa harap.

Nakatulala ako habang nililinis ni Vius ang mga kamay namin animong putik lamang iyon sa kanya.

Wala akong nakikitang kahit katitining na pagsisisi sa kanyang mata.

Habang nakatingin ako sa kanya ay pinakiramdaman ko rin ang aking sarili. Bakit ko iyon ginawa? Bakit ko mas piniling iligtas si Vius sa kabila ng mga nakita ko? Bakit imbes na takot ang maramdaman ko sa kanya ay takot akong mahuli siya, takot akong malaman ng iba ang sakit niya.

Bigla akong kinilabutan. I don't want to feel this, I don't want to hurt other people. This is wrong.

Napagitla ako nang maramdaman kong humilig sa balikat ko si Vius habang magkahawak pa rin ang aming kamay.

“I'm sorry if you need to see that,” mahinang sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko na nanlalamig.

Humugot ako ng malalim na hininga.
“B-Bakit mo iyon ginawa? T-That is—”
Hindi ko matuloy ang sasabihin ko.

Night With A PsychoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu