Kabanata 6

308K 10.9K 5.2K
                                    

Warning: This chapter contain matured scenes. Drop your age before reading, charot! Enjoy !


K A B A N A T A 6
༺❀༻

Napabuntonghininga na lang ako habang nakatingin kay Vius na ngayon ay tulog na dahil sa pinakain kong may pangpatulog pala. Mabigat ang kanyang paghinga habang yakap ang aking kamay.

Dahan-dahan kong binaklas ang yakap niya sa kamay ko saka lumabas sa kwarto na iyon, mabilis akong pumasok sa kabilang kwarto.

“Like what we said a while ago Miss Bautista, our son is suffering from mental illness," usal ng lalaki, inayos niya ang suot na salamin.

“Pero hindi naniniwala si Vius na may sakit siya. He always refused and avoid the medication. Hindi na niya alam ang ginagawa niya. He needs you, not only as his nurse,” malumanay na usal naman ng Mommy ni Vius, ramdam kong may ibang ibig sabihin pa siya roon.

Tumingin muna ako kay Vius na natutulog sa kabilang silid bago humugot ng malalim na hininga.

“Okay, I'm going to do this because of the paper I signed yesterday. Three months, after that I will back to my work at the hospital, I hope you'll understand,” wika ko bahagya ko pang sinuklay ang buhok kong nakalugay gamit ang aking daliri.

“Gusto ko pong makita ang medical background niya o makausap ang Doctor niya, para po alam ko kung ano ba ang dapat kong maitulong sa kanya. Hindi po kasi pwedeng basta lang akong nandito na walang ideya man lang.”

Tumango ang babae. “Sige, iha. Sa susunod na punta mo rito.”

Naaawa ako kay Vius, pakiramdam ko ba ay kailangan ko siyang tulungan at may isang parte rin sa akin na na-challenge dahil unang beses ko pa lang humawak ng ganito. I know I will learn a lot from this job.

Iyon naman ang gusto ko, ang matuto at makatulong.

·𖥸·

Umuwi na rin ako pagkatapos namin mag-usap dahil gabi na raw magigising si Vius dahil sa gamot at bukas na lang ulit ako bumalik. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko kung bakit ako pumupunta sa kanila pero kapag sinabi ko bang nurse niya ako maniniwala ba siya? Maniniwala ba siyang may sakit siya?

Naabutan ko si Kuya Joxx sa labas ng bahay, pasakay na sa kanyang kotse.

“Kuya!” tawag ko sa kanya pagkababa ko ng taxi.

“Oh, bakit ang aga mo? Hindi ba may bago kang trabaho? Tanggal ka na agad?” gulat na tanong niya. Napangiwi ako sa sinabi niya, napansin ko ang isang kumpol ng bulaklak sa loob ng kotse niya kaya napangiti ako.

“Hindi naman bago, sa iba lang ako naka-assign ngayon. Tulog ang pasyente ko, bukas na lang daw ulit,” sagot ko at binigyan siya ng mapanuksong tingin. “Kay Ate Nid ˋyang bulaklak no?”

Napangiwi siya bago humalakhak siya. “Oo, medyo tampo e.” Napakamot pa sa batok.

Pagkatapos namin mag-usap ni Kuya ay umalis na rin siya. Si Kuya Johan ay wala pa rin habang si Jozt naman ay paniguradong nasa kwarto niya.

Nag-text sa akin ang magulang ni Alfred na wala pa rin siyang malay. Sana naman ay maging maayos na si Alfred. Kahit gaano pa kalaki ang galit ko sa tao ay lamang pa rin ang aking pag-aalala. Maybe I'll visit him later or tomorrow.

Night With A PsychoWhere stories live. Discover now