Kabanata 21

220K 9.1K 3.2K
                                    

K A B A N A T A 21
༺❀༻

"Rev..."

Naramdaman ko na lang na may telang bumalot sa aking katawan. Kaagad ko iyon niyakap para maitago ang hubad kong katawan. Rev gave his jacket to covered my naked breast.

Hinilot niya ang batok saka binalikan si Alfred na nasa sahig.

"Kapag sinabi ng babaeng ayaw niya, ayaw niya gago!" Hinila niya ang kwelyo ni Alfred at sinapak sa mukha. "Nakaligtas ka na noon, matutuluyan ka na talaga ngayon!" sigaw pa niya saka sinikmuran si Alfred, napahagulgol ako nang mawalan siya nang malay.

May tinawagan si Rev bago lumapit sa akin. "Are you okay? Kaya ko bang tumayo?" Umiling-iling ako dahil hindi talaga ako okay gustong-gusto kong tadyakan si Alfred dahil sa ginawa niya.

Nakakababoy. Nakakagalit.

Hindi ako iniwan ni Rev, maya-maya'y dumating na ang security at binuhat si Alfred palabas. Si Rev na ang nagpaliwanag sa kanila habang nagsuot naman ako ng bagong damit.

Halos kalahating oras na simula no'n pero hindi pa rin ako iniwan ni Rev at walang Vweuvius na dumating.

Hindi ko alam pero unti-unting sumisikip ang dibdib ko, parang may sumasakal habang palabas na ng ospital. Nag-offer si Rev na ihahatid niya ako sa bahay ni Vius.

"Are you sure that your boyfriend is there?" tanong niya habang nagmamaneho.

Sinabi ko sa kanya ang address ni Vius. Iniisip kong baka nakalimutan lang niya.

Tumango ako. "Salamat ha, Tinulungan mo na nga ako kanina tapos ihahatid mo pa ako, pasensya ka na sa abala," mahinang sabi ko habang hawak ang phone, nagbabakasaling may text o tawag ni Vius.

Alam naman niya ang numero ko.

"Don't mention it. Kahit sino naman gagawin iyon at saka sinabi ko naman volunteer Doctor roon kaya nandoon ako sakto lang talaga napadaan ako, kahit ikaw o hindi ikaw tutulungan ko pa rin," aniya bago ako tingnan sandali at ibalik ang atensyon sa kalsada.

Sandali kaming natahimik hanggang makarating kami sa bahay ni Vius. Napatingin ako kay Rev napansin kong titig na titig siya sa bahay ni Vius bago tipid na ngumiti at umiling bago bumaling sa akin.

"Sarado mga ilaw, baka wala boyfriend mo riyan, baka nasa babae niya," komento niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi gano'n si Vius. Hindi niya iyon gagawin sa akin."

·𖥸·


Pagpasok ko sa bahay ni Vius ay binalot na kaagad ako ng katahimikan. Dumeretsyo ako sa kwarto ni Vius, hindi umaasang makikita siya roon kaya gano'n na lang ang gulat ko nang makita siyang nakahiga sa kama.

Kaagad kong binuksan ang ilaw at tumambad sa akin si Vius na nanginginig at pulang-pula.

"Vius?! Jusko anong nangyari sa'yo?" kabadong tanong ko, lumapit sa kanya pero akmang hahawakan ko siya ay umatras siya.

"D-Don't... Baka mahawa ka," bulong niya at napadaing animong may iniinda.

"What happened?! Anong nangyari sa mukha mo? Saan masakit?" Napataas ang boses ko sa sobrang pag-aalala.

"N-Nilutuan kita ng pasta para pag-uwi mo makakakain ka, I-I forgot that I have an allergy to shrimps. I taste it then when I need to fetch you. I felt so hot, I can't breath. I felt dizy. I tried to call you but I can't contact you baby. I'm sorry, y-you okay?" bahagya niyang idinilat ang mata kahit sobra ang pamamaga no'n.

Night With A PsychoWhere stories live. Discover now