Kabanata 3

316K 10.5K 4.2K
                                    

K A B A N A T A 3
༺❀༻

“Vius.”

Ang daming tanong sa aking isipan, kung paano niya nalaman na nurse ako at kung saan ako nagta-trabaho dahil sa totoo lang ay inaasahan kong huling pagkikita na namin ˋyong kagabi.

Wala naman din akong matandaan na may ikinuwento ako sa kanya na tungkol sa akin dahil pagkatapos namin mag-jack n poy ay knock-out na ako.

Nakita ko mula sa gilid ng aking mata na nakatingin sa akin ang mga taong nandoon, animong hinihintay ang aking gagawin. Napansin ko rin ang magaling kong ex na si Alfred kasama ang hitad niyang assistant na nakatingin na rin sa amin.

Bumuntonghininga ako. Jusmiyo bahala na!

Kaagad akong lumapit sa kanya at hinarap ang mga guard na humaharang.

“Kuya, kakilala ko po siya,” wika ko sa kanila at bahagya pang ngumiti upang bawasan ang tensyon.

“Gano'n ba Ma'am? Nobyo niyo po?” Nagdududa pang wika ng isa kaya tumango ako at tipid na ngumiti.

Hindi ko na sila hinintay na makapagtanong pa, hinila ko palayo do'n ang lalaking may asul na mata hanggang makarating kami sa garden sa may labas ng ospital.

Prente siyang naupo sa isang bench doon habang nakatingin sa akin animong pinag-aaralan ang buo kong mukha. Tumama sa maliit na hikaw niya sa kanan tainga ang liwanag galing sa isang maliit na poste.

“Bakit ka nandito? Paano mo ako nahanap?” takang tanong ko habang nakapamewang pa sa harap niya, pinasadahan ko ang suot niyang itim na itim.

Sabihin niya ng ang taray ko pero ang creepy niya ha.

“You can't run away from me. Huwag ka na magtaka kung mahanap kita. I have my ways and connections,” mayabang na usal niya habang may nakakalokong ngisi sa labi.

Ibang-iba siya ro'n sa lalaking may blankong mukha na hinarang ko sa bar kagabi.

Okay, Seph kalma. Baka naman nasabi mo sa kanya kagabi at hindi mo lang naaalala.

Suminghap ako upang pilit itago ang hiya, parang narinig ko bigla kung paano ako umungol kagabi.

“B-Bukod sa trabaho ko ano pa ang alam mo tungkol sa akin?” kabadong tanong ko, hindi kaya secret agent ˋto?

Ang sulok ng kanyang labi ay unti-unting umangat.

“Wala naman bukod sa pangalan mo, Joseph Bautista. Age, twenty three years old. Birthday, October eight then you have three siblings. Joxx, Johan at Jozt. Your family business is beauty products. Nakatira ka sa Ligaya's Street #245 block 16. Hmm, educational background? Funtella Elementary, Hilberto High School and you graduated at Rage University. You had two ex-boyfriend, ˋyong una ay noong college ka at iyong isa ay ngayong nurse ka na. Wala naman akong masiyadong alam, baby,” kalmadong sagot niya.

Halos mapanganga ako sa mga sinabi niya. He looked so calm while saying those words.

God! Kinilabutan ako sa kanya, bahagya pa akong napa-atras nang bigla siyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.

Night With A PsychoWhere stories live. Discover now