Kabanata 24

224K 8.6K 4.2K
                                    

Hi, I dedicated this chapter to StaceyMarieMonteverd  isa siya sa mga nakikita kong nag-aabang ng update rito. Thank you!

K A B A N A T A 24
༺❀༻

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Rev na nakatayo sa gilid ng kama at Vweuvius na nakasandal sa pinto habang nakapamulsa, seryosong nakatingin sa akin.

Pakiramdam ko ay nanlamig ang buo kong mukha lalo nang ngumisi siya, tumikhim si Rev.

“I'll leave you two, you need to talk to her,” ani Rev kay Vius at sinulyapan muna ako bago lumabas sa kwarto na kumakamot pa ng batok.

Mas lalo akong kinain nang takot nang maiwan kami ni Vius.

Bahagyang umawang ang aking labi at napakurap-kurap ako nang maglakad si Vius papunta sa akin.

Sa sobrang takot ko ay mabilis kong inabot ang aking bag sa gilid, nanginginig ang kamay na kinuha ko ang box na binigay niya na may laman na maliit na kutsilyo.

Saktong pagkuha ko no'n ay nakaupo na siya sa kama, mabilis ko iyon itinutok sa kanya.

“H-Huwag kang lalapit!” malakas na sigaw ko, naalala ko sinabi niya sa tawag kagabi. I can't trust him.

Tumabingi ang ulo niya habang nakatingin sa nanginginig kong kamay, mas humigpit ang dalawa kong palad sa hawakan ng kutsilyo.

Nanlaki ang aking mata nang imbes na umatras ay mas lumapit pa siya sa akin kaya sumiksik ako sa headboard ng kama. Suminghap ako nang hawakan niya ang pulso ko at iginaya ang kutsilyo papalapit pa sa kanyang leeg.

Nanlaki ang mata ko roon, pilit kong inilayo ang talim sa leeg niya pero humigpit ang hawak niya sa aking pulso.

“Cut my throat,” he commanded.

Mas diniin niya ang kutsilyo sa leeg niya, umiling ako at napaiyak nang makitang masusugatan siya.

“N-No... let me go, masusugatan kita please. Bitawan mo ako Vius!" Naging desperado na ang aking boses.

Mas diniin niya ang kutsilyo sa leeg niya, napahagulgol na ako nang makitang nahiwa na ng maliit ang kanyang leeg. Lumuwag ang hawak niya sa akin kaya mabilis kong binitawan ang kutsilyo, nalaglag iyon sa kama.

Sinapo ko kaagad ang leeg niya upang hindi tumuloy ang dugo.

Nang magtama ang aming mata ay wala akong makitang emosyon doon.

“Alam mo ba ginagawa mo?! Mabuti at mababaw lang! M-Mapapatay mo ang sarili mo!” galit na sermon ko, bahagya pang nanginig ang boses.

Napaigtad ako nang imbes na sumagot ay pinunasan niya ang luha sa aking pisngi gamit ang likod ng kanyang kamay.

“Ang ganda mo pa rin kahit umiiyak, tangina,” bulong niya na para bang walang sugat ang leeg niya.

“Vius!” I called him in frustration.

Umangat ang sulok ng labi niya, inipit ang mga buhok ko na sumabog sa mukha sa likod ng tainga. “I told you, you will use that knife.”

Hindi ko siya sinagot, kinuha ko ang maliit na medicine kit sa aking bag at tahimik na ginamot ang maliit na hiwa sa leeg niya.

Nang matapos ako ay kinuha niya ang kutsilyo, gamit ang palad ay tinanggal niya ang dugo roon at inabot sa akin.

“Keep it, baby.” Nang hindi ako gumalaw ay siya mismo ang nagpasok sa box no'n, hindi ko alam ang gagawin ko nang umupo na siya ulit at tinitigan ako. “Are you okay, baby? You're pale.”

Night With A PsychoWhere stories live. Discover now