Kabanata 19

244K 7.7K 1.4K
                                    

K A B A N A T A 19
༺❀༻

“Nabalitaan kong pumunta kayo ni Vius sa resort. How is it? Ano bang ginawa niyo roon?” tanong ng Mommy ni Vius.

“Ayos lang po, may binisita lang kaming kaibigan,” mahinahong sabi ko. Kahapon nang hapon ay nakauwi na kami ni Vius, noong umaga ay naligo kami sa dagat doon niya binigay ang regalo niya.

Isang susi, iyon lang.

Tinanong ko kung para saan iyon. Dahil kung para sa kotse ay baka magtatalon ako sa tuwa, para na akong nanalo sa lotto pero wala siyang sinabi. Ang sabi niya ay malalaman ko rin sa tamang oras.

Tumawag ako sa bahay pero walang sumasagot, hindi ako nakauwi kahapon dahil masyado na kaming ginabi.

Tinawagan ako ng Mommy ni Vius, tinatanong kung saan kami nagpunta at kung kumusta na ang kanyang anak.

“That's good, iha. Sana huwag mong iiwan si Vius alam naman natin kung anong pinagdaraanan niya,” makahulugang sabi niya at bahagyang pinisil ang aking kamay.

Hindi ko maiwasan paningkitan siya ng mata, simula nang makita ko ang ginagawa nila kay Vius ay hindi ko na nagawang magtiwala pa.

“Nga pala, his doctor wants him to take another medicine. It's for his anxiety.” Inilapag niya ang isang transparent kit na may laman na mga gamot.

Inabot ko iyon, may reseta. Nakalagay kung anong pangalan ng gamot at kung ilang beses iinumin.

“Benzodiazepines,” basa ko pangalan ng gamot. Hindi ako nagsalita, sinusubukan tandaan kung ilan na ang gamot na pinapainom nila kay Vius.

Hindi ko pa rin makalimutan na hinanap ko ang Doctor niya pero wala akong makita.

I need to investigate, something's off. I know.

“Thank you, Mrs. Falcon. Mauuna na po ako,” magalang na sabi ko saka ngumiti.

Hinatid pa niya ako sa pintuan, nang tuluyan makalabas sa gate nila ay unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi.

I dialled Kuya Joxx's number.

Pagkaraan ng tatlong ring ay sumagot na siya, narinig ko si Ate Nid sa kabilang linya mukhang nagkasama sila.

Hey, Seph? May problema ba?”

Lumingon ako sa likod, baka may nakikinig. Mabuti na lang at wala naman.

“Hindi ba't may kaibigan kang Psychiatrist? ˋYong mapagkakatiwalaan,” mahinang sabi ko.

“Ah, oo. Kaibigan ko. Hindi ba't may Psychiatrist naman sa ospital niyo?” Nahihimigan ko ang pagtataka sa kanyang boses.

Malakas akong bumuntonghininga. Hindi pwede sa ospital, hindi ko alam kung kakilala nila ang mag-asawang Falcon.

“Yung hindi sana galing sa pinagta-trabahuhan ko. Please, send the number to me, I just need to clarify things.”

I don't want to play your games, Mrs. Falcon. Hindi ko na hahayaan may gawin kayo kay Vius, kung hindi niya kayang iligtas ang sarili niya ay tutulungan ko siya.

Night With A PsychoWhere stories live. Discover now