Kabanata 15

240K 8.2K 1.9K
                                    

K A B A N A T A 15
༺❀༻


Napagitla ako nang may kamay na humawak sa aking balakang, kaagad akong napaharap sa aking likuran. Nagtama ang mata namin ng isang lalaki. He looks so familiar but I can't recognize his face or name. Hinawi ko ang kamay niya, narinig kong tumawa si Grace na lasing na.

"Hey," bulong niya sa akin at mas lalo akong hinapit para mapalapit, inilagay ko ang aking palad sa kanyang dibdib upang hindi kami magdikit.

"Bitawan mo ako," seryoso kong wika, tinulak ko siya pero higit na mas malakas siya. "Please, let me go."

"What's your name?" bulong niya, napangiwi ako nang ilapit pa niya ang labi sa aking tainga.

Hindi ko siya sinagot, nakita kong bumaba ang tingin niya sa aking labi.

"I'm Rev." Halos mapaigtad ako sa gulat nang haplusin niya ang likuran ko. "Just calm, I just wanna dance."

Umiling ako. Hindi niya naiintindihan. Ayokong sumayaw at lalong wala akong planong makipagkilala kahit kanino man ngayon gabi.

"Kapag hindi mo ako pinakawalan, tutuhurin ko talaga ˋyang sisiw mo," banta ko pero humalakhak lang siya.

Sasagot pa sana siya nang bigla siyang tumilapon palayo sa akin, muntik na akong matumba sa sobrang gulat.

Umawang ang aking labi nang makita si Rev na nakabulagta na sa sahig, sabay-sabay na napasinghap ang mga nakapaligid sa amin. Mas lalo akong nagulat nang makita si Vius na gumagalaw ang panga habang nakakuyom ang dalawang kamao, animong ano man oras ay manununtok na siya.

"Don't you dare touch my girl again!" gigil na sigaw ni Vius.

Hindi ako kaagad nakagalaw, tumawa si Rev habang pinupunasan ang gilid ng labi niya na nasuntok na ni Vius, susugurin pa sana siya ni Vius pero kaagad na akong pumagitna.

"Vius, calm down!" bulalas ko.

"Shit! What's your problem, Dude?!" inis na singhal ni Rev, tinulak niya ang sarili upang makatayo.

Napatingin ako kay Vius na seryosong nakatingin sa akin, hinawakan niya ang aking braso roon ko naramdaman ang panginginig no'n.

Inilapit niya ang bibig sa aking tainga. "You crossed a damn line, Joseph Bautista. Maybe I should punish you huh?" Hinila niya ako palabas sa lugar na iyon.

·𖥸·

"Ano ba?! Nasasaktan ako Vius!" daing ko nang hilahin niya ako palabas ng kotse para pumasok sa kanyang bahay.

Mabilis ang naging biyahe namin, sobrang bilis niyang nag-drive. Namutawi ang katahimikan sa amin kanina. Hindi niya ako sinagot hawak pa rin niya ako sa braso, bago ako padabog na i-upo sa sofa. Kaagad kong hinimas ang braso kong paniguradong magmamarka, kita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

"Hah! Are you hurt? Do you even know that I'm hurt too?! I'm fucking hurt!" sigaw niya at napasabunot ng kanyang buhok.

He's being paranoid again. Bigla akong nakunsensya sa pagpunta ko roon, I'm too irresponsible.

"You're just jumping into conclusion Vius. I'm not doing anything, hinila niya ako, ayaw niya akong bitawan." Sinubukan kong magpaliwanag upang kumalma siya.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon