Kabanata 7

299K 10.3K 6K
                                    

K A B A N A T A 7
༺❀༻


“Salamat po,” magalang na sabi ko sa driver nila Vius nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

Sinundo niya ako papunta sa bahay ng mga Falcon. Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Vius ngayon dahil sa nangyari sa amin. Hindi ko alam kung paano makitungo sa kanya ngayon. How would I greet him? Good gracious, he's my patient.

Napaka gaga mo talaga, Seph. Inaraw-araw mo ang katangahan.

“Oh iha! Finally, you're here!” Nakangiting wika ng Mommy ni Vius. Tumango ako at ngumiti rin kahit naiilang ako.

“Umupo ka muna.”

“Salamat po,” wika ko bago umupo kasabay naman no'n ay nakarinig kami ng yabag galing sa hagdanan.

Halos mapanganga ako nang makita si  Vius na pababa, nakasuot lang siya ng white v-neck at isang sweater short na kulay gray.

Blanko ang kanyang mukha habang pababa, nakita kong natigilan siya nang makita ako sa sala nila animong hindi niya inaasahan na nandoon ako.

Hindi ko alam kung kakaway ba ako, mag-hello o dedmahin siya?Nakakahiya talaga.

Nang mukhang nakabawi na siya sa gulat ay malalaking hakbang na bumaba siya sa hagaan at lumapit sa akin.

“Iho, pinapunta ko pala si—”

“Seph, why are you here?" Kunot noo na tanong niya, hindi pinansin ang sinabi ng ina. Parang nasaktan doon ang Mommy niya pero sa huli ay ngumiti lang.

Hindi ko alam ang isasagot ko, pinasadahan niya ako ng tingin. Hindi ako nakasuot pang-nurse, nasabihan na ako na normal na damit na lang ang isuot ko. Jeans and blouse.

“Let's go.” Napatingin ulit ako kay Vius nang ilahad niya ang kanyang kanan kamay sa akin, hindi ko kaagad nakuha ang gusto niyang mangyari. “Ipapakita ko sayo ang kwarto ko. Come on.” Napatingin ako kay Tita para sana tulungan ako pero nakangiting tumango siya.

Wala akong nagawa nang hilahin na ako ni Vius paakyat.

He looks so serious, like he's thinking about something. Ano kayang iniisip niya?

Nakarating kami sa isang kwartong may kulay puting pinto. Pagpasok namin ay double ng laki no'n ang kwarto ko. Malaki ang kanyang kama kahit siguro magtambling ako at twerk ay hindi ako mahuhulog.

“Next time don't go here, okay?” sabi niya pagkapasok namin. Nasaktan ako sa sinabi niya, siya kaya ang nagpapasok sa akin dito, ugok ata ˋto.

I tilted my head. “Bakit naman? Ikaw kaya ang nagsabi ipapakita sa akin ˋto, kung ayaw mo, edi huwag!”

“I mean dito sa bahay. Huwag uh—Nevermind. Stay here. I'll change my clothes and then we'll go to Mall," aniya, hinawakan ang balikat ko para mapaupo sa kanyang kama.

Mabilis siyang pumasok sa glass sliding door. Walang alinlangan naghubad siya kaya nag-iwas tingin na lang ako, kunwaring tumitingin sa kisame at ilaw.

Oh, ang ganda ng ilaw niya, magkano kaya 'yan?

Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko hanggang batok. He's proud, all right! I already saw it. I saw how proud he is. Pero kahit gano'n ay hindi pa rin ako sanay na bigla na lang siya maghuhubad sa harapan ko.

·𖥸·

Nang nasa biyahe na kami ni Vius papunta sa Mall ay pinapakiramdam ko siya, seryoso siya sa pagda-drive habang nakapahinga ang palad sa aking tuhod, ilang beses ko iyon inalis pero binabalik niya rin.

Night With A PsychoWhere stories live. Discover now