Kabanata 34

241K 8.9K 5.1K
                                    

K A B A N A T A 34
༺❀༻

GISING ang aking diwa pero hindi ko maidilat ang aking mata, sobrang bigat ng aking katawan. Naririnig ko ang tunog ng isang aparato sa aking gilid, pamilyar ang amoy ng paligid.

Nasa ospital ako?

Gusto kong ibukas ang aking bibig pero parang walang lakas ang aking labi, pakiramdam ko ay sobrang tuyo na ng aking lalamunan. Ano bang nangyari?

“Baby, wake up please. Gumising ka oh, miss na miss na kita Seph. Please wake up, I'm still waiting for your recovery, I love you.” Parang may sumabog loob ng dibdib ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Nararamdaman kong may mabigat na braso na nakayakap sa aking tiyan at may malaking kamay na nakahawak sa kanan kong kamay.

Ramdam ko rin ang pagkabasa ng damit ko sa bandang tiyan kung saan siya nakayuko. Umiiyak ba siya?

“Mahal, hindi ka pa ba napapagod mahiga riyan? Halos limang taon ka ng tulog oh, lumalaki na ang mga anak natin. Please come back, baby. Nababaliw na ako, hindi ko kayang mag-isa 'to, kailangan kita Seph. Sinusubukan kong maging malakas kasi nangako akong aalagaan ko ang mga anak natin, kahit wala ka ay papanindigan ko ˋto pero napapagod din ako baby, gumising ka naman na oh, hirap ma hirap na akong wala ka,” bulong niya at hinigpitan ang yakap sa akin.

Pakiramdam ko ay may dumukot sa puso ko sa sinabi niya. Anong tulog? Ano bang nangyari?

“They told me I should let you go, that you should rest. Is it selfish of me not to want that? Ayokong bitawan ka, wala sa pamimilian kong sukuan ka kaya bumangon ka na, mahal. N-Naghihintay pa rin ako sa paggaling mo, hihintayin kita kahit umabot pa ng ilang taon ayos lang basta gumaling ka na ha?” Tuluyan nang tumulo ang luha ko habang nakapikit ako.

Unti-unti kong binuksan ang aking mata at tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata.

Noong una ay malabo ang paligid, sobrang liwanag lang ang nakikita ko pero naririnig ko ang paligid.

Ilang sandaling gano'n bago ko luminaw ang kwarto. Puting kisame ang tumambad sa akin, doon ko nakita si Vius na nakadukmo sa bandang tiyan ko habang umiiyak.

Malakas na kumabog ang dibdib ko nang makita siya.

Gusto ko siyang hawakan, gusto kong tanungin kung anong nangyari pero tulala lang ako.

Vius, baby why are you crying huh?

Hinalikan niya ang kamay ko habang nasa gano'n pa rin posisyon. Kumirot ang puso ko nang magsimula siyang kumanta sa mahinang boses.

“H-Happy birthday, h-happy birthday to me.” Pagak siyang natawa, nakita kong pinunasan niya ang kanyang pisngi habang nakatingin sa mga kamay namin magkasaklob, gusto kong higpitan ang hawak sa kamay niya pero walang lakas ang mga daliri ko. “Happy 30th birthday to me,” malungkot na bati niya sa sarili, pumikit siya animong may ipinagdadasal.

Nang dumilat siya ay umangat ang tingin niya sa aking mukha.

Ang malungkot niyang mukha ay napalitan ng gulat, kitang-kita ko ang unti-unting paglaki ng kanyang mata at pag-awang ng labi.

“Baby!” Napatayo si Vius, kaagad niyang pinindot ang call bell button sa may itaas ng aking ulo.

Umamba siyang sasapuhin ang mukha pero naiwan sa ere ang kanyang kamay animong natatakot na magalaw ako.

“S-Seph? C-Can you see me? Can see you hear me baby? Are you finally awake?” nanginig ang kanyang boses.

Gusto ko siyang sagutin, gusto kong umiyak, gusto kong magsumbong sa kanya pero wala ni isa roon ang kaya kong gawin.

Night With A PsychoOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz