Day 30: The Truth

3.2K 56 0
                                    

Kahit pagod sa buong trip kahapon ay maaga akong nagising ngayon. Kasalukuyan pa ngang tulog si Miguel.

This is it. This is my final day. Final day having this face. Kagabi ay nakapag isip na ako kung pano sasabihin kay Miguel ang totoo. Mabuti na lang at may dala akong picture ko. Ang totoo kong mukha.

Ang plano ko ay sa sulat ko aaminin ang lahat. Iiwan ko don ang picture at aalis. Mabuti na lang at may napakiusapan ako na ikuha ako ng ticket pabalik ng Quezon City. Alam kong mahirap magbiyahe para sa tulad kong buntis.

Nakahanap na din ako ng lilipatan namin nila nanay. Sa lugar na hindi alam ni Miguel. Magtatrabaho ako para makaipon sa pagbubuntis ko at sa panganganak. Pati na rin pangpuhunan sa balak kong restaurant para kay nanay at tatay.

Miguel,

Sorry sa lahat. Alam kong mali ang manloko ng kapwa. Siguro ay nadala lang ako ng kagustuhan kong gumanda kahit panandalian lang kaya tinanggap ko itong misyon. Nakakatawang isipin pero totoo nga na may mga fairy. Kapalit ng magandang mukha ay ang pagpapakasal sayo. Salamat sa lahat lahat. Sa pagtangap sakin at pagmamahal sakin. Paki sabi na rin sa mga bata na totoong minahal ko sila at tinuring na anak ko.

Ito ang totoong ako. Sorry kung niloko kita pero maniwala ka man o sa hindi, totoo ang lahat ng pinakita ko sayo at sa pamilya mo. Totoo ang pagmamahal ko sayo.

Huwag kang mag alala, matatangap ko kung hindi mo ako mapapatawad at ayawan mo ako. Hindi rin kita kukulitin tungkol sa baby natin. Ipapakilala kita sa kanya na ikaw ang ama niya at sasabihin na huwag magtatanim ng galit sayo dahil ako ang lumayo sayo. Hindi ko siya ipagkakait sayo. Kung gusto mo siya makita ay pwede. Hindi ko ito sinasabi para sustentohan mo kami. Hindi ko ginagamit ang bata laban sayo.

Hanggang dito na lang. Sorry ulit. Tandaan mo na niloko man kita ay totoong minahal kita...

Heart

Matapos ko iyon isulat ay pinunasan ko ang luhang tumulo sakin.

"Wife? Anong ginagawa mo? Ang aga pa ah? May gusto ka ba?"

Agad ko namang tinago ang sulat ko.

"Wala. Hindi lang ako makatulog"

"May masakit ba sayo? Ipapatawag ko si Doc Gonzales"

"No. Okay lang ako. Siguro dahil sa pagbubuntis ko...ma--matulog na tayo"

"Mabuti pa nga wife"

Mabilis na nakabalik si Miguel sa pagtulog.

Tinitigan ko ang kabuuan ng mukha ni Miguel. He's just so perfect looking.

If we're really meant to be, then this is just a challenge to us.

Paglitaw ng araw ay nag ayos na kami para sa pagtour sa kabilang isla.

Nakaupo na lang ako sa sofa sa kwarto dahil ayaw akong pakilusin ni Miguel. Ayaw niya daw ako mapagod pero sila Aly at Jack naman ang pinapagod nya.

"Make sure na nandyan na lahat ng kailangan namin."

"Yes sir"

"Yung mga vitamins ba ni Heart nandyan na?"

"Wala po dito sir pero nasa hand bag po ni madame"

"Okay. Isakay niyo na yan sa bangka"

"Yes sir. Anything else sir?"

"Wala na. Salamat. Yaya, ang mga gamit ng mga bata?"

"Ayos na po lahat sir. Pati po yung pagkain"

"Okay. Good."

"Daddy, mommy where are we going next?"

"To the other island..."

"What's in there mommy?"

"Uhm, Im not sure eh. Maybe a beach and some food hubs"

"Like where we've been yesterday?"

"Uhuh"

"How many hours are we going to travel mommy?"

"About 4 hours siguro"

Pag akyat sa malaking bangka na inarkila ni Miguel ay agad na pumuwesto ang mga bata sa bench at naglaro sa ipad nila. Ang mga secretary naman ay nasa mga kwarto nila para makapagpahinga dahil ang aga silang pinatawag ni Miguel.

"Do you want to rest wife? Medyo matagal din ang biyahe"

"No. Im fine. Gusto ko din makalanghap ng sariwang hangin"

At nanatili akong nakatanaw sa dagat samantalang si Miguel ay nanatili sa likod ko at nakayakap.

"Mommy, daddy! Smile!!"

Paglingon namin kay Jayden ay saktong pag click niya sa camera.

"Jayden ayusin mo naman ang pagkuha kila Mommy"

"Sorry kuya. One more daddy, mommy!"

Panay ang pagkuha ng picture ng dalawa at paminsan minsan ay naglaro sila ng mga board games nila o di kaya ay nag aart sila.

Makalipas ang tatlong oras ay inantok ako kaya inaya ko si Miguel na samahan ako sa kwarto.

"You can go back there"

"No. I'll stay here with you"

"Im okay Miguel..."

"I'll stay here wife. Please wag nang makulit. You should sleep."

Nahiga na ako sa lap ni Miguel. Hinaplos haplos niya ang buhok ko hanggang sa nakatulog ako.

"Daddy can we eat this?"

"Just make sure it has nothing that will trigger your allergy"

"Okaay"

Panay ang kain namin sa isla. Halos lahat ng pagkain ng bawat food hub ay nakain namin. Tuwang tuwa si Duxe samantalang hindi lahat ang nakain ni Jayden dahil sa ang mga iyon ay may sangkap na allergic sya.

Nang mag alas tres na ng hapon ay bumalik na kami sa tinutuluyan namin.

Umalis saglit si Miguel dahil may tumawag na business partner.

And I took this chance para maka alis. Hindi na ako nagdala ng mga damit dahil hindi ito akin.

Iniwan ko lang ang letter sa side table ni Miguel.

Nagsuot ako ng maong, long sleeves na blouse, jacket at shades para walang makakilala sakin. Hindi naman ako nahirapan sa pagsakay patungo sa terminal.

His Wife for 30 DaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora