Day 19: 1st Date

2.6K 57 0
                                    

Day 19...

"May gagawin ka ba bukas, Heart?"

"Uhm, wala naman sir Mike. Bakit?"

"Aish, ayan ka na naman sa sir mo"

"Ayy sorry haha. Hindi pa ako sanay eh. Haha."

"So, pwede ka ba bukas? I have a party to attend. Can you be my date?"

Dahil sa gulat ay napainom ako sa tubig. Ang simpleng lunch namin ay naging awkward na dahil sa pagiimbita niya sa akin.

"Uhmmm... hindi kasi ako nakakaattend sa mga party kaya wala rin akong mga damit para sa ganyang klaseng event. Nakakahiya din..."

"Ah, any dress will do Heart. Gusto mo ba mamili tayo mamaya? After ng klase ko? Sunduin na lang kita sa inyo mamayang 4pm"

"Ah nako wag na. Siguro ay maghahanap ako ng kung ano ang meron ako sa bahay"

"Okay. But kung wala kang maisusuot dont hesitate to call me pupuntahan kita"

"Okay."

After lunch naman ay inihatid na niya ako sa bahay.

"Salamat sa paghatid Mike"

"No problem Heart. Keep me updated ha? I'll text you later"

"Ingat"

Pagpasok naman sa bahay ay laking gulat ko dahil nandito si Miguel. Bakit naman siya pinapasok nila nanay?

"Mr Pelaez,"

"I guess I've given you enough time to think. You should go back sa mansion Heart"

"Sir, hindi---"

"Its Miguel, Heart"

"Mi---miguel, hindi ba sinabi ko na na ayoko na. Ipa process mo na yung annulment papers at magpakasal na kayo ni Bianca para wala ng problema."

"Bakit ba ayaw mo bumalik? Sinaktan ka na ba ni Bianca? Ni mama?"

Kasama ka don. Pero syempre umiling ako.

"Dahil pa rin ba don sa pananakit ko?" At unti unti siyang lumapit sakin habang ako ay umaatras.

"Ano...ano ba? Lumayo... lumayo ka nga"

Nasan ba sila nanay? Omg! Dont tell me may ginawa sya sa mga magulang ko?

"Uuwe ka na sa mansion. Ngayon din."

"Hin--hindi pwede... baka pwedeng sa ibang araw na lang..."

"Why? Dahil may date ka bukas? Hmm? Tell me"

what?! Saan naman niya nalaman? Pinapasundan niya ba ako? Pano naman nakapasok sa loob ng campus ang utusan niya?

"Why Heart? Tell me why"

"Dahil hindi pa ako nakakapag isip! Bigyan mo pa ako ng panahon mag isip!"

"Hmm...dont shout wife. So, you're not going on a date with that guy huh?"

"What? Teka nga, ano naman ngayon sayo kung makipagdate ako?"

Nakita ko ang pagigting ng panga niya. Bakit naman siya magagalit? Eh di ba sya ang may gusto na maghiwalay na kami? At kaya lang naman niya ako pinakasalan dahil sa kailangan niya ng props na ihaharap sa mga business partners niya? In short kailangan niya lang ako!

"Uuwe. Ka. Sa. Mansion. Ngayon. Din."

At binuhat niya ako bigla!

"Ahhh!!!!! Ano ba Miguel! Ibaba mo ako! Hindi ako sasama sayo!" Pagpupumiglas ko.

His Wife for 30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon