Day 17: I'm Sorry

2.7K 62 0
                                    

Day 17...

Madaling araw ng ako ay maalimpungatan. Napatingin naman ako sa aking phone.

1 New message from: Mr. Pelaez

Heart,

Can you please go here tomorrow? Kahit para sa mga bata? Please.

Bakit naman ako pupunta? Para ano pa? Para saktan niya ng paulit ulit? Huwag na lang. At dahil sa sobrang pagiisip ng dahilan kung bakit ako pupunta don ay nakatulog ulit ako.

"Heart, anak? Bumangon ka na dyan. Nandito si Mr Pelaez at ang mga bata"

Napabangon naman ako sa narinig ko. Pero may pasok ako ngayon. Nakareceive kasi ako kagabi ng text na pwede akong magturo sa kabilang university at ngayon ako magsisimula.

Nag ayos lang ako saglit at nilabas sila. Paglabas ko sa kwarto ko ay agad namang lumapit ang magkapatid

"Mommy Heart!"

Napatingin naman ako kay Miguel. Still with his cold looks.

"Mommy please bumalik ka na sa house. Ayaw namin kay tita Ella. Please mommy... miss ka na namin... hindi kami makagawa ng homeworks ...miss na namin yung bonding natin, yung storytelling mo, yung paghatid mo ng milk and cookies ko, yung playtime natin yung---" mahabang sabi ni Jayden habang umiiyak.

"Jayden, huwag ka na umiyak"

"You're going na with us?"

"Im sorry Jayden pero hindi na kasi ako pwede doon. Kung gusto niyo pumunta na lang kayo dito at gagawin natin ang mga gusto niyo...and I still have work...nandyan naman yung daddy niyo and yaya niyo. Siguro magpakuha na lang kayo ng tutor kung nahihirapan kayo sa school works niyo"

"You dont love us na!?" At mas lalo siyang humagulgol.

"shh... no Jayden. Its not that...ganito na lang...dadalawin ko na lang kayo doon mamaya after my work..."

"Really?" At tinanguan ko sya.

"Promise?"

"Promise."

Matapos namin patahanin si Jayden ay pumasok na silang magkapatid. Isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan agad ito ni Miguel.

"Ano pang kailangan mo?"

"Wala."

"wala naman pala eh. Pwede po ba umalis ka na. Kailangan ko na umalis"

"Where are you working?"

"Ano naman pake mo kung saan ako nagta trabaho?" At tuluyan ko nang sinara ang pintuan.

Whew! That was intense.

Nagbihis na ako ng uniform ko at nagpaalam na kila nanay at tatay. Nakalimutan ko pa mag breakfast dahil sa nangyare at malelate pa ko kung kakain pa ako.

I secretly went outside through our back door. Nandon pa kasi si Mr Pelaez. Mabuti na lang at may mga tricycle na dumadaan dito kaya agad ako sumakay.

Pagbaba ko ng tricylce ay may nakasunod palang black SUV. Shit. Bakit naman niya ako nasundan? At bakit? Hindi ba dapat ay nagtatrabaho siya? Tss.

Matapos ang pagpapakilala ko sa mga estudyante ko ay pinagsulat ko na sila ng kanilang lectures at assignment para bukas.

"Teacher Heart! Teacher Heart!"

"Yes Ben?"

"Nandito po si Teacher Mike"

Agad naman akong lumapit sa teacher na nasa labas ng pinto.

His Wife for 30 DaysWhere stories live. Discover now