Day 27: Please Go Back

2.6K 58 0
                                    

Day 27...

I've prepared all my things that I needed para sa pag aaplyan kong trabaho. Hindi man ako sigurado kung natanggal ba ako sa dati kong pinapasukan ay susubukan ko pa ding mag apply ulit. Plano ko na din kasing mag hanap ng isa pang trabaho.

"O, anak, ang aga mo naman? Saan ang lakad mo?"

"Good morning nay, tay. Maghahanap po ako ng trabaho. At magbabaka sakali na mai annul"

"Hindi ba yan makakasama sa baby? Huwag ka na lang kaya muna magtrabaho? Sapat pa naman ang kinikita namin ng tatay mo eh. Maayos din naman ang takbo ng tindahan natin. Magpahinga ka na lang"

"Okay lang po ako nay. At isa pa, kailangan ko din po mag ipon para sa gastusin namin ng anak ko. Hindi po pwede na nakaasa pa ako sa inyo. Mag iisang buwan pa lang naman po ang pagbubuntis ko kaya kaya ko pa naman po"

"O sya sige. Ikaw ang bahala. Hindi ka pabigat sa amin ha. Basta kung may kailangan ka huwag ka mahihiyang magsabi samin. Pamilya tayo."

"Opo nay"

"Kamusta ba ang lagay ng bata? Nakapag pa check up ka na ba?"

"Uhm, hindi pa po eh. Pero dadaan po ako sa ospital mamaya para po magpatingen"

"Mabuti naman kung ganon"

"O sya halina na kayo. Kumain na tayo para maka alis na tayong lahat"

Matapos ang agahan namin, sumakay na ako sa kotse ni Ali at nagmaneho papunta sa school.

"Mrs Pelaez!"

"Sir Mike!"

"Mrs Pelaez, its nice to see you again. But what brings you here?"

"Ah, Heart na lang sir Mike. Mag iinquire lang sana ako if pwede ulit ako mag apply..."

"Oh. Why? Something happened?"

"Hmmm. Sort of. Kailangan eh."

"Oh. Tara, samahan na kita sa office"

Wala namang nagbago dito sa school na ito. Karamihan pa nga sa mga teacher ay nakikilala pa ako. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba iyon sa nalaman nilang ako'y isang Pelaez.

"Your position is still available Mrs Pelaez. It was said that you're on leave due to your pregnancy"

"May I ask who file that?"

"Your husband"

"Okay thank you"

"You may start your work again tomorrow Mrs Pelaez"

"Thank you"

So, it was him.

Bahagya naman akong nagulat dahil nag aantay pa din si Sir Mike.

"Kamusta? Anong sabi?"

"Available pa daw" then I gave him a smile.

"That's good. Well, lunch time lang tayo magkikita. Nalipat na kasi ako sa college department eh"

"Oh. I see. Pero sana magkita pa din tayo? Haha. Uhm, siguro I'll treat you to lunch tomorrow. Babawi ako."

"Oh sure. Haha but pwede naman ako muna mag treat?"

"Naku wag na sir. Pasensya na talaga. Kailangan ko na umalis. May aasikasuhin pa kasi ako eh"

"Oh yeah sure. Ingat. See you tomorrow then"

His Wife for 30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon