Day 4: In Laws

2.7K 59 0
                                    

Day 4...

Pagkagising ko ay agad akong kumilos para maipaghanda ng sana ng agahan ang mga bata pati na si Miguel.

"Good morning madame Heart. Ang aga niyo naman po nagising?"

"Ah, tutulong po sana ako maghanda ng breakfast."

"Ah, eh, baka po kasi pagalitan po kami ni sir Miguel."

"Okay lang po. Ako na po bahala magsabi sa kanya"

"Sige po"

At tumulong na ako sa pagluluto at paghahanda sa kapag kainan.

Pansin ko na medyo late ata ang gising ni Miguel. I decided na akyatin siya sa kwarto niya. Wala naman sigurong masama kung gagawin ko iyon diba? Tutal asawa ko naman siya.

*knock*knock*

"Ah, Miguel, gising ka na ba? Breakfast is ready na. Baka malate ka pa sa trabaho"

But there's no response.

"Ah manang, pwede po bang mahiram yung duplicate key ng kwarto ni Miguel? Hindi po kasi sya sumasagot eh"

"Ah ganoon po ba? Eto po oh"

"Salamat po"

Pagpasok ko sa kwarto niya ay nagulat ako dahil sa mga nakakalat na gamit. May iilan pa na nabasag.

Nakita ko naman si Miguel sa kama niya na mukang ginaw na ginaw. Paglapit ko ay kinapa ko siya. Omo! Ang init niya!

"Jusko! Miguel, ang init mo! Teka, kukuha ako ng maligamgam na tubig"

Pero bago pa ako makaalis sa kama niya ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Bianca... I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Please, don't leave me. Don't leave us."

Umiiyak pa niyang sabi pero nakapikit siya. Nang makatulog ulit siya ay umalis na ako. Paglabas ko sa kwarto niya ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Bakit? Bakit ako nasasaktan? Hindi pwedeng mahulog ako sa kanya.. Hindi pwede.

"Ah, may problema po ba madame?"

"Ah wala po. Pwede po bang pakilinisan yung kwarto ni Miguel? Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig. Nilalagnat po kasi siya eh"

"Ah ganon po ba. Sige po madame. Ako na lang po kukuha ng tubig"

"Salamat po"

Pagpasok ko ulit sa kwarto ay natulala ako. Bakit ba kailangang ako pa? Bakit ako pa ang kailangang makaranas ng ganitong sakit? Apat na araw pa lang pero parang ang tagal tagal ko na dito.

"Bianca... Bianca"

Hearing them say her name makes my heart broken.

"Ah madame, ito na po yung tubig"

"Salamat po"

Amoy alak din si Miguel. Sinimulan ko na ang pagpupunas sa kanya. Dati ay kay Russel ko lang ito ginagawa. Ngayon ay sa ibang tao na. Sa asawa ko. Sa asawa ko sa papel pero hindi sa puso.

Bakit ba apektadong apektado ako sa mga kinikilos niya? Hindi, hindi ko siya mahal. Hindi pwede. Hindi pwede.

Napahinto naman ako nang mukha na niya ang pupunasan ko. At agad din naman itinuloy ang pagpupunas. Mukha na akong baliw dito.

*knock*knock*

"Madame, tumawag po si señor Matthew. Pupunta daw po sila dito"

0.0 oh, no!

His Wife for 30 DaysWhere stories live. Discover now