Day 15: The Original Mrs. Pelaez

2.6K 61 0
                                    

Day 15...

Pagmulat ko ng mata ko ay nandito ako sa kwarto ni Miguel. 6:00 pa lang ng umaga. Mahimbing pa ang tulog ni Miguel habang nakayakap sa akin.

Sinubukan ko naman na umalis na sa pagkakayakap niya pero nagising siya at nanatili pa din siyang nakayakap.

"Good morning,"

"Morning"

"Where are you going?"

Hindi naman agad ako nakasagot. Siguro iniisip niya na tatakas na naman ako.

"Sa kwarto ko sana"

"This is also your room,"

Hindi naman na ako sumagot pa.

"Mabuti pa siguro ay ipalipat ko na dito lahat ng gamit mo,"

"Huwag na. Okay naman ako doon"

"Pero dito ka dapat. Kasama ko."

Hindi na ako nagsalita pa. Kunware ay sumilip ako sa relo.

"6:30 na, mag handa ka na para sa trabaho mo"

Ngunit di pa rin sya bumabangon kaya ako na ang unang bumangon. Pero bago ako tuluyang makatayo ay nahigit na ako ni Miguel kaya napahiga ako sa bisig niya.

"Heart, ano ba talaga ang problema? Pag usapan natin ang problema."

"Walang problema..."

"Then why did you leave us? Why did you leave me? Didn't you promised me you won't leave?"

Hindi naman ako makasagot.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Is it Lexy? Wala kaming relasyon okay? She's just assuming things. If you want, tatanggalin ko na sya as my secretary. Maghahanap ako ng iba"

"Huwag. You won't fire her. Wala ngang problema. Sige na, baka ma late ka pa"

He sigh. Maybe he's tired of me. Of my stupid actions.

"Magprepare ka na din. Sasama ka sakin"

"Pero walang maghahatid sa mga bata"

"Ihahatid natin sila. Tayong dalawa."

Pagpasok sa kwarto ko ay agad din naman akong naligo at nagbihis ng formal attire. Ngayon ko lang napansin na lahat ng accessories ay may naka engraved na Mrs. Pelaez. Isang baby blue na formal dress ang naisuot ko at may belt na may Mrs Pelaez ulit. Magpapalit sana ako ng skirt at blouse pero biglang pumasok si Miguel.

"Are you done?"

"Ah, magpapalit sana ako..."

"Why? You already look good...and beautiful"

"Uh, im not comfortable sa suot ko."

"Why? Is it because of this?" Sabay hawak sa bewang ko kung nasaan ang belt.

"Its good on you wife. And bakit ka naman hindi magiging comfortable? Besides, you are already a mrs Pelaez."

"O--okay"

Pagbaba namin ay kaming dalawa na lang ang kumain. Nauna na daw pumasok sila Jayden dahil may flag ceremony sila.

After breakfast ay umalis na kami.

Pagpasok sa kotse ay hindi niya binitawan ang kamay ko. Maging sa pagbaba sa kotse hanggang sa pagpasok sa kumpanya. Panay naman ang bati ng mga empleyado pero may kakaiba akong napansin sa kanila. Nagtataka at nandidiri ang tingin sa magkahawak naming kamay at sa akin.

Bago kami makapasok ay lumapit na ang secretary ko, si Ali.

"Good morning sir, madame. Uh, sir, someone's inside your office. She said asawa niyo daw po sya, Bianca Pelaez po"

At dahil sa narinig ko ay napabitaw naman ako sa kamay niya at siya namang lingon ni Miguel sakin.

"Okay. Thank you. Let's go Heart" at muli niyang hinawakan ang kamay ko.

Pagpasok sa loob ay agad namang pagtayo ni Bianca. Agad ulit akong bumitaw.

How is it possible na buhay at nandito ngayon si Bianca?

"Miguel,"

"Bianca? How can you say so na ikaw talaga si Bianca?"

"I am Bianca."

"Well, kung ikaw nga si Bianca, anong kailangan mo? Diba iniwan mo na kami? Hindi mo na ako mahal diba? Why are you here?"

"I cancelled the annulment papers."

"How sure are you na ikaw si Bianca? Ang Bianca na kilala ko ay matagal nang patay"

lumapit naman si Bianca kay Miguel. Habang lumalapit siya ay unti unti naman akong umaatras. Hinawakan naman ni Bianca ang magkabilang pisngi ni Miguel

"Mi, ako ito. Please believe in me" at hinalikan niya siya.

Alam kong mali na gawin nila iyon sa harap ko pero alam kong tama pa din iyon dahil sya ang unang asawa at hindi daw sila annuled. Dahan dahan ay lumabas na ako sa opisina niya. Hindi ko kaya ang sakit.

Nang nakita ako ay agad naman akong dinaluhan ni Ali.

"Madame, okay lang po ba kayo?"

Tango lang ang sinagot ko.

His Wife for 30 DaysOnde as histórias ganham vida. Descobre agora