Prologue

8.5K 96 1
                                    

"Andyan na ang panget na classmate natin oh"

"Uy Heart, may tanong kami sayo"

"Ano yun?"

"Ampon ka ba?"

"Hinde. Bakit?"

"Kasi ang panget mo eh. Maganda at pogi naman ang parents mo pero panget ka! Panget!"

"Maam, I have a question po"

"What is it Lisa?"

"Bakit po ang panget niyo?"

"Hahahahahahahaha" tawa ng buong klase ko. Hays. Mga bata nga naman.

Patuloy ang pagsagot ng mga estudyante ko sa kanilang exam habang ako naman ay nakaupo lang sa harap. Natawa ako ng bahagya dahil sa mga alaala ko sa nakaraan. Mabuti na lang at nasa college ang mga tinuturuan ko kaya nabawasan ang mga nangungutya sa akin.

Ako si Heart Buenavida, isang simpleng mamamayan na hindi nabiyayaan ng kagandahan. Hirap sa buhay pero nakakaya naman namin dahil tulong tulong kami. Kahit na isa akong guro ay hindi sapat ang aking salary dahil naipambabayad utang namin iyon.

Riiiiinnnnggggggg.....

Tuwang tuwa naman ang mga estudyante ko dahil nag bell na.

"Okay class, put your paper on my desk. We will continue the exam until tomorrow. No more extension. Class dismiss"

At habang isa isang tumatayo ang mga bata ay isa isa rin silang lumalapit sa gawi ko para ipasa ang papel nila. At nang nakalabas na ang lahat ng estudyante ay napatingin ako sa orasan ko, 4:30 na ng hapon malapit na ako mag out sa trabaho.

Dinala ko lang ang mga papel sa faculty.

"Oh mga mare, tara na tara na. Baka magaya pa ang mga face natin dyan sa panget na yan"

Dinig kong sabi ng isa kong ka co teacher. Hays, hindi na siguro mawawala ang mga taong mapangkutya sa buhay ko. Kakambal ko na ata sila eh.

After ko iayos ang mga gamit ko ay nag time out na ako at lumabas. Since hindi pa ako kumakain ng lunch, I decided na kumain muna kahit sa fast food na lang.

Pagkatapos kong makuha ang order ko ay may nakabangga sa akin, buti na lang at hindi ko siya natapunan ng kahit ano bagkus sakin iyon tumapon. Hays. Panibagong kahihiyan na naman.

"Oh Im so sorry dear!" Sabi ng mayamang matanda habang pinupunasan ang damit at mukha ko. Hinawakan ko ang kamay niya para tumigil siya.

"Ayos lang po ako maam. Wag na po"

"No, no, it's not okay. My god! Im so sorry, uhm, I'll buy you clothes na lang. " at sumenyas sya sa bodyguard niya

"Naku, wag na po maam. Okay lang po talaga ako."

"No, I insist hija. I'll also get you another meal. Im so sorry talaga hija."

At naupo na kami sa isang table. Maya maya pa ay dumating na ang pagkain namin.

"I'm so sorry talaga. I was in a hurry kanina kaya I didn't notice you. Sorry talaga. Uh, please change your clothes hija."

"Ayos lang po iyon maam. Hindi niyo na nga po kailangan na bigyan pa ako ng damit. Nakakahiya naman po"

"Oh, it's okay hija. By the way, what's your name? You're a teacher right?"

"Ah, opo, college teacher po ako. Heart Buenavida po ang pangalan ko"

His Wife for 30 DaysWhere stories live. Discover now