Day 5: Their Mother

2.6K 53 3
                                    

Day 5...

Masyado pang maaga nang ako'y magising. Pero hindi na ako makatulog ulit. Medyo nauuhaw ako kaya lumabas na ako ng kwarto.

Pagtapat ko sa may library ay nakaawang ang pinto at may nag uusap.

"Miguel, sa dinami dami ba naman ng babae sa mundo bakit yang Heart pa na yan?"

"Ma, ano bang mali kay Heart? Maganda naman siya. Mabait at matalino. She's actually a teacher. Pinahinto ko lang siya para mabantayan sila Jayden."

"That's not your reason. Alam ko may iba pa."

"Ma naman, ano pa ba ang pwedeng dahilan?"

"Dahil kamukha niya si Bianca. I know kaya siya ang pinili mo dahil iniisip mo sa kanya si Bianca. Anak, itigil mo na lang ito."

"Ma, tanggap ko na na patay na si Bianca."

"No you don't. Kung ayaw mo to itigil ako mismo ang gagawa ng paraan para umalis siya sa buhay niyo"

Pumasok na ako sa kwarto ko. Nasasaktan ako. Bakit? Hindi pwede to.

Nang tuluyan nang mag umaga ay naligo na ako. Nagsuot lang ako ng isang jeans at shirt.

*knock*knock*

Paglingon ko sa pintuan ay bumungad si Miguel.

"Good morning Heart" nakangiting bati ni Miguel at humalik sa noo ko.

"Is there a problem, Heart?"

"Huh? Wala... wala."

"Okay. Wala akong pasok today. Where do you want to go?"

"Ha? Eh, ikaw bahala"

"Tch. Masanay ka na sa ganito Heart. Lalo na sa mga bata. Mahilig kasi sila mamasyal. Since may trabaho ako, ikaw ang madalas nila makakasama."

"Ah.."

"Daddy!!!"

"Hi babies!"

"Hi new mommy!"

"Hi Jayden, Duxe"

"Are we going now daddy?"

"Hindi ko pa kasi napapapayag ang mommy niyo eh"

What? Ang alam ko sinabi kong siya na ang bahala...

"Why new mommy? Are you sick?"

"Ah, no Jayden. We're going na. Let's go"

Nauna na sa labas ang mga bata.

"You can wear dress Heart. We'll wait you downstairs" at hinalikan niya ako sa pisngi at tuluyan nang lumabas.

Bumalik ako sa closet ko at pumili ng isusuot. Isang off shoulder dress na lang ang isusuot ko.

Pagbaba ko ay naabutan ko ang pagdating ng mama ni Miguel.

"Where are you going?"

"Mamamasyal kami ng mga bata"

"Kasama si Heart?"

"Yes ma. Is there a problem?"

"Yes there is. Diba napag usapan na natin iyan kagabi Miguel!"

"Ma, she's their mother already. Pwede ba itigil niyo na yang ginagawa niyo"

"She's not their mother! Bianca is only their mother!"

"Ma, patay na si Bianca! Nandito na si Heart. Kasal na kami. And malamang she's now their mother!"

"Ma, why are you and daddy yelling?"

"It's nothing Jayden. Let's go"

Hinila na ako ni Miguel pati na si Jayden. Nasa sasakyan na daw si Duxe.

"Where are we going, daddy?"

"We'll going to enroll you two on your new school!"

"Really daddy? Does it mean we will have classmates na? And we will travel to go to school? And meet other children like us?"

"Yes Jayden. And after we enroll you we will buy things you'll be needing"

Pansin at ramdam ko ang tuwa kay Jayden pati na kay Duxe kahit hindi sya magsalita. Sa simpleng pag ngiti lamang niya ay mapapansin mo na ang excitement.

Kuwento sa akin ng yaya nila ay hindi pa sila nakakapag aral sa paaralan dahil home school lang sila. Ayaw daw kasi ni Bianca na mahiwalay sa mga bata.

Agad kaming pumasok sa dean's at principal's office para asikasuhin ang papers ng mga bata. Since Saturday ngayon ay college students lang ang nandito.

"Why are we going to study at an older school?"

"This is not an older school Jayden. This a university where pre school, grade school, high school and college are accepted."

"Then why they are all ate's and kuya's?"

"Because today's Saturday. Pre schoolers to high schoolers only go to school from Monday to Friday."

"But why do we study even on Saturdays and Sundays before?"

Mukhang hindi na alam kung ano ang isasagot ni Duxe sa kapatid nito.

"Uhm, Jayden, you go to school everyday before because you only study for 3 hours a day while here in school, students spends 5 or 6 hours to study."

"Really? So it's tiring going to school?"

"Jayden just shut up okay. We need to go to school. I'm sure it's fun" Duxe said with a little grin on his face.

"Good morning Dean. They are my son, Jayden and Duxe and this is their Mother, Heart Pelaez.... "

At nag usap na sila tungkol sa pag transfer ng mga bata. Kailangan na din namin mamili ng mga gamit nila dahil almost mid na ng secondperiod of this school year. Although naka home school sila, mas maganda daw kung makakasabay na sa klase yung dalawa.

Matagal din bago kami natapos makapamili ng gamit nila dahil ang dami nilang gusto. Kaso yung gusto nila is either bawal sa school o hindi kailangan. Hindi kasi pinalaki ang dalawang bata na spoiled which is maganda.

Gabi na nang matapos kami kaya pagdating sa bahay ay nakatulog agad ang dalawang bata pati na ako dahil sa sobrang pagod.

Hindi ko alam kung ilang beses ko na narinig na ipinakilala ako ni Miguel as the two children's mother. Im now their mother...

His Wife for 30 DaysWhere stories live. Discover now