Day 8: Maid

2.7K 55 0
                                    

Day 8...

It's 4am in the morning. Still, I can't sleep. Mula kahapon hanggang kagabi ay hindi ako tinigilan ni Miguel.

Sinasaktan, binubugbog at ginagamit sa kama.

Ganon kaya sya makipagtalik kay Bianca?

Naramdaman ko naman ang mga kamay ni Miguel na yumakap sa bewang ko. Malalim ang tulog niya kaya kahit alisin ko ang kamay niya ay hindi niya ito mararamdaman.

"Bianca..."

At muling tumulo ang mga luha ko. Sising sisi ako sa naging desisyon ko. Sana pala ay hindi ko na lang tinanggap ang pabuya nung matanda. Sana tahimik ang buhay ko ngayon. Sana masaya lang akong nagtuturo sa mga estudyante ko. Sana kasama ko ang pamilya ko. Ang totoo kong pamilya.

Pinalaki ako ng mga magulang ko na gumagawa ng gawaing bahay. Kahit sino ay dapat tulungan, matanda, bata, mayaman o mahirap. Wala tayong karapatan saktan ang sinoman. Hindi rin ako pinalaki ng mga magulang ko na pinapalo o sinasaktan kapag nakagagawa ng mali. Pangaral lamang ang kanilang disiplina.

Lahat ng itinuro ng mga magulang ko ay ibinabahagi ko din sa aking mga estudyante.

Hindi pala porket mayaman ka na at kaya mong kunin ang lahat ay perpekto na ang buhay mo. Aanhin mo ang maraming pera kung malungkot ka? Aanhin mo ang mga materyal na bagay kung hindi kayo magkasundo sa pamilya? Ang pera ay nauubos. Pero ang mga taong nagmamahal sayo ay laging nandyan sayo at nakaagapay. Handang tumulong sayo anomang oras. Laging nandiyan kung malungkot o masaya ka.

Napatigil naman ako sa pagiisip nang muli kong naramdaman ang kamay ni Miguel at inilapit pa niya ang ulo niya sa balikat ko. Mahihirapan tuloy ako sa pagalis ng kamay niya.

"Sorry... I'm sorry Bianca..."

Pinilit ko na na alisin ang kamay ni Miguel at lumayo ng kaunti pero ang higpit na ngayon ng kamay niya sa bewang ko.

Napapikit na lang ako habang tahimik na lumuluha. Napatingin ako sa orasan, 5 na ng umaga.

Nagulat naman ako sa biglang paghalik ni Miguel sa pisngi ko. Gising na pala siya.

"Why is your cheeks wet? Did you cry?"

Iling lang ang isinagot ko.

"I'm sorry Bianca."

Huli niyang sinabi bago sya tumayo at pumasok sa banyo.

Sino ka ba talaga Bianca? Pano ba kita makikilala?

Bumangon na ako at dahan dahang lumabas. Agad akong pumasok sa banyo ng kwarto ko.

Nagsuot ako ng isang jeans at shirt. Ipinusod ko ang buhok ko at napatulala muli...

Hanggang kailan ko ba dadanasin ito? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang ako? Napatingin naman ako sa picture frame na nasa bedside table ko. Ang picture namin ni Miguel nung kinasal kami. Weak smile ang akin samantalang emotionless ang kay Miguel. Itinaob ko ito.

Hindi ito pwede. Hindi naman namin mahal ang isa't isa. Dapat ay itigil ko na ang pagiyak ko. Aalis din ako. 22 days na lang ang natitira. Pero ni isa ay wala pa akong alam sa babaeng kinuhanan ng mukha ko.

*knock*knock*

"Come in,"

"Good morning mommy! Let's eat breakfast na po"

"Okay. Susunod na lang ako Jayden."

"Okay mommy! Be sure na you'll eat with us" hinalikan ako ni Jayden sa pisngi at umalis na din.

His Wife for 30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon