Day 14: Family Bonding

2.6K 51 0
                                    

Day 14...

Pagmulat ng mata ko, nakita ko agad si Duxe na sobrang higpit ng yakap sakin habang natutulog.

Kagabi ay pahirapan sa pagtulog si Duxe kaya lumabas pa kami at nagikot ikot para mapagod sya at makatulog. Mabuti na lang at sa pagkain ay hindi sya mapili.

Ngayon ay araw ng Linggo. Family day. Nakagawian na namin ang maagang pagsisimba. Pagtayo ko ay siya namang pagmulat ng mata ni Duxe.

"Sorry Duxe. Did I wake you up?"

"Nope. Where are you going?"

"Ah, we're going to church. And its family day today!"

"Okay."

At matapos ang almusal namin ay tumulak na kami pasimbahan. Sa pagkakaalam ko ay dito din nagsisimba sila Duxe.

Matapos ang misa ay kumain kami sa karinderya. Sa una ay sabi ko na sa fastfood na lang kami ni Duxe dahil baka ayaw niya sa carinderia pero okay lang daw. May seafood allergy si Duxe kaya beef steak ang inorder namin para sa kanya samantalamg isang order ng sinigang ang sa amin ng pamilya ko.

At tulad ng nakagawian, pumunta kami sa tiangian. Si nanay at tatay naman ay sa palengke kasama na din si Russel. Binilhan ko silang lahat ng damit. Pati na din si Duxe kahit sa tingin ko ay may skin allergy sya sa mga ganitong damit.

Matapos ang pamimili ay tumambay na kami sa park. Sila nanay at tatay ay naglalakad lakad, si Russel naman ay nasa playground at kami ni Duxe ay naiwan sa picnic place namin.

"This is what you do during family day?"

"Yes. Its so simple but we're happy"

"This is fun. I cant call our family day a family day. Kasama nga namin si daddy pero business pa rin ang inaatupag niya. Puro sila Yaya lang ang nafefeel namin ang presence. Kapag may gusto kami ay inaabot niya lang card niya... hindi man lang niya tignan kung safe ba yung gusto namin o baka may iba pa kaming gusto"

"Para sa inyo din naman ang ginagawa ng daddy niyo. Wag ka sana magtaanim ng sama ng loob sa kanya... Im sure he's doing his best to be a good father to you. Nahihirapan lang siyang ipakita iyon dahil mag isa lang siya sa pagtataguyod sa inyo."

"But your now his wife. You can be his life partner...right?"

"I dont know Duxe. Your daddy truely loves your mother and I think that love wont fade."

"Yeah right. If its not you maybe its ms Lexy..."

"Its okay Duxe. Maybe ms Lexy is a good person. She can be a good mother to you"

"She wont. She only needs daddy. She was with dad eversince mommy died. But she never cared to us"

"Its okay Duxe. You can always come here to me"

Niyakap niya ako.

"Heart anak, uwe na tayo malapit na gumabi"

Pagdating sa bahay ay gulat kaming lahat sa presensya ng buong pamilya ni Miguel.

"Duxe, apo!"

Akmang lalapit si Señora at agad ding napahinto dahil nagtago sa likod ko si Duxe.

"Duxe, sumama ka na sa kanila. Its for your safety naman"

"But..."

"Please?"

Matamlay naman na lumapit si Duxe.

"Pasensya na po kayo señor, señora at mr Pelaez. Hindi po namin intensyon na itago dito si Duxe. Makakaalis na po kayo"

"Heart, lets talk. Bakit ka umalis ng bahay?"

"Pasensya na po pero dito po ang bahay ko..."

"Dahil ba ito kay mama? Tell me"

"Wala pong kinalaman si señora sa pag alis ko."

"Then why did you leave us? Is it me? Is it Lexy?"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Lexy? Akala ba niya nagseselos ako sa kanila? No way. Magsama pa sila kung gusto nila. Walang pipigil sa kanila.

"No Mr Pelaez. It my personal decision to leave"

"Heart, please, umuwe na tayo. Sa bahay natin... I promise to be a good husband to you. Just dont leave us"

Nakaluhod na sabi ni Miguel.

"Heart, hija, please, kailangan ka ng anak ko. If its about my attitude towards you before, Im really sorry. Ayoko lang na magulo ang buhay mo dahil sa pamilya ko. But tanggap kita. Tanggap kita bilang asawa ng anak ko at ina ng mga apo ko"

Alam kong bastos pero umalis ako sa harap nila at pumasok sa kwarto ko.

Ano ba ang dapat kong gawin?

"Heart, anak,"

"Nay"

"Sinasaktan ka ba nila?"

Alam kong magsisinungaling ako kung sasabihin kong hinde.

"Mahal mo na ba?"

Mahal ko na nga kaya si Miguel?

"Anak, tandaan mo, walang perpektong relasyon. At lalong walang perpektong tao. Isang malaking pagkakamali ang pananakit nila sa isang mabuting tao tulad mo na may mabuting hangarin para sa kanila. Kahit anong maging desisyon mo ay susuportahan ka namin..."

Para sa mga bata, sige sasama na ako...

Matapos kong ayusin ang mga importanteng gamit ko at mapalis ang luha ko ay lumabas na ako.

Tumayo agad si Miguel nang makita akong lumabas ng kwarto bitbit ang gamit ko.

Hiwalay ang sasakyan namin sa mga magulang ni Miguel. Dahil gabi na din ay tulog na ang dalawang bata. Sa akin natulog si Jayden samantalang nasa gitna namin ni Miguel si Duxe na ang ulo ay nasa balikat ko.

Nagulat naman ako sa paghawak ni Miguel sa kamay ko. Agad ko naman inalis ang kamay ko. Pansin ko na napalingon sya sa ginawa ko. Nagpanggap na lang akong nakatulog na din.

His Wife for 30 DaysKde žijí příběhy. Začni objevovat