Day 22: Best Mom

2.5K 60 0
                                    

Day 22...

I woke up in an empty Saturday morning.

*knock*knock*

Lumapit naman ako sa pintuan para malaman kung sino ang kumakatok

"Magandang umaga madame! Handa na po ang breakfast! Gusto niyo po bang ihatid na lang dito ang pagkain niyo? Bilin po ni sir Miguel ay makakain na po kayo ngayon dahil hindi po kayo nakakain kagabi"

Oh right.

"Sigi po, pakihatid na lang po dito. Paki iwan na lang po sa mesa, maliligo lang po ako"

"Sigi po madame!"

Looks like no one really cares. Nagsawa na siguro sila. Can't they just let me go? Im so tired of the situation!

Wala sa sarili ay natapos na ako maligo. Isang leggings and sweat shirt ang sinuot ko. Balak ko mag ikot ikot sa subdivision ngayong umaga.

Matapos ang pag aayos sa sarili ko ay kumain na agad ako. Fruit and vegetable salad ang breakfast and may maternity milk siguro ito. Napatingin naman ako sa tyan ko.

Hays. Konting tiis na lang baby ha. 8 days na lang. 8 days na lang at matatapos na ang suffering ni mama mo dito. Sana maintindihan mo kung bakit ayokong kasama ang daddy mo, pero hindi naman kita ipinagkakait sa kanya.

Matapos kumain ay binaba ko na ang pinagkainan ko at dinala sa kusina. Tahimik ang buong bahay. Tanging mga kasambahay lang ang nandito.

"Naku, madame! Sana po ay ipinatawag niyo kami. Nadumihan pa ho tuloy ang kamay niyo"

"Ah hindi naman po. Okay lang po iyon."

Tinanguan lang ako ng kasambahay at lumabas na ako sa kusina. Bago pa ako tuluyang makalabas ay narinig ko si Miguel.

"Nasaan si Heart?"

"Ah, kanina po ay nandon po siya sa kwarto niya. Wala na po ba sya doon?"

"Wala. Hindi niyo ba siya nakita dito?"

"Sandali po sir at itatanong ko po sa iba"

Agaran namang kumilos ang kasambahay. Si Miguel naman ay naupo na sa dining.

Dahan dahan naman akong naglakad palabas ng kusina patungo sa backdoor ng mansion.

"Heart," napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni señora

"Se---señora,"

"Saan ka pupunta?"

"Magpapahangin lang po sana"

Marahan naman siyang tumango. Bakit ako kinakabahan? Ugh! Eh kasi naman eh! Yung tono ng pananalita niya ay tila gusto niya akong kausapin ...

"Pwede ba tayo mag usap?"

"O---opo" tumango sya ulit at nauna naglakad palabas ng mansion at nagtungo sa garden kung saan may waiting area. May nakasunod pala saming kasamabahay na may dalang tsaa at fruit shake.

"Gusto ko lang malaman ang totoo, si Miguel ba ang ama ng dinadala mo?"

Sabi na nga ba. Pero malalaman naman ni Miguel kung sasabihin ko kay señora.

"Kung natatakot ka lang matali kay Miguel ay wag ka na mabahala. Tulad ng sabi ko, habang nagbubuntis ka lang, para lang sa malusog na paglaki ng bata. After you give birth, then you can go."

"Pasensya na po señora sa pagsisinungaling ko. Ayoko lang naman po makagulo pa sa---"

"Hindi ka nakakagulo ng kahit ano o ng kahit sino. Mas gugustuhin ko pang ikaw ang makasama namin kaysa sa Bianca na yon"

His Wife for 30 DaysWhere stories live. Discover now