Day 16: Unloved

2.6K 53 0
                                    

Day 16...

"You may leave" bungad sakin ni Miguel matapos kong magbihis. Kasama niya si Bianca na parang linta kung makakapit.

Gulat man ako ay wala naman akong magagawa.

"Mi, ibigay mo na yung annullment papers"

Mukhang ayaw pa iabot ni Miguel kaya si Bianca na ang nag abot, may kasamang ballpen. Excited lang teh?

Tinanggal ko naman ang mga conditions niya na nagbibigay ng pera sa akin matapos itong kasal.

Matapos kong pirmahan ay kinuha ko ang documents ko tapos lumabas na.

"Mommy, where are you going?" Bago pa ako makasagot ay nagsalita na si Bianca.

"Duxe, anak, she is not your mother. I am. She is leaving for good"

"Your not mommy Bianca. Your her identical twin"

"Duxe, watch your words!" Paninita naman ni Miguel.

"What's happening here?" Tanong naman ni señora pagkalabas niya sa kwarto nito

"Mama, pinapaalis na ni daddy si mommy"

"Miguel? What are you doing!? Heart is still your wife!"

"Bianca is already here. Why bother other people?"

"Miguel!How can you say that? Hindi mo man lang ba minahal si Heart?"

"Ofcourse not"

And that hits me. Syempre, hindi niya ako mamahalin. Ako lang naman ang nahulog.

Nang akmang sasampalin ni señora si Miguel ay pinigilan ko na si señora.

"Señora," napatingin naman si señora sa akin.

"Mauna na po ako," at agad na akong bumaba.

Tahimik naman ako buong byahe. Hindi ko alam kung bakit wala akong mailuha. Siguro ay pagod na ako.

Pagpasok sa bahay ay nagulat sila nanay. Agad naman nila akong niyakap.

Matapos ang mahabang pagkukuwentuhan ay nagpahinga na ako samantalang naghahanda sila nanay para sa tanghalian.

Lumabas na ako sa kwarto para tumulong sa gawain.

"Tao po!"

Napalingon naman kami ni nanay sa pinto. Wala naman kaming inaasahan na bisita. Si nanay na ang nagbukas ng pinto.

"Ano pong ---señora Pelaez?"

"Magandang araw, nandyan ba si Heart?"

"Ah...opo. Hali po kayo, tuloy po"

"Heart,"

"Se---señora, ano pong kailangan niyo?"

"Heart, bumalik ka na sa mansion. Please. Kailangan ka namin..."

"Hin---hindi po ba nandoon naman na po si Bianca?"

"Hindi siya si Bianca. I already convinced Miguel na ulitin ang DNA test. Nararamdaman ko na relative lang siya ni Bianca. Ginagamit nila si Bianca para perahan ulit kami."

"Ipagpaumanhin niyo po señora, pero ayoko na ho ibalik sa inyo ang anak ko. Naiintindihan po namin ang sitwasyon niyo pero sana intindihin niyo rin po ang sitwasyon ng anak ko. Kung hindi po sa Bianca na yan ay doon naman po sa Lexy na yon nasasaktan ang anak ko. O mismo sa anak niyo"

"Nay,"

"Anak, hindi na pwede yang ginagawa nila sayo. Tutal nagpirmahan na kayo ng annullment papers ay mas okay na. Hindi na kayo pare parehong mahihirapan."

"What!? Pumirma ka sa annullment paper? Heart, please, nagmamakaawa ako sa iyo."

"Pasensya na po señora pero si Miguel na din po ang nagdesisyon na maghiwalay na kami"

"Kung wala na po kayong sasabihin ay makakaalis na po kayo señora"

Ayaw man umalis ay napilitan na sya dahil na din hindi niya ako mapipilit.

Third Person

Hindi alam ni Miguel na sya ay ginagayuma lamang ni Ella. Ang identical twin ni Bianca.

"Ma, sigurado ka ba na gagana ito kay Miguel?"

"Oo anak. Basta magpabuntis ka na din para wala na syang kawala sa atin. Ewan ko ba dyan sa Bianca na yan kung bakit pa niya pinakawalan si Miguel"

"Gano naman katagal ang epekto nito?"

"Isang linggo. Kaya sa sabado ay umuwe ka dito para mabigyan kita ng panibagong gayuma"

Hindi mawala sa isip ni Miguel ang pag alis ni Heart. Hindi totoo ang sinabi niya na hindi niya mahal si Heart.

Habang nasa opisina, hawak hawak at tinititigan niya lang ang wedding picture nila ni Heart.

"Heart, im sorry... sana magkita pa tayo..."

Mabuti na lang at siya ang may hawak ng annulment papers. Hindi niya iyon ibinigay sa abogado nila. Sinabi niya lang kay Ella na binigay na niya para matahimik ito.

Gabi na ng umuwe si Miguel. Hindi tulad noon na naabutan pa niya ang oras ng hapunan.

Tulad ng nakagawian, nasanay na si Miguel na masayang sasalubong sa kanya ang dalawang anak pero nagtataka siya ngayon dahil wala nang tao sa sala nila kaya napagdesisyunan nito na akyatin sila sa mga silid nila.

Ang magkapatid ay nagkukulong sa kanilang study room.

"Jayden, Duxe,"

Dahil sa nangyare ay binigyan lamang nila ng isang sulyap ang ama at ipinagpatuloy ang pagsagot sa assignment nila kahit hirap na hirap na sila. Sinubukan nilang humingi ng tulong kay Ella pero pinaalis lang sila sa silid nito.

Sinubukan naman tawagan ni Miguel si Heart pero hindi ito sumasagot kaya iniwanan niya na lang ito ng text message.

Heart,

Can you please go here tomorrow? Kahit para sa mga bata? Please.

His Wife for 30 DaysWhere stories live. Discover now