Day 21: Happy Housewife?

2.6K 61 1
                                    

Day 21...

I suddenly feel lonely the morning I woke up.

Hi there my baby...Im sorry baby I have to lie to your dad. Ayoko lang na magulo pa ang buhay natin...stay still there baby kahit anong mangyare please dont leave me. I'll do everything to give you a better and happy life.

I started preparing myself. Gusto ko pa rin ipagpatuloy ang pagtuturo. He just wanted me to stay here but we're not in the contract anymore.

*knock*knock*

Paglingon ko sa pinto ay agad itong bumukas.

"Mommy Heart!" At agad na lumapit sakin ang dalawang bata.

"Daddy said we're going to have a baby sister? Is it true mommy?"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Jayden. Sister? Hindi pa naman alam ang gender ng baby...

"Its true but its not yet sure if its a baby sister Jayden. "

"Really? Then Im going to be a kuya na!"

Kinausap naman niya ang baby sandali kaya medyo nawaglit sa isip ko ang mga problema. Friday ngayon kaya excited ang dalawang bata dahil maaga ang uwian nila tuwing Friday.

"Madame saan po ang lakad niyo?"

"Ah, sa school sana."

"Pero bilin po ni sir na wag po kayo magpapagod"

"Okay lang ho ako. Gusto ko din po na lumabas para makalanghap ng hangin"

"Tatawagin ko lang po si sir"

"Wag na po. Hindi din po ako magtatagal. Mamayang ala una ay babalik rin po ako"

"Pero madame"

Nginitian ko lang siya at nauna na sa paglalakad.

Paglabas ko naman ay ipinatawag ako ng isang taxi ng security. Ang gusto pa nila ay ihatid na lang ako pero tumanggi ako.

Mabilis na natapos ang araw ko. Lunch time na ngayon kaya nandito kami sa faculty.

"Kamusta ka na Ms Buenavida?"

"Mabuti naman. Kayo?"

"Ayos lang din naman. So happy housewife na ba iyan patungo?"

Napatigil naman ako sa pagkain. Happy housewife? Am i that happy? No. I know Im not. And a housewife? No. I dont want to just be a housewife. I need to work for our future. Lalo na para sa future ng anak ko.

"Im happy. But I wont stop teaching."

"Oh, thats a good idea. Will your husband allow you?"

"No one can stop me. Besides its for our future. My childs future"

At nagpatuloy na kami sa pagkain. I rested for an hour while doing my lesson plan and visuals. Ni hindi ko namalayan ang oras.

Its now 3 in the afternoon. Tapos na din ang klase ni Mike. Nagsimula naman na akong magayos ng gamit at maghanda sa paguwe.

"Uwe ka na Heart?"

"Ah, yes. I also need to rest."

"Hatid na kita?"

"Uhm, no. Hindi na. Malayo na din kasi ang inuuwian ko. Nakakahiya naman"

"So, where do you live now?"

"Ah sa may bandang katipunan."

"I can drop you by there. Sa Makati naman ang punta ko eh"

"Oh. Hindi na talaga. I can just ride a taxi"

"Okay. If you say so. By the way, where's your husband? Isn't he going to pick you up?"

"He is...busy."

"Oh, work? Well, if I were him, I will choose my wife and child overwork. Lalo na sa sitwasyon mo. You work here at QC then you live at katipunan. You know its kinda dangerous"

Wala akong masabi. I understand his point. But I cant blame him. He is the president of his own company. Im just a hassle.

Pagbaba ng taxi ay agad namang nagbukas ang gate at binati ako ng guard.

Pagpasok ko sa mansion ay sumalubong agad sakin si Aly.

"Good afternoon madame. Its good that you're back. Kanina pa po kayo inaantay ng mga bata"

Binati ko lang din sya at umakyat na sa kwarto ko. Nagbihis ako at naupo sa dresser table ko. Marahan kong sinusuklay ang hanggang below the chest na haba ng buhok ko.

I want to leave this place. I want to live normally. Na walang kahit na anong pangungutya. Tanggap ko pa ang mga panlalait sa itsura ko pero hindi na ang pangungutya pa sa katauhan ko...lalo na sa anak ko.

"Mommy?"

Nagbalik ako sa sarili dahil sa narinig ko.

"Mommy are you done? Can you help us na with our assignments? I also have projects."

"Okay. Susunod ako Jayden"

Matapos ko pakalmahin ang sarili ko ay nagtungo na ako sa study room ng dalawang bata at naabutan silang nagtatalo.

"Kuya give me back my test paper! I dont want that mommy see it!"

"We need to show her this Jayden. I'll also show mine."

"No kuya. My score is too low!"

At dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan nila ay pumagitna na ako.

"Its okay Jayden. Let me see it, please?"

"Okay"

Too bad sobrang bagsak nga ang scores nila.

"Its alright Jayden, Duxe. This will serve as a challenge for you. The next time you'll have an exam, you need to excel with this score."

"We're sorry mommy for failing you. We promise this wont happen again"

"Okay. So let's start studying na."

Nagbasa basa na kami ng lessons nila at nagprepare naman ako ng ikang seatwork para sa kanila at matest kung may naintindihan sa lesson nila for today.

After ko macheckan ang seatworks nila ay nagmiryenda na kami. Tulad ng nakagawian ay may 1 hour free time sila. Si Jayden ay naglalaro samantalang gumamit naman si Duxe ng kanyang psp.

Habang pinagmamasdan sila ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa studyroom nila. Nagising ako sa isang haplos sa pisngi at sa tyan ko.

"Let's have dinner. I'll just change my clothes"

Tinanguan ko na lang siya. Paglabas ko sa study room ay siya namang pagakyat ni Bianca. She's in a red off shoulder gown with a belt of Mrs Pelaez.

"Oh? Nandito ka pala? Have you seen the photos? Ako ang isinama ni Miguel sa event kanina. And introduced as his wife."

I dont know what to say. I just know Im hurt. I dont know why. Kaya imbes na bumaba ay dumiretso ako sa kwarto. At nagkulong. Nakita ko din dito ang duplicate key. Buti naman at naiwan ito dito sa loob. I dont know what to do.

Señora also dislikes me now. She already believed what i said at the hospital, that Miguel isn't the father of my child. No wonder they can be easily fooled.

"Heart? Please open this door. Let's have dinner na."

Hindi ko pinansin ang pagkatok niya. Hindi naman ako gutom. Ayoko naman pabayaan ang baby ko pero wala talaga akong gana para harapin sila.

I cant live a happy life. I cant be a happy housewife. I need to sacrifice my happiness for the sake of the others. I need to work for my childs future...

His Wife for 30 DaysWhere stories live. Discover now