Teka nga lang muna, ilang taon na ba si Ramon?

Kung bata pa ito, eh, naghahanap pa ito ng gelfrend.

Pero, kung masyado naman itong matanda, kaya ba gusto nito na tawagin siyang Daddy dahil gusto na nito magkaanak?

Baog ba si Roman?! Naku! Malaking problema pala ang pinagdadaanan nito ngayon!

Kung saan-saan na yata ang mga naiisip niya kaya nakinig na lang siya sa paguusap ng dalawa.

"Mister Manicci, we checked Alana's test results and sad to say, hindi siya pwede qualified to jump to Senior High School. Her language skills are not fully develop at kahit mga simple questions hindi rin niya kaya pang sagutin."

"Ganoon po ba? Is there something a possible way para malagay siya sa class na hindi masyadong mataas ang agwat niya kasama ng mga estudyante."

"Yes. Kahit illiterate siya sa mga test niya ngayon, may nakikita naman kaming malaking potential sa kanya. Grade six ang natapos niya so pwede po siya mailagay sa Grade nine. Para sa ganoon, dahan-dahan na maa-adjust ni Alana ang sarili sa academics and skill."

"Yes but, she's already eighteen years old."

"Yes, Sir Manicci. But, age does not the basis na alam na ng tao ang mga bagay na hindi pa niya natututunan. Alana's mind is not like any other eighteen year old girls. I'm so sorry to say pero ito lang po ang kaya kong maitulong sa inyo."

Napahinga ito ng malalim. "I understand. As long as she can start schooling as soon as possible, iyan lang ang importante sa akin ngayon."

"We can help you arrange her enrollment papers. Submit lang po kayo ng mga personal documents niya and 'pag maaga natin natapos, next week pwede na po siya mag-start ng kanyang first day of school. We will assure you Mister Manicci, Alana is in good hands here and we will make sure also na marami siyang matututunan."


[ALANA]

Pagkatapos ng paguusap ni Roman sa school director ng eskwelahan, lumabas na sila at nilibot ang buong lugar. Kitang kita na hindi ito simpleng eskwelahan lang. Masyadong malawak at ang gaganda pa ng mga gusali! Ito na siguro ang pinakamagandang eskwelahan na nakita niya. Halatang mga mayayaman lang ang pwedeng mag-aral dito.

"Alana?" tawag sa kanya ni Roman. "Ayos lang ba sa'yo na magsisimula ka sa grade 9? Hindi ka pa kasi pwedeng mailagay sa Senior High dahil ang sabi ng teacher, hindi mo pa raw kaya ang mga aralin kapag ilalagay ka agad doon."

"Ayos lang naman sa akin." Sagot niya. "Hindi naman ako namimili o nagmamadali. Tiyaka, hindi naman ako ganoon katalino kaya kahit saan ako ilalagay ayos lang sa akin basta't makakabalik na ako sa pagaaral."

"Gustong-gusto mo talagang makabalik sa pagaaral, ano?"

"Siyempre naman!" agad sagot niya rito. "Iyan lang kasi ang gusto ni Mama para sa akin. At ang sabi niya na kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, makakahanap siya ng desenteng trabaho at makalikom ng maraming pera. At kapag nakapagipon na ako, makakabili na ako ng kahit anong gusto ko."

"Really? That's nice. So kapag natupad mo na 'yan, ano ba ang un among bibilhin kapag marami ka ng pera?" tanong nito.

"Kuwan, gusto mo bumili ng maliit na bahay para sa aming dalawa ni Mama. Maliit na kubo kasi ang tirahan namin at nangangapa ako kapag maraming tulo sa bubong 'pag masyadong malakas ang ulan lalo na kung may dadaan na bagyo. Tiyaka, ipapa-check up ko din siya para gumaling na ang sakit niya. Pero, 'di na mangyayari kasi wala na siya."

"Mahal mo talaga ang Mama mo."

"Sobra." Sobra pa sa buhay niya. Nakakalungkot man na nawala ito sa mismong kaarawan niya, kailangan niyang tanggapin sa kanyang sarili na hindi habangbuhay makakasama niya ito at kung nasa langit na ang kanyang ina at binabantayan siya, masaya na siya.

"Don't be sad. Hindi ka dapat maging malungkot ngayon. 'Di ba babalik ka na sa pagaaral at kung nakikita man ito ng Mama mo sa langit, I'm sure masayang masaya siya para sa 'yo. At huwag kang magaala, sa abot ng aking makakaya tutulungan kita maabot ang gusto mo at sa mama mo."

Pinagmasdan niya si Roman. Talaga bang sa isang estrangherong kagaya niya tutulungan siya nito? Nakakahiya.

Kahit iniwan siya ng kanyang ama kay Roman, bakit mas nararamdaman niya ang pagiging ama nito kesa sa tunay niyang ama? Talaga bang gusto na ni Roman na magka-anak kaya siya aampunin nito?

"Listen, alam mo naman na hindi ako ang tunay mong ama. Wala akong asawa lalo na wala pa akong anak. Sa tanong mo kung aampunin ba kita, yes totoo ang sinabi ko. Hindi ko ito ginagawa dahil sa awa kundi dahil gusto kong makuha mo ang gusto mo sa buhay."

"Kaya ba bigla ka na lang nagsabi na tatawagin kitang "daddy"?"

"Ye-yeah. Sorry kung nabigla ka sa sinabi ko. Nabigla lang din ako bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko. Um, ikaw kung gusto mo akong tawaging "daddy" o kahit hindi na. Nasasayo na kung ayaw mo. Well, I'm old enough to be a father so---"

"Sige, Da-daddy..."

Tila hindi ito inaasahan na tinawag niya itong "Daddy". Kahit naman siya nahihiya din dahil ibang tao tatawagin niya ng ganito.

"Ahem! Um, gusto mo ba mamasyal? Mahaba pa naman ang oras. Ah! Since malapit ka na pumasok sa school, ngayon na lang tayo bibili ng mga gamit mo. Kung okay lang naman sa 'yo."

"Sige, kung gusto mo. Hindi ko alam kung kakasya ba ang naipon ko sa pagtatrabaho ko sa club para makabili ng mga gamit. Um, pangako babayaran kita paunti-unti."

Napatawa ito at inilagay ang kamay nito sa ibabaw ng kanyang ulo. "Silly. Hindi naman ako papayag na ikaw ang gagastos. Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na ako na ang bahala sa lahat? Huwag mo na problemahin 'yan and itabi mo muna ang mga naipon mo. Baka sa sususnod na may gusto kang bilhin, meron kang naitatabi na pera."

"Nakakahiya naman. Ang dami mo ng naitulong sa akin."

"Of course tutulungan kita because you're... da-dahil anak kita. Ang mabuti pa, bumalik na tayo sa sasakyan para maaga tayong makapag-shopping. Let's go."

Ang bait ni Roman. Siguro kung magkakapamilya ito, ang swerte-swerte ng magiging asawa at sa magiging anak nito.


To be continued...

If you like the story so far, please leave a VOTE (as a support) and COMMENT (what are your thoughts about the story). See you in the next chapter! CHuAmnidah!!!

"Happy New Year everyone! Bagong taon pero balik pa rin tayo sa dating gawi. I hope 2023 would not s*uck HAHA!" –l.x.

The Billionaire's AdoptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon