CRUSH NG BAYAN

Começar do início
                                    

Biglang humarang si Mimi. "Ano eh wala lang ito, Apple. Puwede doon ka muna sa labas..."

Palibhasa matangkad e nakita din naman ni Apple ang naka-sulat. Hinawi tuloy niya si Mimi na nagulat din sa ginawa.

"Pie loves Apple. Totoo ba ito? Nagmamahalan talaga tayo? Mahal mo ako, Pie?" Biglang tanong nito sa kanya na mukhang kumukuha lang ng information.

Si Pie naman e halos lumubog na sa hiya. Kung bakit kasi feeling ni Apple e patay na patay sa kanya ang kaibigan. Lalo tuloy siyang nainis dito ng mapansin niyang kanina pa nakatingin sa kanila ang buong klase.

"Ano titingin ka na lang ba sa akin at di mo ako tutulungang magbura?"

Biglang kinuha agad ni Apple ang hawak niyang eraser. "Umupo ka na sa seat mo, ako na ang bahala dito." At humarap siya sa klase.

"Huwag naman kayong ganyan ke Pie. Ang babae minamahal hindi binabastos. Iiwan ko dito ang eraser sa mesa ng Auntie ko este ni Mrs. Cunanan. Kung sino ang..."

Hindi pa nga siya natatapos sa pagsasalita e may lumapit agad sa kanya at nagulat ang lahat na ito ay isang babae. Si Tina...

"Ikaw ang nagsulat, Tina?" Sa di makapaniwala niyang tanong.

Naka-yuko na ito at halatang nagsisisi sa ginawa. "I'm sorry, Apple."

Kinuha ulit ni Apple ang eraser sa kamay nito. "Nag-volunteer lang si Tina. Ayaw ninyo kasing umamin." At bumulong ito. "Ako na lang, huwag mo na lang uulitin. Buti may meeting pa ang mga teachers kundi na-guidance ka pa. Upo na."

"Salamat, Apple. Hihingi na lang ako ng sorry ke Pie. Di ko talaga sinasadya e."

"Pagkatapos na lang ng klase mo sabihin sa kanya."

After ng klase at nag-sorry nga si Tina ke Pie pero di pa din nawawala ang inis niya ke Apple.

"Buti pa ang ibang tao, ginagalang niya samantalang ako... Wala sa vocabulary niya in short walay lang. Imagine, Mimi. Sinabihan ba naman ako kanina if ever mahal ko daw siya."

"Easy lang may friend, parang Mayon Volcano ka diyan. Kalma lang, Mars."

"Ano pa nga bang magagawa ko? Ako na nga itong inapi and yet kinaibigan pa niya ang Tina na iyon. Talking about being friendly."

Pareho sila ng kaibigan na nakatingin sa group of male friends ni Apple at nandoon din si Tina na kasama ng mga itoHinatak na tuloy siya ni Mimi.

"Alam mo friend, minsan tuloy napapaisip na rin ako na baka nga totoo na may crush ka sa kanya.. "

"Ilusyon mo lang iyon, Mimi. Pati pa ba naman ikaw?" Biglang tanong ni Pie.

"Peace tayo diyan, Mars. Kasama mo ako lagi sa laban mo." Sabay yakap sa kanya ng kaibigan at hawak-kamay silang lumabas ng school.

My Apple Pie (Updating)Onde histórias criam vida. Descubra agora