Chapter 39

24.3K 1K 268
                                    


"Oh my go..." Hindi na natapos ni Ate Alex ang sasabihin nya dahil sa pagkagulat pagkapasok nya sa loob ng kwarto ko. I couldn't even describe the look of her, i can't tell if she is upset or beyond that. "What happened to your room Cassandra Monteralba?" Now i know that my sister is serious by saying my full name. "Bakit.." Luminga linga sya sa paligid. "Nagkalat ang mga beer in can?"

Ngunit hindi ako gumagalaw mula sa pagkakaupo at nanatiling nakatingin sa kawalan. Wala ako sa sarili, wala din akong maramdaman at tila namanhid ang buong pagkatao ko. I feel so drained dahil sa magdamag na paghihintay kay Aubree sa labas ng school namin noong College sa kalagitnaan ng napakalakas na ulan kahit na walang kasiguraduhan kung darating ba sya...

But still, umaasa parin ako na magliliwanag ang isip ni Aubree for the last damn time at siputin ako. Ngunit lumipas ang isa, dalawa at hindi mabilang na oras na kahit anino nya ay hindi ko man lang nasilayan.

Gulong gulo ang utak ko sa napakaraming tanong kung bakit.... Pero para saan pa ba ang mga sagot kung wala narin naman si Aubree sakin.

Ito na siguro ang pinakamahirap na desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko. Ang isuko ang isang bagay na gusto ko pang ipaglaban. Hindi dahil sa ayaw ko na o pagod na ako kundi dahil sobrang hirap lumaban ng mag-isa.

Well at least i know to myself that i did everything kahit na parang suntok sa bwan nalang ang pigilan ang kasal ni Aubree. But still, icocongratulate ko ang sarili ko dahil may nagawa din akong tama. Masasabi ko na i didn't give up easily, it's just that... Aubree has nothing to do with me anymore.

Tahimik na naglakad si Ate Alex sa direksyon ko and we stay quiet for awhile. I know my sister knew what's on my mind and what i feel right in this moment. Pero kahit sya ay hindi malaman ang sasabihin until i felt her hand on my shoulder. "It's okay.." What she said was simple words but it has so many meaning in it. It makes my heart clenched and tears started swelling in my eyes. "May mga bagay lang talaga sa mundo na kahit gaano natin kagusto ay hindi nakalaan para satin—"

"I don't care anymore." Malamig ko na sabi bago pagalit na ininom ang alak.

"Stop it Cassandra." Medyo kalmanado pa si Ate Alex. But I don't really care kaya nagpatuloy lang ako sa pag-inom hanggang sa naramdaman ko ang alak na umagos sa baba ko nang hablutin ni Ate Alex ang beer mula sa kamay ko. "I said stop!"

"Ano ba!" I screamed at my sister.

My sister looks more so upset now. "Ano bang gusto mong gawin sa sarili mo Cassandra!?"

Bumagsak ang luha ko habang titig na titig kay Ate. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. I feel like wanting to explode and release this anger in me. "Let me be! Let me die—"

Bumiling ang mukha ko sa pagsampal ni Ate Alex sakin. It sting but it's nothing compared to my heartache.

"You.." Nanginginig ang boses ni Ate sa galit and her eyes red. "How dare you say that on my face Cassandra." Pero tahimik lang akong umiyak. "We worked really hard para lang maibigay ang lahat sayo. Pinag-aral ka nina Mama at Papa sa pinakamagagandang paaralan here and outside the country. Sinuportahan namin lahat ng luho mo tapos magsasalita ka ng ganyan..."

Napayuko ako dahil sa kahihiyan with tears streaming down my face. "I'm sorry." Mahina ang boses ko na sabi. "I didn't mean it—I'm really sorry." I covered my face with my hands ae i sobbed really hard. "Ginawa ko naman ang lahat Ate pero bakit ganon.."

Without any words, my sister kneeled in front of me. Her face softened. "I know it hurts, i know there are many questions in your head Cassandra." Tinanggal nya ang kamay ko from my face but still im closing my eyes. "Pero hindi dapat tumigil ang mundo mo dahil nasaktan ka. You can use that pain as a platfrom to stand again Cassandra."

My Ex and Whys (Lesbian) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora