Chapter 14

23.1K 923 161
                                    


Kanina pa kami nandito sa kwarto ni Cassandra pero kahit isang salita wala pa syang sinasabi after ng nangyari sa beach. I can't even read her face dahil wala syang pinakikita na kahit anong emosyon. Hindi ko tuloy alam kung galit ba sya or hindi.

Hindi ko rin naman akalain na ganon ang magiging reaksyon ni Bren. That guy. Kailangan ko na talaga syang iwasan dahil hindi na maganda ang pinakikita nya sakin. Bren is completely a different person don sa Bren na nakilala ko before. Hindi ko na sya kilala and I started to feel scared of him.

Naligo muna ako, I stayed in the bathroom for almost 30 minutes. Sobrang sarap sa pakiramdam yung hot water, nakakarelax ng tensed muscles at ng utak.

"Aubree.." Tawag ni Cassandra mula sa labas ng shower room. I even saw her shadow. "Ano buhay ka pa ba? Gaano mo ba katagal balak magkulong dyan?"

Gusto ko sanang matawa dahil kahit na ramdam ko na inis sya sakin ay hindi nya parin maiwasang mag alala. "Magshoshower ka ba?"

"Kanina ka pa dyan e." Reklamo nya.

Pinatay ko ang shower. "Gusto mo bang sumabay nalang sakin?"

Hindi agad nakakibo si Cassandra but I could already imagine her red face which makes her more beautiful and untouchable. "And what made you think na sasabay ako sayo."

"Why not?" Pigil ako sa pagtawa. "I won't bite. Tara na." 

"Manahimik ka Aubree. Kung ano ano yang sinasabi mo!" Pagtataray ni Cassandra. "Dyan ka na nga!"

"Hey. Baka magbago isip mo!" Pangungulit ko.

"Whatever Bree!" Sigaw ni Cassandra bago tuluyang umalis ng bathroom.

Ang sarap nya talagang biruin. Well, sana lang wag bumalik sakin tong ginagawa ko sa kanya dahil hindi ko alam kung paano magrereact. Lumabas narin ako ng bathroom after few minutes and found Cassandra already in bed while busy talking with her sister over skype sa laptop. Puro yes Ate Alex lang ang naririnig ko mula sa kanya. Parang ako lang din kay Ate Averi pareho kaming Ate's girl.

"Sino kasama mo sa room?" Narinig ko na tanong ni Ate Alex.

I saw Cassandra took a quick glance at me. "Si Aubree."

"Oh can I see her?" Ate Alex asked a little excited. 

"Mm why you—" Mabilis pa sa alas kwatro akong naupo sa tabi ni Cassandra na muntikan ng mabuwal dahil nabangga ko sya. "Aubree, you are so clumsy."

Pero hindi ko pinansin yung pagkainis ni Cassandra sakin at kumaway kaway ako kay Ate Alex sa camera. "Hello Ate Alex." Gosh. This sisters are getting better and prettier each day. "Kamusta po?"

"Okay naman Aubree." Ate Alex smiled at me. Mukhang kagagaling nya lang sa trabaho dahil mukha syang pagod pero maganda parin. "Ikaw kamusta? Hindi ka ba pinahihirapan ng kapatid ko?"

"Ate.." Awat ni Cassandra.

Lalo pa akong nagsumiksik sa tabi ni Cassandra na sobrang bango. Amoy chocolate na may halong kape. Ang sarap nyang kagatin, well don't get me wrong. Walang malisya. She is just smell so freaking good.

"Hindi pa naman po Ate Alex." Biro ko. I could feel Cassandra's murderous stares on me. "Pero ramdam ko na papalapit na—"

"Shut up Bree." Saway ni Cassandra na may kasamang pag irap sakin ng mata. "Isa ka pa."

Nakangiting naiiling nalang si Ate Alex saming dalawa ni Cassandra. "Basta yung napagusapan natin ha Bree? Asahan ko."

"Anong napagusapan?" Paguusisa ni Cassandra. Hindi kami nakakibo ni Ate Alex. "May tinatago ba kayo sakin?"

My Ex and Whys (Lesbian) Where stories live. Discover now