Chapter 16

22.5K 1K 346
                                    


Kahit tanghali na at oras na para bumangon ay pakiramdam ko ayaw ko paring umalis ng kama. Hindi naman ako pagod, actually wala naman akong ginawa na kung ano. Siguro wala lang talaga ako sa mood. Lahat naman tayo nagkakaroon ng lazy day pero yun nga lang, wala akong choice dahil kailangan naming ienjoy ang huling araw ng field trip bago kami bumalik sa normal naming mga buhay.

Padilat na sana ako ng maaninagan ko si Cassandra na kalalabas lang ng bathroom at nakatapis lang ng twalya. Tila may kinukuha sya sa dala nyang bag. I saw the water slowly drifting from her shoulder blade down her spine since nakatalikod sya sakin.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala yung pagtugtog at kanta nya kagabi. Until now naglalaro parin sa utak ko yung napakaganda nyang boses. I still wondered though bakit kaya Why can't it be ang kinanta nya. Para kaya kay Victoria yung kanta?

Nang iikot na si Cassandra ay biglang sumabit yung tuwalya sa bangkuan at parang tumigil ang paghinga ko ng makitang nakalas ito at nalaglag sa sahig. Gusto ko sanang magtakip ng mukha pero diba nga nagpapanggap akong tulog. So wala na akong choice kundi palihim na pagmasdan ang napakaganda nyang katawan.

Sorry Victoria wala na akong magawa. Pasilip lang naman ng konti.

Dinampot ni Cassandra ang tuwalya with full of grace. Walang pagmamadali sa kilos nya. As if she was taking her sweet time. I felt the air hitched inside my throat when the Ice Queen turned to look at me.

Cassandra wrapped the towel around her body. "Hanggang kelan mo balak magpanggap na natutulog."

Patay.

Naglakad sya papunta sa bathroom but stop. "Masarap yung breakfast Aubree kaya tumayo ka na."

Bigla akong napaupo at luminga linga pagkarinig sa breakfast dahil kanina pa ako nagugutom. "Nasaan yung breakfast?" Pero wala akong makitang pagkain. Tumingin ako kay Cassandra na nakakunot noo sakin. "Wala naman ah."

"Wala talaga." Seryoso nyang sagot. "So bakit ka namboboso?"

Hindi lang namula yung mukha ko pero pakiramdam ko nanlamig buong katawan ko. "Na-namboso? Ako?"

"Oo ikaw nga." Naglakad si Cassandra papunta sa kama at tumayo sa harapan ko. "What did you see?"

Natawa ako. "Seriously?" Pero hindi kumibo si Cassandra. "Wala akong nakita! Saka bakit naman kita bobosohan, masyado kang feelingera. Meron din ako nyan no!"

"Talaga?" Biglang napangising si Cassandra at hinawakan ang pagkakabuhol ng tuwalya at...

"Wait." Medyo natataranta kong salita. "Wh-what are you doing?"

Napalunok ako ng matanggal na ni Cassandra ang pagkakabuhol ng tuwalya. "Sabi mo wala kang nakita, kaya ipapakita ko sayo."

"Nababaliw ka na no?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Pero bigla akong nahiga at nagtalukbong ng kumot ng makita ko na unti unting binubukasan ni Cassandra ang tuwalya. "Ahhhh! I can't believe you!!"

Umalingawngaw ang mmalalamyos na tawa ni Cassandra sa kabuuan ng kwarto. Tawang tawa sya sa kalokohan nya. "Serves you right Aubree."

"Magbihis ka na nga! Kung ano ano yang pumapasok sa utak mo!" Kunwari syempre naiinis ako.

"Ayaw mo ba talaga makita Aubree—"

"Shut up!"

"Fine." Bakas sa boses ng Ice Queen ang saya. Nakaganti na sya sakin pagkatapos ng mga panunukso, at pangloloko ko sa kanya. "But if you ever change your mind. Nasa bathroom lang ako."

Nanatili akong nakatalukbong hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog ulit pala ako. Pag gising ko almost 10 am na. Kaya naman nagmamadali akong magshower, magbihis para makapagbreakfast. Binitbit ko narin ang camera ko para makakuha ng magagandang tanawin mamaya sa pag lalast tour namin.

My Ex and Whys (Lesbian) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora