Chapter 17

21.7K 902 104
                                    

"Wait, are you sure about this?" Naguguluhan ko na tanong kay Cassandra habang naglalakad kaming dalawa papunta sa gitna kung saan nagsasayaw ang mga klasmeyt namin. "You don't have to do this wala nanaman si Bren "

Pero imbis na sumagot ay kinuha ni Cassandra ang kamay ko para ilagay sa kanyang bewang. "I'm always sure kung ano man ang ginagawa ko Aubree."

"Cassandra.." Namumula ang mukha ko at nanlalamig. "Maraming nakatingin at..."

"Wala akong pakialam." Mariin nyang sagot sakin. "Ngayon lang ba sila nakakita ng parehong babae na nagsasayaw?"

"No.." I was trying to find a right words to say kung paano ipapaliwanag sa kanya yung nangyayari ngayon. "You are the Ice Queen."

This time Cassandra looked at me. "So what?"

Lalong kumabog ang dibdib ko at hindi mapakali ng magumpisa ng gumalaw ang katawan ni Cassandra with the music. "Because you supposed to be untouchable, invincible but now you are dancing with me."

Hindi nagsalita si Cassandra as she forced me to dance pero parehong kaliwa ang paa ko kaya hindi ko alam kung saan hahakbang. Gosh, nakakahiya.

"Umapak ka sa paa ko." I heard Cassandra whispered.

"Ha?" Napanganga nalang ako. "Umapak sa paa mo? Bakit?"

Huminto sya sa pagsayaw at humawak sa bewang ko. "Kasi alam kong hindi ka marunong kagsayaw."

"No.." Natatawa kong sabi. Ang lakas talaga magtrip nito si Cassandra, kung ano ano pa ang pumapasok sa isip nya. "I can't do that."

"Yes you can." Seryosong ang mukha na sagot nya sakin. "O gusto mong buhatin pa kita?"

Syempre hindi naman marunong magjoke itong si Cassandra kaya bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba at takot baka kasi totoohanin nya talaga. In defeat, napilitan na akong gawin ang gusto nya. Hindi naman ako mabigat kaya alam kung hindi sya mahihirapan.

Ramdam ko ang malakas na tibok ng aking puso the moment our body and face are almost touching. I put my hands in her shoulders and hers on my waist to help me secure the balance before Cassandra moves, sway from side to side.

Hindi ko narin inisip yung mga nagtatanong at mapanghusgang tingin ng mga tao sa paligid namin but they just couldn't react dahil si Cassandra ang makakalaban nila.

"Don't mind them." Bulong ni Cassandra sakin as we stare at each other. The fire illuminates the Ice Queen's beautiful face. "Just look at me Aubree."

I was speechless.

Bigla tuloy akong napaisip. Anong rason at bakit ginagawa ni Cassandra ito sakin? Why she cares about me? Bakit sya nagaabala na ilang beses akong iligtas kay Bren? Ipagdrive ng sasakyan at iuwi sa bahay. Bakit?

"Why are you doing this Cassandra?" Finally I mimicked my own thoughts.

"I don't need reason." Walang gatol na sagot ni Cassandra. Her eyelashes swept up and down. It makes me  hypnotized by her. "I just know that.." I have waited for her to say even more, ayaw ko ng binibitin ako. "You are clumsy, dumdum.."

"What!?" Nanlalaki ang mata at ulo ko sa sinabi nya. "Dumdum?!" Parang sinabihan nya akong tanga face to face. "How dare you hindi ako tanga!"

"Hindi yun ang—"

"Nienglish mo lang Cassandra." Katwiran ko sabay baba mula sa pagkakaapak sa paa nya na punong puno ng inis ang mukha. "I hate you!"

"Are you sure you hate me?" Nakangiting tanong sakin ni Cassandra.

My Ex and Whys (Lesbian) Where stories live. Discover now