Chapter 15

23.5K 909 138
                                    


"Aubree!" Tawag sakin ni Ava pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad palayo sa obstacle course, palayo kay Cassandra. "Ano ba Aubree! Huminto ka nga!"

Sa sobrang kahihiyan kasi na naramdaman ko ngayon parang gusto ko nalang lamunin ng lupa o di kaya ay maglahong parang bula. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at muntik muntikanan ko ng halikan si Cassandra. Like what the hell just happened? Namaligno ba ako o Nakulam?

"Para kang talunang manok!" Biglang sigaw ni Maya. "Pagkatapos mong suwagin yung palay tatakbo takbo ka!"

This time napahinto ako pa at unti unting tumingin sa mga kaibigan ko na habol ang paghinga dahil sa kakasunod sakin. "What did you say?"

Naginhale exhale muna si Maya bago sumagot. "Duwag ka."

"Maya.." Awat ni Ava. "Wag mo syang pansinin Aubree." Lumapit sya sakin at hinawakan ang balikat ko. "Don't worry wala naman nakakita kundi kami lang ni Maya." I don't know what else to say. "Kaya magrelax ka lang."

"Hindi ko alam Ava kung bakit ko yun nagawa. Kung bakit ko sya hahalikan." Sobrang gulo ng isip ko.

"Simple lang Bree." Salita ni Maya. Kalmado narin sya gaya ko. "Kasi gusto mo sya."

Parang lalo lang akong naguluhan sa sinabi ni Maya. Gusto ko si Cassandra? Talaga? Kailan, paano at bakit? I mean there is no doubt that the Ice Queen is so beautiful, undeniably smart and all the good qualities na inaasam ng isang lalaki sa isang babae. But really? Gusto ko sya?

"Are you kidding me right Maya?" Medyo na tatawa ko pang tanong sa mga kaibigan ko pero pareho silang seryoso ang mukha so I know that they are not joking. "Oh my gosh."

"There's nothing wrong of having crush on Cassandra because let's admit it or not na talaga namang napakaganda ng Ice Queen na yan. Kahit sino magkakagusto sa kanya, mapalalaki man o babae." Paliwanag ni Ava. I know she is trying to make me feel better.

"But I don't even know na gusto ko sya girls. Kayo lang ang nagsasabi nyan." Katwiran ko.

"Hindi mo naman agad malalaman yun Aubree." Wika ni Maya. "Love moves in mysterious way ika nga."

"Wait. Kanina lang like tapos naging love?" Natataranta kong tanong sabay sabunot sa buhok ko pero tawa lang ang sinagot nila  sa dilemma ko ngayon. Ano ba tong napasukan ko. "Ahhhh!" Bigla akong napasigaw ng walang pakundangan nila akong binuhat. Si Maya sa upper body samantalang si Ava sa mga binti at dinala papunta sa dagat. "Ibaba nyo ko!"

"Kailangan ka na naming binyagan Aubree." Maya said like a maniac.

"Humanda kayo sakin!" Pagbabanta ko. "Bitawan—" Walang kahirap hirap nila akong hinagis at nalublob sa dagat. I couldn't hear anything but the sound of water. Kahit hanggang hita lang yung pinagbagsakan nila sakin daig ko pa ang nalunod. Mabilis akong umahon at hinabol ang dalawa kong makukulit na kaibigan na nagkakamdarapa sa pagtakbo. "Run bitches!"

Hindi ko parin sila naabutan dahil ang bibilis at liksi nila. We ended up going around the resort, may mga souvenir shops, food stalls etc. Pumasok kami loob ng isang tyangge na nagbebenta ng mga accessories. What got my attention is the different kind of hats. Merong panama, boater, cowboy hat, bowler at syempre para sa ating mga babae ang sun hats.

Kinuha ko ang sun hat at sinukat. Saktong sakto dahil tumataas na ang araw kaya masakit na sa mata. "Girls bagay ba sakin?" Tanong ko sa dalawa na abala rin sa pagsusukat ng kung ano ano.

"Oo Bree. Girl na girl ka." Nakangising sagot ni Maya.

Napaikot ang mata ko dahil alam kung may gusto syang sabihin. I totally ignored her remarks. "Ano ba maganda, eto." Turo ko sa suot kong sun hat "O yung bowler?"

My Ex and Whys (Lesbian) Där berättelser lever. Upptäck nu