Chapter 2

29.7K 1K 149
                                    

In my four years existance here at school ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiwas sa kahit ano mang gulo, imaintain ang maganda kong imahe at reputasyon pero sa isang iglap lamang ay lahat ng ito ay nasira dahil kay Cassandra Monteralba.

Pakiramdam ko ay nasaniban ako ng masamang esperito o hindi kaya ay kaluluwa ni Gabriella Silang kaya ako naging palaban. Well, maybe because i was tempted and anger dahil sina Ava at Maya na ang inaapi ni Cassandra. Kahit naman siguro sino ang lumugar sa katayuan ko that time baka ganon din ang gawin nila.

After naming kumain ay dumaretcho na kami sa huli naming klase for today at gaya ng ineexpect ko ay kalat na agad sa buong campus ang nangyari sa canteen kaya naman kaliwa at kanan ang mga bulong bulungan.

Ano na kaya ang mangyayari sakin ngayon?

"Hindi mo na sana ako pinagtanggol Aubree," Bulong ni Ava sakin. Ngayon lang sya nagsalita after what happened and i clearly see the worries in her eyes. "We don't know what the Ice Queen is planning to do now,"

"Sshh," Saway ni Maya. "Don't blame Aubree," Daretchong sabi nito kay Ava. "She had a ball to stand up for you especially against the Cassandra na wala pang nakakagawa sa school na ito dahil sa takot,"

"Pero mapapahamak sya," Ava was pointing out. "Last semester may pinakick out sya dito sa school at ayaw kong mangyari rin yun sa kanya!"

"Girls.." Awat ko sa aking mga kaibigan bago pa sila magtalo. "Stop it okay? Walang mangyayari kung magpapadala tayo sa takot," The truth is, hindi naman talaga ako natatakot kay Cassandra. Maybe intimidated yes because after all we are still kids at kapag lumabas kami dito sa school ay pare pareho na lang kaming ordiaryong tao. "Relax lang tayo,"

"I still can't believe you just.." Napabunga ng hangin si Ava at nakatingin sa kalawakan. "Ngayon ka lang namin nakita na ganon Aubree,"

Inilabas ko ang tablet na gagamitin namin for our next subject. "Oh trust me girls, me too." Naiiling ko na sagot. "Hindi ko nga alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sagot sagutin si Cassandra ng ganon,"

Naramdaman ko ang pag hawak ni Ava sa aking kamay. "Thank you Aubree,"

"But something is bothering me though," Usal ni Maya habang pumipitik pitik ang daliri sa desk nya. "Kilala ka pala ni Cassandra?"

Kahit ako napaisip, sa dami namin dito sa school ay hindi mo makikilala ang karamihan sa pangalan. Hindi rin ako famous gaya ng iba pero nakakapagtaka na alam ni Cassandra ang pangalan ko. Lalo lang ako naguluhan.

Pumasok ang profesor namin na hindi magkandauga uga sa pagbitbit ng kanyang gamit. Nahulog pa ang isang libro na bitbit nya sa sahig na lalong nagpatawa sa mga classmate namin samantalang kaming tatlo ay nakatunganga lang dahil wala namang nakakatawa sa nangyayari.

"Quiet!" Saway ng professor namin habang inaayos ang suot nyang salamin ng makatayo na sya sa gitna. "Okay class, I'm Trevor Soltones," Inilibot nya ang kanyang paningin sa buong classroom. "It's nice to meet all of you,"

"But we are not please to meet you," Malakas na bulong ng classmate namin sa bandang hulihan.

"Who is that?" Tanong ni Prof.

"Ako," Anang ng isang lalaki.

"Me!" Sabat ng isa pa.

"Okay whatever," Naiiling na sabi ni Prof. "Anyway. nandito na ba ang lahat?" Walang kumikibo. "Well then let's start-"

Lahat kami napatingin sa mga taong bigla nalang pumasok sa classroom at tuloy tuloy sa kanilang mga upuan. Nanikip ang panga ko habang pinagmamasdan si Cassandra. Akalain mo nga naman na sa dinami dami ng pwede ko maging classmate ay sya pa talaga. Ano ba ang meron sa araw na to?

My Ex and Whys (Lesbian) Where stories live. Discover now