Chapter 5

24K 1.1K 164
                                    


"May date ata ang little sister ko," Bungad ni ate Averi sakin pagkababa ko ng hagdanan. Abala sya sa pagdedesign ng sarili nyang damit na ilalaunch nya next month with the collaboration kay Samantha Imperial. "Who is the lucky guy?"

"I'm going out with Bren dahil inimbita nya ako manuod sa isang tv show napupuntahan nya," Naupo ako sa tabi ni ate. "But we are not dating,"

"Really?" Hindi naniniwalang sabi ni ate Averi  She put the magazine down the table and looked at me. "Okay fine, then sino yung naghatid sayo kanina ng masira yung sasakyan mo?"

Why my sister pestered me with so many questions? Daig nya pa sina Mama at Papa sa pageenterogate sakin. Kulang nalang mag hire ako ng lawyer to defend myself. But whatever, it's better not to answer baka kung ano pa isipin nya. Nakakahiya naman kay Alice, nagmagandang loob lang na isakay at tulungan ako.

"Where is Mom?" I changed the topic.

Ate Averi crossed her legs and tilted her head back. "She went out with her kumares," At ibinalik nya sakin ang kanyang paningin. "Now Aubree, don't changed the subject. Tinanong kita ng maayos,"

I sigh in defeated. "She just offer a ride para makauwi ako,"

"Who is she?" Taas kilay na tanong ni ate.

"Si Alice John," Sagot ko. "The singer of the song Colors of you," Just in case na hindi nya alam kung sino yung tinutukoy ko. "Do you know her?"

"Mmm," Napaisip si ate. "No," Bigla syang tumayo dahil may tumawag sa cellphone nya. "Text me kung nasaan ka at kung anong oras ka uuwi Aubree or else ako mismo susundo sayo kapag 10 na wala ka pa,"

"I'm not a child!" Inis ko na sabi ng tumalikod si ate.

Huminto sya sa paglalakad pero hindi tumingin sakin. "Yes you are not a child anymore Aubree. We all know you won't do any stupid thing but sometimes even the smartest person makes unpopular and wrong decision too."

Hindi na ako nakakibo. I got her point and ate Averi is just being very protective of me but im not stupid naman to do things i will regret later. After few minutes tumawag na si Bren and told me na he is waiting outside. Lumabas na ako ng bahay, i didn't even said goobye to ate.

"Wow," Bulong ni Bren the moment i hopped inside his car. Hindi nya maalis ang mata sakin.  "You are so beautiful Aubree,"

His compliment didn't give me any butterflies gaya ng mga nababasa ko sa libro. Wala talaga akong maramdaman na any romantic feelings towards Bren.

"Thank you," Pasasalamat ko habang pinagmamasdan si Bren. He is really handsome, makapal ang kilay, mabibilog at nangungusap ang mga mata, mapupula na labi at maganda magdala ng damit. "You are not bad yourself,"

Pinaandar ni Bren ang sasakyan na may ngiti sa kanyang labi. "I'm sorry kung medyo natagalan, sobrang traffic."

"It's okay," Sagot ko habang hinahatak ang suot ko dress sa bandang hita. "Are you ready para sa live performance mo mamaya?"

"I'm always ready Aubree especially that you are with me,"

"Yeah," Maiksi ko na sagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano sasabihin. Hanggat maari kasi ayaw akong bigyan ng kahit anong pag asa si Bren para hindi sya masaktan.

Hindi na kami nag usap ni Bren habang nasa byahe dahil nagpanggap ako na busy sa phone. Kachat ko lang naman sina Ava at Maya sa group chat naming tatlo. Edi ano pa ba? Nabusog ako sa kakakantyaw nilang dalawa.

Nagkakagulo ang mga fans na  naghihintay kay Bren sa labas ng building kung saan sya kakanta. Wow, hindi ko ineexpect na ganito na pala sya kasikat samantalang sa school ordinary student lang kami. Inalalayan ako ni Bren makababa ng kotse at pumasok sa loob ng building.

My Ex and Whys (Lesbian) Where stories live. Discover now