Chapter 6

24K 996 139
                                    


Ilang minuto na kaming magkasama ni Cassandra dito sa loob ng sasakyan nya pero kahit isang salita ay wala pa syang sinasabi sakin. Pero hindi nanaman ako nasusuprise dahil yan ang una kong  napansin sa kanya. Hindi sya mahilig magsalita pero mata palang nya ay matatakot ka na.

Kaya inabala ko nalang ang aking sarili sa pagtingin sa loob ng kotse nya. Aba once in a lifetime lang itong mangyari baka hindi na ulit maulit kaya sasamantalahin ko na. Wala namang kakaiba sa sasakyan ni Cassandra. Typical. Pwera lang sa laruan ng bata na mga barbie doll at stuff toys, kay Pia siguro. Yung pamangkin nya na nakita namin ni ate Averi sa park.

Kamusta na kaya ang batang yun? Sana lang wag syang tumulad kay Cassandra paglaki.

"What did you say?" Biglang tanong ni Cassandra pero nakafocus lang sya sa daan.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko parin maiwasang mamangha kapag pinagmamasdan ko sya. There was something in her na gustong gusto kong pakatitigan na kahit kailan man ay hindi ko pagsasawaan. "Ha?"

"Sabi mo wag syang tumulad sakin,"

Oh gosh. I want to mentally slap my face. Akala ko sa utak ko iyon nasabi. Umiwas ako ng tingin. "It's nothing,"

Matagal hindi sumagot si Cassandra. Tila pinagiisipan nyang maigi kung ani ba ang dapat sabihin. Baka mamaya bigla nya akong sipain palabas ng kotse nya. Knowing her sa school nga marami na syang pinakick out. Ako pa kaya tapos dadalawa lang kami dito sa sasakyan nya.

Biglang inihinto ni Cassandra ang kotse sa parking lot ng isang kilalang restaurant. Heto na, heto na. Papalabasin nya na ako at iiwanan na parang basang pusa sa daan. Pinatay nya ang makina ng sasakyan at may kinuha sa backseat.

"Wear this." Utos ni Cassandra sakin,  inabot nya ang varsity jacket at slippers. "It will cover the dirt on your dress," Binuksan na nya ang pintuan at binitbit ang payong. "Follow me,"

Napanganga nalang ako. Well, she is not that bad as we thought at school. Pagbukas ko ng pintuan ng kotse ay lumapit sakin ang guard na may dalang payong at inalalayan akong makapasok sa loob ng restaurant.

I saw Cassandra is talking with someone. Nagdalawang isip tuloy ako if lalapit ba ako o hindi. So yeah, i just stood few steps behind her. Niyakap sya ng isang babae sabay halik sa pisngi.

"Thanks baby girl," Anang ng babae sa kanya. Wait, magkamukha silang dalawa. It's just that Cassandra is the younger version. "Oh, hi." Halos itulak nya si Cassandra paalis sa kanyang daanan ng makita ako. "Are you Cassandra's girlfriend?"

Namula ang mukha ko. Like, seriously? Girlfriend agad? Hindi ba pwedeng friends lang or kakilala?

"Ate Alex!" Angil ni Cassandra sa nakakatanda nyang kapatid. "And im not a baby girl anymore and she is not my girlfriend! How dare you!"

Pero parang walang narinig ang nakakatandang Monteralba. Magiliw nitong inilahad ang kanyang kamay sakin. "I'm Alexandra Monteralba," Super laki ng ngiti nya na lalong nagpaganda sa kanya. Sana ganyan din si Cassandra laging nakangiti hindi yung parang mangangain ng tao. "And you?"

Naiilang man ay kinuha ko narin ang kamay nito. "Aubree, Aubree Gonzales."

Biglang napatingin si Alex kay Cassandra pagkarinig sa pangalan ko at ngumiti. "Welcome to my restaurant," Oh wow sila pala ang may ari nito. "What happened to you though?" Paguusisa nya habang pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa. "Are you Cinderella?" Hindi ko mapigilang matawa. Ang laki ng pagkakaiba nilang magkapatid. "Cassy," Tawag nya sa nakakabata nyang kapatid. "Kuhain mo yung extra shirt and jogging pants ko sa office,"

"Ha? Bakit ako?" Inis na tanong ni Cassandra.

"Kuhain mo na," Mas matigas na boses na sagot ni Alex. Kaya walang nagawa ang Ice Queen ng school namin kundi ang sumunod. "I'm sorry about that. My sister is just..." Napakamot sya sa kanyang baba. "Really stubborn,"

My Ex and Whys (Lesbian) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon