Chapter 4

24.8K 961 250
                                    


Lahat kami ay nakatayo sa gitna ng klasrum habang nakablind fold. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman namin dahil sa mga pakulo ni Sir. Soltones. Nagbubulungan sina Ava at Maya samantalang ako ay tahimik lang at nagdadasal na sana wag ako mapunta don sa mga classmates kong lalaki lalo na kay Cassandra.

"Okay class," Panimula ni Sir. Soltones. "Pwede na kayong maglakad lakad at magikot ikot just be careful and no talking," As if on cue, nagumpisa na kaming lahat maglakad, kumapa kapa na parang mga bulag. "At kung sa tingin nyo ay natagpuan nyo na ang gusto nyo maging partner para sa gagawin nating project ay pwede nyo ng tanggalin ang blindfold na nasa inyong mukha,"

Hindi naman kalakihan ang room kaya ilang minuto lang ay may biglang humawak sa mukha ko. Ang gaspang ng balat, so im sure na lalaki ito. Gusto ko mang magsalita pero hindi pwede dahil kung hindi ay daretchong flat one ang grade ko. Dahil sa La Salle kapag flat one ang grade ay ibig sabihin nito ay nangunguna ka, nangununang bagsak o pasang awa. Inis kong tinabig ang kamay paalis sa mukha ko and to my surprise tinulak nya ako na muntik ko namang ikatumba mabuti nalang at may nakasalo sakin kundi baka nakahilata na ako sa sahig.

"Class please no pushing," Paalala ni Sir. Soltones. Sya pala ang nakasalo sakin. "Go on,"

Tumango ako bago naglakad ulit, ginagalaw ko rin ang aking mga braso to know if meron bang tao sa paligid ko. Napahinto ako sa paglalakad na may bumangga sakin at maya maya pa ay hinawakan nito ang kamay ko.

Okay Aubree, let's do this para matapos na. Bulong ko sa aking sarili.

Iniangat ko aking ang kamay at dinala sa mukha ng kung sino man ang nasa harapan ko ngayon. Nakapa ako ang mahaba nitong buhok. Mmm. Okay, it's a girl. Sunod naman ay hinawakan ko ang kanyang pisngi, napakalambot at makinis ng balat nya. I even trailed my thumb against her bottom lip, gosh it's even more softer.

"Okay, tanggalin mo na ang blind mo." Tapik ni Sir. Soltones sa balikat ko. "You already have a partner,"

Meaning nagtanggal na ng blindfold kung sino man tong nasa harapan ko. So no choice na ako. Tutal girl naman sya kaya okay narin ako. Dahan dahan kong tinanggal ang blindfold, i blinked multiple times para tanggalin ang panlalabo ng paningin ko. I'm hoping for Ava or Maya then i will be— Pakiramdam ko bumagsak ang buong mundo sakin when i saw kung sino sya. Sino pa ba? Edi si Cassandra. Though she is not looking at me but i know her face is red for whatever reason.

So... We just... Stood there saying nothing and in pure awkward silence.

After few minutes lahat kami ay meron ng partner. Si Maya ay partner ang kaibigan ni Cassandra kaya hindi maipinta ang mukha nito because i know how much she hated that girl. Samantalang ang kay Ava naman ay ang kilalang nerdy ng school namin and i think wala naman syang problema don. Pero kung tutuusin wala sila kung ikukumpara sakin, kung bakit naman kasi sa dinami dami ng pwede kong makapartner si Cassadra pa diba? Don pa talaga sa tao na kahit sa hinagap ay hindi ko maisip makasama ko. Oh life, why? What did i do to you?

"Lahat kayo ay may partner na," Wika ni Sir. Soltones habang nakatingin sa laptop nya. "I will give you guys this special project at kapag nagustuhan ko ang gawa nyo ay pasado na ang grade nyo sakin this semester at siguradong gagraduate kayo,"

Napatingin ako kay Cassandra ng marinig ko syang bumuntong hininga ng malalim. She looks so bored amd agitated. Well, alam ko naman na ayaw nya ako maging partner, pero pareho lang kaming wala ng magagawa or else sa kangkungan kami pupuluting dalawa.

"Gusto kong gumawa kayo ng documentary about happiness," Anunsyo ni Sir. Soltones.

"Happiness?" Tanong ni Maya.

My Ex and Whys (Lesbian) Where stories live. Discover now