Chapter 11

22.2K 946 189
                                    

Bumaba kami ni Cassandra ng sasakyan and i swear i almost laugh ng makita ko syang nakanganga habang nakatingin sa malaki at magulong palengke. I can't blame her though dahil sa reaksyon nya ay napaghahalatang first time nya palang makapunta sa ganitong lugar. Mabuti pa ako madalas makapasyal sa palengke kapag sinasamahan ko si Manang mamili o di kaya si Mama kapag wala syang trabaho at nasa mood syang magluto. Gusto nya kasi na matuto ako sa mga simpleng gawain para hindi naman ako magmukhang walang alam.

"Let's go inside.." Aya ko kay Cassandra. Walang kibo syang sumunod sakin, halos mabunggo pa sya ng lalaki na walang pang itaas na damit at may buhat na isang sako ng gulay. "Be careful."

"I am.." Sagot ni Cassandra. "Sila ang hindi nagiingat."

Hindi na ako nagsalita pa dahil baka humaba lang at mapunta sa pagtatalo. Medyo basa ang kalsada kaya super ingat kami sa paglalakad ni Cassandra. Umikot ikot ang mata ko sa paligid ng palengke, naghahanap ng masarap kakainin.

"What are we going to buy?" Tanong ni Cassandra. Well, at least hindi na awkward sa kanya na unang magsalita. 

Nilingon ko sya. "What do you want thought? Marunong naman akong magluto kahit pano." I smiled a little. "Wag lang pang restaurant na pagkain irequest mo dahil hindi kakayanin ng powers ko."

"Ano ba ang powers mo?" Taas kilay na tanong ng Ice Queen. Okay, i catch her sarcasm there.

Pero napaisip din ako, ano nga bang powers ang gusto nating magkaroon aside sa paglipad para makarating kung saan saan at lakas? Kung ako papapiliin mas gusto ko makapagbasa ng isip ng tao para naman bawas hassle. At least alam ko agad if people are lying to me or not.

"Love." Nakangisi ko na sagot. "Power of love." Tinitigan ako ni Cassandra na parang ngayon lang kami nagkita. "Para sa world peace. If there's a love for one another, magkakaroon ng respect kaya wala ng gera o ano mang hindi makataong pangyayari."

Tumalikod si Cassandra. "Para kang sasali sa beauty contest." Wala akong nagawa kundi ang mapatawa. Huminto kami sa tapat ng tindahan ng mga baboy at manok. "Mrs. Vendor." Tawag nya sa atensyon ng tindera. "How much is the pork?"

Napatingin muna sakin ang tindera bago kay Cassandra na titig na titig sa mga baboy at manok na nasa harapan nya. "120 kalahati Iha."

"Ah okay. I will buy 2 kilos—"

"Ah hindi po." Agad kong awat kay Cassandra na may kasamang panglalaki ng mata. "Manok po isang kilo."

"Hindi mo gusto ang baboy?"

Nilingon ko sya. "Gusto, pero hindi naman pwede lutuin ang baboy para sa tinola." Inabot sakin ng tindera ang plastic na may lamang manok at binayaran ko narin ito. "Salamat." Hinanap ko ang stalls ng mga isda pero hindi ko agad nakita dahil sa dami ng tao. "Cassandra—" Bigla akong natigilan ng mapansin na wala ang Ice Queen sa aking tabi. "Oh gosh."

Saan kaya nagpunta ang babae na yon. Hanap dito, hanap doon muntik pa akong madulas sa paglalakad ng mabilis. Hanggang sa mapunta ako sa hanay ng tindahan ng mga isda at seafood.

And there she is, sitting in front of a basin na may lamang tubig at hipon na malalaki. Narinig ko na nakikipagusap sya sa tindero with a smile on her face. Parang hinipan ng hangin yung pagaalala ko at napalitan ng ngiti. Ibang iba talaga si Cassandra kapag wala sa school, she is showing her emotions na kabaliktaran ng pagiging Ice Queen nya.

"Magkano po ang kilo nito?" Narinig ko na tanong ni Cassandra sa tindero.

"380 Anak, medyo mahal ang seafood ngayon dahil summer. Pahirapan ang panghuhuli." Sagot ng lalaki na buong paghangang pinagmamasdan si Cassandra. Ngayon lang ba sya nakakita ng magandang babae? "Pero 280 nalang para sayo."

My Ex and Whys (Lesbian) Where stories live. Discover now